Chapter 34 Bella POV "OH, KNOX, I love you so much. God knows how much I love you," paulit-ulit ang salitang iyon sa isip ko habang naglalakad ako mag-isa sa kalsada, sumasabay sa himig ng malamlam na hangin. Yakap-yakap ang sarili kong katawan nang maramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Wala akong karapatan na magdamdam kung walang Knox na handang babalikan ako. Kasalanan ko din naman kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon. Hindi ko alam kung saan ako uuwi. Sa bahay ba namin na may kalahating oras ang biyahe o sa mansiyon nila Knox? Nahihiya akong magtungo sa mansiyon; tiyak magtataka ang buong pamilya niya kung bakit hindi kami magkasama. Aside from that, ano ba ang karapatan ko sa lugar na iyon? At kung sa bahay naman, tiyak ganoon din ang katanungan nila. Pero bahala na kun