STELLA Matapos ng klase namin ay mabilis kaming umuwi nila Lyka at Zyline sa quarter namin sakay ng Flaschen. "Ikaw ang maghuhugas ng pinggan Stella" utos ni Lyka sa akin, nakakainis talaga silang dalawa. Palagi na nila akong pinagtutulungan ni Zyline, ganito ba talaga kapag maganda, lalaging inaapi? "Oo na! Kanina pa kayong dalawa ha, pinagtutulungan ninyo ako, insecure siguro kayo sa kagaya kong diyosa" "Manahimik ka nga Bff, hindi ka pa nga natutulog nananaginip ka na, wakd up girl" at nagsitwanan silang dalawa. "AHH!" Halos mapahagalpak ako sa tawa nang bigla silang sakyan ni Kiyu at pinagkakalmot. "Very good Kiyu, good boy! Ngayon may kakampi na ako hahaha" "Argh! Nako kung hindi lang cute yang si Kiyu nilunod ko na yan, tara na Zyline mag 'BEAUTY REST' na tayo" hinila na ni Ly