HINIHINGAL na napabalikwas ng bangon ang labingpitong taong gulang na si Blythe. Humugot siya ng malalim na hininga at kinalma ang kaniyang sarili. Napahawak siya sa tapat ng kaniyang puso. Mabilis ang pagtibok nito at para siyang tumakbo ng ilang milya. Ilang taon na ang nakalipas. Maraming taon na ang nakalipas pero ang nangyari sa pamilya niya, parang kahapon lamang na nangyari. Sariwa pa rin sa kaniyang alaala ang mapait na nakaraan.
Tumulo ang luha ni Blythe. Sa tagal ng lumipas na taon, ganun na rin katagal na gabi-gabi na lang na dinadalaw siya ng masamang bangungot. Wala siyang naging maayos na tulog maliban na lang kung uminom siya ng sleeping pills pero hindi naman pwedeng nakadepende na lamang siya sa sleeping pills. Talagang hindi mawala sa isipan niya ang tungkol sa nangyari sa ama niya. Namatay ito sa mismong harapan niya. At hindi ito basta namatay, may pumatay rito. Ang mukha ng taong pumatay sa ama niya, hinding-hindi niya makakalimutan ‘yon. Siguradong mamukhaan niya ito sa oras na makita niya ito.
Pagkatapos mapatay ang kaniyang ama, her father’s body was taken away by the murderer. The murderer had a murderous look, red eyes, sharp fangs and pale skin. Talagang hindi niya makalimutan ang hitsura ng nilalang na pumatay sa kaniyang ama. She had been researching about that creature, but she couldn’t find anything until she came across an article. A vampire.
Malalim na napabuntong hininga si Blythe. Tinignan niya ang orasan at nakitang alas tres pa lang ng madaling araw. Bumangon siya saka pinalitan ang suot na pantulog ng damit na ginagamit niya sa tuwing nagte-training siya. Pagkatapos niyang magpalit, lumabas siya ng kwarto saka pumunta sa training room.
She picked up her sword inside the training room and exhausted herself training and wielding her sword. Hindi tumigil si Blythe kahit pa pagod na siya sa solo training niya. She was sweating and tired, but she didn’t stop. The face of the killer couldn’t get off of her mind.
After she practiced wielding her sword, she threw kicks and punched the punching bag. Nasobrahan niya yata ang pagsuntok at pagsipa niya rito dahil nabutasan ito.
“Ate Brianna will scold me for sure.” Mahinang sabi ni Blythe habang nakatingin sa nabutasang punching bag.
Then she let herself collapse in exhaustion. She closed her eyes, but the bloody scene came into her mind. Kaya agad siyang nagmulat ng mata at bumangon. Wala ng bago. Ganito na lang palagi.
With an exhausted body, she dragged herself to her room, took a bath and wore her PE uniform. May pasok pa siya ngayon. She’s now in her first year of college. She was living with her foster sister. Actually, pagkatapos mamatay ng kaniyang ama, nagpalaboy-laboy siya sa kalsada hanggang sa makita siya ng foster sister niya. Kapag wala siguro ito baka hindi niya alam kung nasaan siya ngayon.
Pagkatapos niyang magbihis, lumabas siya ng kaniyang kwarto at pumunta sa kusina para magluto. Eksaktong katatapos niya lamang kumain nang pumasok ang Ate Brianna niya sa kusina. Kagagaling lang nito sa pagjo-jogging dahil basang-basa pa ito sa pawis.
“Morning, Ate.” Bati niya.
Sandali siyang tinignan nito bago ito nagsalita. “Done with your training?”
Tumango si Blythe at ngumiti para ipakita na maayos ang lahat.
