STELLA Andito kami sa Classroom ngayon, iniwan ko lang si Kiyu sa bahay, sa susunod ko na siya dadalhin. Pansin kong hindi mapakali ang mga kaibigan ko, talagang kinakabahan kami sa laban namin mamaya sa grupo ng Sorceress. 18th Birthday ko na ngayon. Pero walang may alam. Maging Si Lyka. Tanging si Lola Magrett lang ang may alam ng kaarawan ko. Hayy, namimiss ko na talaga siya, sana makita ko siya kahit sandali lang. Kani-kanina lang din ay biglang lumiwanag ang birthmark ko. Pero hindi na masakit, and there's this strange feeling again na parang may gustong kumawala sa katawan ko, nararamdaman ko parin yun ngayon. Bakit antagal nitong mawala? Dati , sandali lang naman at nawawala na ito. Sana hindi ito makasagabal mamaya sa laban. Nakinig na muna ako kay Ma'am Helen sa lecture niya