THE BILLIONAIRE'S PROMISE (SPG/R18)

THE BILLIONAIRE'S PROMISE (SPG/R18)

book_age18+
5.8K
FOLLOW
62.8K
READ
HE
dominant
badboy
sweet
bxg
office/work place
addiction
lawyer
seductive
like
intro-logo
Blurb

Sabi nila, napakasuwerte mo bilang isang babae kapag makahanap ka ng isang lalaking magmamahal sa iyo ng buong katapatan. Iyong pahahalagahan ka sa kung ano at sino ka.

Isang lalaking handang gawin ang lahat para mapasaya ka at masigurong lagi kang nasa maayos na kalagayan.

Ngunit, paaano kung magkaroon ka nga ng ganitong uri ng lalaki, ngunit hindi mo napapansin ang lahat ng ginagawa niya para sa iyo dahil naka-focus ka sa sarili mo at sa mga pangarap na gusto mong maabot sa buhay.

Ganitong-ganito ang nangyari kay Avery Zynia Huizon o 'Avez'. Nakasanayan na niyang palaging nasa tabi niya si Llander Marconi. Ang kababata niya na mula pa noon ay may lihim ng pagtingin sa kaniya.

Lahat-lahat ay handang gawin ni Llander para sa pagmamahal niya kay Avez, kahit ang maging kapalit pa niyon ay bitiwan niya ang mga pansarili niyang pangarap.

Ngunit paano kung dumating ang sandaling mapagod na si Llander at tanggapin na lang na wala siyang pag-asa kay Avez?

Ngunit sa sandaling pagtigil niya ay doon naman mare-realize ni Avez ang halaga ni Llander? Paano kung ang akala ni Avez na matalik na kaibigan lang ay siya palang tunay na nagmamay-ari ng kaniyang puso?