Brianna sighed. “Don’t smile if you don’t feel like it.” Aniya. “Maliligo lang ako.” Paalam niya saka siya umalis ng kusina at pumasok sa kaniyang kwarto. Bata pa lang si Blythe nasa kaniya na ito. At alam niya kung ano ang pinagdadaanan ng kapatid niya. Gabi-gabi itong binabangungot at mahirap itong makatulog. Blythe was exhausting herself from training to help her mind forget the nightmare she had. Sa tingin ni Brianna gumagana naman ito minsan sa kapatid niya pero parang minsan ay hindi kasi nakikita niya na lamang itong nakatulala o di kaya minsan ay nakatingin sa malayo.
Blythe waited for her sister before eating. Nang bumalik ito sa kusina, nakaligo na ito at nakabihis. Habang kumakain sila, napag-usapan nila ang tungkol sa pag-aaral niya hanggang sa napunta ang topiko sa kakayahan niya.
“Nakokontrol mo na ba ang kapangyarihan mo?” tanong ni Brianna.
Nagkibit ng balikat si Blythe. “Nakokontrol naman na po, Ate. Pero may mag pagkakataon na hindi ko talaga makontrol. Mabuti na lang at nakakaya kong gumawa ng ilusyon para hindi malaman ng mga tao na hindi ako ordinaryo.”
Tumango si Brianna. “That’s good.” Ngumiti siya. “I hope that one day you will be able to control your powers.” Aniya. “Ang kambal-diwa mo?”
“Tulog, Ate. Lagi naman. Saka lang siya lalabas kapag nasa panganib ako at lalabas lang kapag aasarin ako.”
Natawa na lang si Brianna at napailing. “Mabuti kung ganun para hindi ako masyadong mag-alala sa ‘yo. Kahit naman iisang university lang tayo hindi ko pa ring maiwasang hindi mag-alala sa ‘yo. Mabuti na lang talaga at may kambal-diwa ka.”
Ngumiti si Blythe. “Pati naman ikaw, Ate. Mayroon rin hindi ba? Your wolf?”
Brianna clicked her tongue. Uminom siya ng tubig. “Saka lang naman siya lalabas kapag hindi ko siya kailangan. See,” she said, “she was now speaking to me. Bilisan ko raw kumain.”
Napailing na lang si Blythe. “Your wolf is weird, Ate.”
“Sinabi mo pa.” Sang-ayon ni Brianna. And her wolf growled at her.
Blythe continued eating.
Indeed, they are not both ordinary people. Her foster sister is a half-werewolf and half-nymph, but her sister was hiding her nymph's scent because hybrids are being hunted by some bad hunters. While her, she is a nymph. Isa siyang Diwata na hindi alam ang kaniyang pinagmulan. Habang lumalaki siya lumalabas ang kaniyang mga kakayahan bilang isang Diwata, kasama na ang paglabas ng kaniyag kambal-diwa. Ang kaniyang kambal-diwa ayon sa Ate Brianna niya, hindi raw lahat ng Diwata ay nagkakarooon ng kambal-diwa. Tanging ang mga Diwata lamang na may dugong bughaw ang nabibiyayaan ng kambal-diwa na magiging tagapaglitas niya sa oras na siya ay nasa kapahamakan.
Walang ideya si Blythe kung sino ba talaga siya. Kung ano ang kaniyang tunay na pagkatao. Hindi nga niya alam kung sino ang kaniyang ina. Limang taong gulang siya nang mapatay ang kaniyang ama ng hindi niya kilalang nilalang. Nagpalaboy-laboy siya sa kalsada hanggang sa matagpuan siya ng foster sister niya sa kalsada. Hindi niya alam kung ano ang pagkatao niya sa totoo lang. Ang foster sister niya ang siyang nagmulat sa kaniya tungkol sa mga Diwata, taong-lobo, mga hunters at mga iba pang nilalang na naninirahan sa mundong ‘to. Ito rin ang nagturo sa kaniya kung paano makipaglaban na balang araw alam niyang magagamit niya ito laban sa nilalang na pumatay sa kaniyang ama.
Pagkatapos nilang kumain, naghugas saglit si Blythe ng pinagkainan nila. Then pumasok siya sa sariling kwarto, nagtoothbrush at nag-ayos ng sarili. She grabbed her bag and run downstairs.
“Lock the house.” Utos ni Brianna na nakatayo sa tabi ng kotse.
Blythe locked the house.
Then the two of them went to the university. Brianna goes to work as a professor and Blythe goes to attend her class.
Habang naglalakad siya sa pathway patungo sa kaniyang klase, may mga nakakasalubong siyang mga kapwa niya estudyante. They have smiles on their faces as if they have been woken up in a beautiful dream. May mga estudyante rin na kasama ang kanilang kaibigan at nagkukwentuhan ang kaniyang nadaanan. Mga magkasintahan na magkahawak ng kamay habang naglalakad. Napabuntong hininga na lang si Blythe sa kaniyang mga nakikita. Those students seemed to have an ordinary life and some people are living miserably and are suffering.
Iyon ang hiling niya noon. Ang magkaroon ng ordinaryong buhay at maging isang ordinaryong tao na lamang siya ngunit alam niyang napakaimposible ‘yon lalo pa at alam niya sa sarili niya na simula pa lang ay hindi na talaga siya ordinaryo.
‘Blythe, smile. You’re wearing a sad face again.’
‘I don’t feel like smiling, Faye.’ She responded. Si Faye ang kaniyang kambal-diwa. Nagtanong na siya rito kung sino siya at saan siya nagmula pero wala rin itong maisagot sa kaniya. ‘Hindi ko alam, Blythe. Ngunit kasabay ng iyong pagsilang ay ang akin ring pagsilang. Hindi ko batid kung sino ang ating magulang at hindi ko rin alam kung saan tayo nagmula. Ang tanging alam ko lamang ay isa kang Diwata at ako ang iyong kambal-diwa. Ako ang magiging tagapagligtas mo sa tuwing nasa kapahamakan ka.’
Kaya naman itinigil na ni Blythe ang pag-alam tungkol sa tunay niyang pagkatao. Ang iniisip na lamang niya ay malalaman niya rin pagdating ng tamang oras. Marahil ay hindi pa sa ngayon.
The whole day, she was thankful to all her professors. Her mind was exhausted. Marami silang pinagawang activities at may mga quizzes pa kaya naman napagod ang isip niya. Instead of going home early, she went to her sister’s department's office. Kilala naman na siya ng mga ka-office nito sa department kaya naman hinayaan na lamang siya. Umupo siya sa upuan ng kapatid niya at hindi namalayang nakatulog siya doon.
And when Brianna came back, she found her sister sleeping on her chair. Hinayaan na lamang niya ito. Marami siyang kailangang i-check na exam ng estudyante kaya nag-over time siya. Hanggang sa gabi na at hindi niya namalayan ang oras. Nang tinignan niya ang kinaroroonan ng kapatid niya, wala na ito sa upuan niya.
NAGMULAT ng mata si Blythe nang maramdaman niyang parang nagbago ang ihip ng hangin. Iba ang lamig ng office ng Ate niya sa lamig na nararamdaman niya ngayon. Ganun na lamang ang gulat niya nang makitang wala siya sa loob ng opisina ng kuya niya kundi nasa isang kakahuyan at nakahiga siya sa damuhan. Hindi niya alam kung paano siya napunta doon pero malamang ay gawa na naman ito ng hindi niya makontrol na kakayahan niya.
“Nasaan ako?” nagtatakang tanong niya habang tinitignan ang paligid.
May naramdaman siyang presensiya at mas lalo pa siyang nagulat saka nakaramdam ng takot nang may lumitaw na isang lalaki. Nagtitigan silang dalawa. The first thing Blythe saw to the man was his deep brown eyes… pero hindi niya nakaya ang pinaghalong kaba at takot kaya naman ginamit niya ang kaniyang kapangyarihan upang mawalan ng malay ang lalaki. Naramdaman niyang may paparating kaya naman agad siyang tumakbo naghalo. Pero bago naglaho si Blythe sa harapan ng lalaki, narinig niyang may sinambit ito pero hindi niya naintindihan. The next thing she knew, she was back at her sister’s office.
Brianna, who saw his sister come back, sighed in relief.
“Anong nangyari?”
Umiling si Blythe. “Hindi ko rin ho alam, Ate. Nagising na lamang ako sa isang kakahuyan at may nakita pa akong lalaki. Mabuti na lang at mabilis akong nakaalis.”
Napabuntong hininga na lamang si Blythe. “Umuwi na tayo.” Hindi na niya pinansin ang sinabi ng kapatid niya. Ang mahalaga ay ligtas itong nakabalik.
Tumango si Blythe.
Pagkauwi, hindi mawala sa isipan ni Blythe ang mukha ng lalaking ‘yon. Para itong nakaukit sa kaniyang isipan. Nangalumbaba siya sa kaniyang lamesa. Nasa loob siya ng kaniyang kwarto at kasalukuyang nag-aaral pero hindi siya makapag-focus dahil sa nangyari kanina. She doesn’t know what happened. She didn’t even use her powers, but how did she end up in the woods?
Blythe sighed. Yumukyok siya sa kaniyang lamesa at sinubukang matulog pero ilang sandali lang ay nagmulat siya ng mata dahil bigla na lang pumasok sa isipan niya ang mukha ng lalaking nakita niya sa kakahuyan.
Napabuga siya ng hangin saka tumayo. Pumunta siya sa saka pumunta sa training room. Nadatnan niya doon ang Ate niya na pinapalitan ang punching bag na nasira niya.
“I told you to control your strength. Ilang punching bag na ba ang nasira mo?”
Nagkibit ng balikat si Blythe saka nagbilang sa kaniyang mga daliri. “I…2…3…4…5…6…” Painosente siyang ngumiti sa kapatid niya. “I lost count, Ate.”
Napailing na lang si Brianna saka tinapos ang paglalagay ng bagong punching bag. Then she took two swords from the Sword Rack and threw the other to her sister while the other sword remained in her hand. “Let’s spar.”
Tumaas ang sulok ng labi ni Blythe. “Sure, Ate.” She unsheathed the sword from its sheath and immediately attacked her sister.
Brianna dodged her sister’s attack. She quickly drew her sword and blocked her sister’s sword.
“Damn, Blythe. You’re too quick.” Brianna complained to her sister.
Ngumiti lang naman si Blythe. “You taught me, Ate.” Aniya. She lost her smile and did a maneuver with her sword.
Mabilis na inilagan ni Brianna ang espada ni Blythe.
‘Your sister is not going easy on you.’ Pang-aasar na sabi ng wolf ni Brianna.
Hindi pinansin ni Brianna ang wolf niya sa pang-aasar nito. Kapag hindi ako nagseryoso rito, baka mamamatay ako. She knew her sister very well. Once Blythe held her sword, even if it was only sparring, she would think of it as a real fight. So, she lost her smile and faced her sister’s attack.
Kung may iba lang na makakita sa ginagawang sparring ng dalawa, hindi na sparring ang tawag doon. In other people’s eyes, they would think it was a crazy fight. Brianna taught Blythe to fight using fist and sword. But when they had a fight, even Brianna couldn’t describe their fight.
The siblings moved and attacked each other as if they were enemies. Brianna was fast and Blythe was agile. They both moved quickly, and their movements were fluid.
Brianna was the first to stop the fight when she sensed something from the outside. She maneuvered her sword and blocked her sister’s attack. “Stop, Blythe.”
Agad namang tumigil si Blythe.
Brianna put her forefinger on her nose, motioning her sister to be quiet.
Tumango si Blythe. Napatingin siya sa bintana ng training room. May nararamdaman rin siyang kakaiba mula sa labas ng kanilang bahay.
“Did they find us?” Brianna asked.
Kumunot ang nuo ni Blythe. “Who?”
“The Hunters.”
But the good thing is, when they found out the cause of the sounds, it was only a cat. And not hunters.