Matapos naming makapag-usap ni lola ay naglakad lakad muna ako sa buong Paradus, iniisip ko ang mga bagay na akala ko noo'y imposible pero posible pala. Yung mga nilalang na sa isipan ko lang nabubuhay ay tunay pala. Ito nga siguro ang mga sinasabi nilang masyadong malaki ang mundo para isipin nating ordinaryonh tao at hayop lang ang nabubuhay rito. Masyado ngang malaki ang mundo, dahil kahit kaharap ko na siya ay hanggang tingin parin ako. Habang naglalakad ako malapit sa likod ng Paradus ay may naririnig akong impit na pagdaing, mukhang nahihirapan itong huminga at mukhang matinding sakit ang dinaranas nito. Ngunit bakit hindi nalang siya humingi ng tulong diba? Ang tanga niya lang eh no? Marami na ngang tanga sa pag-ibig, daragdagan niya pa. Kunot noo kong tinungo ang likurang ba