ic_default
chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Oh, s**t! Ahh! Sige pa… ahh!” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang halinghing ng babae. Ngayon ay sigurado na akong may milagrong nangyayari roon. At ganoon na lamang ang pagkagimbal ko nang makita si Llander habang nakikipagtalik sa isang babaeng hindi ko kilala. Nasa loob mismo ng isa sa mga cubicle ang mga ito ngunit nakaawang ang pintuan kaya kitang-kita ko ang nangyayari sa loob. Nakatuwad iyong babae habang binabayo ni Llander mula sa likuran. Gustong-gusto na kong umalis pero tila napako na ang paa ko sa kinatatayuan. Nagising lang ang diwa ko nang may dalawang babaeng paparating at papasok din ng restroom. Dahil doon ay hindi na ako tumuloy sa gagawin at halos patakbong umalis sa lugar na iyon. Sapo-sapo ko ang dibdib sa lakas ng kabog nito. “Kadiri talaga ang lalaking iyon! Nakakainis! Walang ka-class-class. Hindi man lang kumuha ng kuwarto at doon ginawa ang kahalayan nila! Nakakagigil, buwisit na lalaking iyan!” inis na inis kong sambit sa sarili. Nanggagalaiti ako sa galit at kung puwede nga lang sana ay batukan nang paulit-ulit ang lalaking iyon. Nagsisisi akong nakita ko ang ganoong bagay at nakakasuka talaga. Mga walang delikadesa. Kung saan na lang abutan ng libog nila ay gagawin na agad ang bagay na iyon. “Why are you here?” “Ay kabayong bakla!” gulat na bulalas ko nang biglang marinig ang isang boses mula sa likuran. Agad nanlisik ang mga mata ko nang makita kung sino iyon – si Llander. Kasalukuyan pa lang nitong inaayos ang long sleeve polo na suot at ikinakabit ang ilang butones. “Why are you peeking at me while I was having my hot moment?” usig niya agad sa akin. Namula naman ang mukha ko at lalong lumakas ang dagundong ng dibdib ko. “Kapal ng mukha mo, ah! Hindi ako naninilip. Kadiri ka! Naghihirap ka na ba at hindi ka man lang makapag-hotel o motel man lang para magawa iyang kahalayan mo?” asik ko naman sa kaniya. Tumawa lang si Llander at mas lumapit sa akin. Bahagya naman akong napaatras. “Alam mo, Avery Zynia, normal lang sa isang babae at lalaki ang gawin iyon. Ikaw lang talaga itong kampon ni Maria Clara at nagkukunwaring dalagang Filipina. Kapag natikman mo iyon, I’m sure hahanap-hanapin mo. Lalo na kung ako ang magpaparanas sa iyo,” pilyo at mapanghibong pahayag ni Llander. Isang malakas na sampal na nagpatabingi sa mukha ni Llander ang isinagot ko sa sinabi niya. Medyo awang ang labi na hinaplos pa niya ang bahagi ng mukha na nasampal at nakangising tumitig sa akin. Lalo ko naman naramdaman ang pagkulo ng dugo ko. “Bastos! Wala ka talagang modo, Llander. Malayong-malayo ka talaga kay Uncle Sander na napaka-gentleman! Huwag mo akong igaya sa mga babae mo dahil hindi ako kaladkarin!” nagpupuyos sa galit na sigaw ko sa kaniya. Mabuti na lamang at malakas ang music doon sa party at medyo malayo kami roon sa venue kaya hindi dinig ang sigaw ko. Ngunit nagimbal ako nang biglang hapitin ni Llander ang baywang ko at isandal ako sa pader na naroroon. Nanlaki ang mga mata ko at ilang beses na napalunok. “How dare you compare me to my dad? You know nothing about me – the real me,” tila gigil na pahayag ni Llander at walang babalang kinuyumos ng halik ang mga labi ko. Napasinghap ako sa gulat at mabilis na nagpumiglas. Ngunit humigpit lang lalo ang pagkakayakap ni Llander sa baywang ko at mas idiniin ang katawan nito sa akin. “B-Bitiwan mo, ako! Demonyo ka! Hmp, hmp…” pilit kong iniiwas ang mukha ko at ibinabaling ang ulo ngunit nahuli pa rin ni Llander ang mga labi ko. Sinubukan kong tuhurin siya ngunit mabilis na nahuli ni Llander ang hita ko at pinisil pa iyon. Nabigla talaga ako sa kakaibang daloy ng kuryente sa ginawa nito. This is my first kiss and it’s not even special. Well, the high school kiss before didn’t count right? How could this annoying bastard steal my first kiss? Damn him! Dahil pagod na ako at wala rin akong laban sa lakas ni Llander ay huminto na ako sa pagpupumiglas. Ngunit kasabay niyon ay ang paghikbi ko dahil sa matinding frustration. Napatda naman si Llander at napahinto sa ginagawa. Tila siya natauhan at biglang inusig ng konsensya sa nagawa niya sa akin. “I’m sorry, Zynia. I am very sorry!” abot-abot ang paghingi niya ng tawad. Pero galit ko siyang itinulak at muling pinatikim ng malakas na sampal. “Asshole! I will never forgive you for what you did! Nakakadiri ka! Pagkatapos mong manghalik ng ibang babae–” “Hey! I never kissed that woman, not even once!” depensa naman agad ni Llander para putulin ang sinasabi ko. “Sinungaling! Nakakadiri ka! Pakiramdam ko, pati ako ay marumi na rin!” bulyaw ko pa sa kaniya bago patakbong umalis. Binalak akong habulin ni Llander ngunit napahinto siya sa hindi ko malaman na dahilan. Kinabukasan, maaga pa lang ay nasa condo na ni Avez si Llander. May dala itong malaking bouquet ng mga bulaklak at tatlong hugis-pusong lobo kung saan pare-parehong may nakasulat na ‘I’m sorry’. “Please, Avez, patawarin mo na ako. Hindi ko na uulitin iyon, okay?” pagsusumamo pa niya. Maliit lang ang awang ng pintuan at ayaw ko siyang papasukin sa condo ko. “Nek-nek mo, Llander! Isusumbong kita kay Tita Coleen!” banta ko pa sa kaniya. Ngunit imbes na matakot ay natawa naman si Llander. “Avez, hindi na tayo mga batang paslit para magsumbong ka pa. Huwag na nating idamay ang mga magulang natin dito. Saka nandito na nga ako, oh. Sorry na kasi! Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ako?” patuloy na pagmamakaawa nito. Gusto ko na ngang matawa sa hitsura niya pero nagpipigil lang ako. “Wala! Umalis ka na!” taboy ko sa kaniya at isasara na sanang muli ang pintuan. “Luluhod ako dito kapag hindi mo pa ako pinatawad!” seryosong banta ni Llander. Lalo nama akong nakaramdam ng inis sa kaniya. “Umalis ka na lang at nakaka-istorbo ka na! Kailangan ko pang matulog at babalik na ako ng London mamayang gabi!” asik ko pa. Pero laking gulat ko nang lumuhod nga ito sa harap ko at pinagdipa pa ang dalawang kamay. “Avery Zynia Huizon, please forgive me! Hindi ko na uulitin iyon!” Halatang sinadya nitong gawing madrama at malakas pa ang boses nang sambitin ang mga iyon. Nataranta tuloy ako dahil pati iyong ilang napapadaan ay lumilingon na sa gawi namin. Makahulugan ang mga ngiti ng mga ito. “Buwisit ka talaga, Llander! Tumayo ka diyan, nakakahiya!” pabulong ngunit inis na inis na utos ko sa kaniya. Pero umiling lang ito at lalo pang pinalungkot ang mukha niya. “Hindi ako tatayo rito hangga’t hindi mo ako pinapatawad,” madramang pahayag pa niya. Kung puwede lang talagang kutusan na lang ang makulit na lalaking ito ay ginawa ko na! “Sige na, sige na! Pinapatawad na kita. Tumayo ka na diyan!” pagsuko ni Avez. Baka kasi may makakuha pa ng picture o video ng ginagawa ni Llander ngayon at magkaroon pa ako ng issue. Kagyat namang tumayo si Llander at malakas na bumulalas ng ‘yes’. “Here, tanggapin mo na ang peace offering ko para totoong pinapatawad mo na nga ako,” inaabot niya ang bouquet at lobong dala niya para sa akin. Naaburidong napailing na lang ako at tinanggap ang mga iyon. Pagkatapos ay mabilis na isinara at ni-lock ang pintuan. Napangiti ako kasi alam kong hindi ito inaasahan ni Llander. Bahala siya diyang manigas kahihintay, hindi ko siya pagbubuksan! *** Hello guys... Ito na yung Desired Love Series Number 3, kaya lang nalampasan kasi nga kasali sa contest yung kay Asher. Sana po ay magustuhan ninyo ang ating Green Flag ML na anak ni Congressman Sander... Happy reading po!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
99.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
160.5K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook