Chapter 04–Misunderstanding

2023 Words
Chapter 04 Bella POV NAGTATAKBO ako pauwi kanina, ang t***k ng aking dibdib ay tila may kakaibang lakas. Hindi ko napansin na nakalimutan kong magsuot ng bra. Sanay na ako na hindi magsuot nito kapag nasa bahay lang, wala naman talagang kakapitan. Pero simula ngayon, magsusuot na ako, isang bagay na pangako ko sa sarili. Kanina, minamadali ako ng nanay na ibigay ang ginataan sa kabila. Dapat maliligo muna ako bago ihatid ito sa kabilang kubo, pero masugid si Nanay, baka raw kasi lumamig at hindi na masarap. Pero gwapo talaga siya. Ang kanyang mga mata, parang kombinasyon ng kulay tulad ng kayumanggi, berde, at abo na nagbibigay sa kanila ng kakaibang kagandahan na talagang nakakabighani. Napansin ko na nakatingin siya sa aking dalawang bundok. Bakit kasi maluwang ang harapan ng bestida ko ngayon? Hindi ko man lang naisip, nakita niya ako. Napahawak ako sa aking dalawang dibdib. Unang beses na may nakakita nito. Tumingin ako sa aking maliit na mga s**o, pero matatayog at kulay rosas ang mga n****e. Nagmadali ako at kumuha ng tuwalya na nakasabit sa bintana. Sana maliligo na ako nang naalala ko si Mika, ang aking anak. Isasama ko siya sa paaralan para sa kanyang enrollment sa grade one. Nakita ko siyang naglalaro sa likod ng bahay, abala sa kanyang lumang Barbie. Isang taon na niyang laruan iyon. Maingat si Mika pagdating sa kanyang mga bagay. Sumayaw-sayaw habang mag-isa, wala kasi siyang kasama dito sa bahay. Tatlo lang kami na natitira, hindi ko masyadong kausap si Junjun. Nahihirapan ako minsan sa kanya dahil sa sign language. Madaling magalit siya. Si Amanda naman, umaalis nang maaga para maghanapbuhay. Nagtatrabaho siya sa parlor sa bayan. Huli na itong umuuwi; palaging nasa bukid sina Nanay at Tatay. "Anak," tawag ko sa kanya. Lumapit siya at ngumiti. Maganda at masayahin si Mika. Marami ang nagtataka kung paano naging anak ko ang bata. Isang taon akong nawala, naging working student ako sa pamilya Salvador, doon ko nakilala si Sir Vincent na naging nobyo ko. Mahal ko siya nang sobra, at hindi ako nagsisi na dumating si Mikaela sa buhay ko. Pero hanggang ngayon, wala pang balita tungkol kay Vincent. Nasaan kaya siya? Buhay pa kaya siya? Iniwan niya si Mikaela sa akin na parang walang nangyari. "Bakit, Nanay?" tanong niya ng may kasayahan, lumapit kaagad. "Magliligo na tayo at pupunta tayo sa eskwela para i-enroll kita," I said with a smile. Her slightly slanted eyes sparkled. "Talaga, Nanay?" sabay sigaw ng kasiyahan. Masaya akong tumango. Tumalon siya sa galak. Holding hands, we headed to the well. Naglaro kami ng tubig bago maligo. Buong-katawan ko ay may sabon nang marinig ko ang tao sa harap ng bahay. Agad akong nagbuhos ng ilang tabo ng tubig pero hindi ko muna pinansin kung sino iyon. Baka si Junjun lang naman. Pero hindi pala si Junjun. Nakakahiya talaga, naabutan na naman ako sa ganitong sitwasyon. Sinundan ko ang tingin ng lalaki habang sumakay sa kanyang mamahaling sasakyan. Marahil mayaman din siya mas mayaman pa kay Vincent. Pagkatapos naming maligo ay nagbihis na kaming dalawa ni Mika. Paalis na kami nang bahay ng makita ko si Junjun na tila bagot na bagot. Sumenyas siya sa akin at naiintindihan ko ang nais ng aking kapatid. Pinayagan ko si Junjun kahit na siya ay nagsusungit sa akin kanina. Umalis naman ang lalaki patungo sa bayan siguro, walang magagalit kung sakaling magpatugtog ako ng musika. Nakabihis na ako at ganoon din si Mika. Papunta na kami sa eskwela, sobrang tuwa ng aking anak. Maglalakad lang kami papunta doon dahil hindi naman kalayuan mula dito sa aming bahay. Nang makasalubong ko ang mga Marites dito sa aming baryo, ako na naman ang pinag-uusapan ng mga ito. Wala namang bago, mahilig lang talaga silang makialam sa buhay ng iba. Hindi ko na sila pinapansin; sayang lang oras ko sa kanila. Marami pang ibang bagay sa buhay na dapat pagtuunan ng pansin. Hindi 'yung mang–aabala ka sa buhay ng iba. "Saan ang punta n'yo, Bella?" tanong ni Aling Pacita, mabait na matanda sa akin. Tuwing makikita niya ako, lagi niya akong kinakausap. "Sa eskwela po, Aling Pacita, ipapa-enroll ko lang si Mika, mag–grade na po kasi siya," sagot ko habang humihinto kami ni Mika. Kinurot niya ang pisngi ng bata nang gigil. Sobrang kyut kasi ni Mika, talagang panggigilan mo. "Aral nang mabuti, Mikaela," sabi niya sa buong pangalan ng aking anak. Nagpakacute naman kasi ni Mika na lalo pang ikinatuwa ni Aling Pacita. Binigyan niya si Mika ng pagkain karamihan ay candy galing sa tindahan ng matanda. "Salamat po, Nanay Pacita," masayang pasasalamat ng anak ko. "Oh sige, pumunta na kayo doon at magpa-enroll," taboy nito sa amin. "Sige po, Aling Pacita, at salamat dito," sagot ko naman bago kami umalis. Narating na namin ang eskwelahan at iilan lang ang tao roon. Enrollment ngayon ng Grade one at sinalubong kami ng kaibigan ko na si Gigi, isa rin siyang guro sa grade one at ninang din ni Mika. Kung tinapos ko lang siguro ang aking pag-aaral, malamang isa na rin akong guro ngayon. Iba siguro talaga ang itinakda para sa akin. Naging ina ako ni Mika noong natapos ko ang high school. Tutol noon ang aking mga magulang, pero wala na rin silang nagawa kundi tanggapin si Mika. Sino ba naman ang aayaw dito? Napakaganda niyang baby, para itong laruang manika na lubos ding ikinatuwa ng aking pamilya. Kasama ng aking mga magulang, pinalaki namin si Mika at binigyan namin siya ng buong pagmamahal. Kahit hindi ko natupad ang pangarap ko, naging mabuting ina naman ako sa isang anghel na bigla na lang dumating sa buhay ko. "Kumusta, Bella?" bati nito sa akin, agad na baling kay Mika at kurot-kurot sa pisngi nitong mataba. Mas lalong namumula ang pisngi nito dahil sa kurot-kurot. Umangal naman ang anak ko sa panggigil ni Gigi. "Baka malamog 'yang pisngi ng anak ko," biro ko rito sabay hawak sa tiyan nitong maumbok. Buntis kasi ito kaya siguro gigil na gigil kay Mika. "Nakakapanggigil kasi, sana kamukha mo, baby ko," aniya na gigil pa rin. "Ilang buwan na ba 'yan?" tanong ko rito. "Walo na, isang buwan na lang at puputok na ito," sabi ni Gigi. "Nanay, kailan ako magkakaroon ng kapatid?" biglang tanong sabay sabad ni Mika sa amin. Napalunok ako bigla, paano naman siya magkakaroon ng kapatid kung wala naman akong asawa? Kahit nobyo, wala ako. May nanligaw pero ayaw ko naman. "Naku, Mika, sabihin mo kay Mama mo, sagutan niya si Sir Denver para magkaroon ka ng kapatid," sagot ni Gigi, tinutukoy niya ang pulis naming kababata na nanligaw sa akin. Linggu-linggo, naka-assign ito sa bayan at bumibisita sa aming bahay, kahapon lang nasa bahay ito. Tumingin sa akin si Mika na tila nag-iisip. "Bakit si Tito Denver? Bakit hindi ang tatay ko?" biglang tanong ni Mika sa amin. Napalunok ako, hindi ko alam kung saan iyon hahanapin. Bakit ko kasi sinabi sa kanya noon na nasa ibang bansa ang kanyang ama? "Pag uwi niya baby gagawa kami ng kapatid mo" pagsisinungaling ko na lang dito.Lumiwanag naman ang mukha nito na tila naniwala naman siya sa akin. "Narinig mo iyan Ninang pag uwi ni Tatay," sabi nito na nakapameywang pa. Sumang–ayon na lang si Gigi rito at pinagsabihan si Mika na maglaro muna.Dahil may susulatan lang ako na form.Tumalima naman ang bata at nakipaglaro sa isang bata na nakita niya roon. "Wala ka bang balak sabihin sa kanya ang totoo, Bella?" "Hindi ko alam, Gigi , siguro kapag nakakaintindi na si Mika 'wag muna ngayon masyado pa siyang bata.Hindi pa niya ako maiintindihan," malungkot ko na saad sa kaibigan. Na tinanggap ang inaabot sakin na form. "Bali–balita dito sa atin na may nakatira na daw dun sa tabi niyo, huh?" Inaasahan ko na iyon na maging usap–usapan talaga sa baryo namin ang pagtira ng lalaking iyon.Tumango lng ako habang nagsusulat sa enrollment form. "Hindi ko pa kilala hanggang ngayon pero nakausap ko at sobrang galit ito 'nung una naming kita. Mukhang masungit pa parang pinaglihi sa ampalaya." "Anak 'yun ni Mayor Vaungh Hayes saka ni Doktora Elaine Hayes 'yung may ari ng Divine De Consolation University at Hayes Steel Company nakabase sa Manila. Ate niya si Ma'am Agatha ang nag–donate nitong school para mapa–concrete lahat." Masayang sabi ni Geraldine. Bahagya akong nagulat sa narinig kay Gigi. Siya siguro ang bunsong anak. Matagal kasi itong nawala sa bayan. Nang magtapos ito ng kolehiyo noon ay umalis na ito at sa Manila nanirahan. Sa narinig ko lang naman di rin ako pamilyar sa pamilya nila. Basta ang alam ko sila ang pinakamayan na pamilya dito sa amin. Ang pinakamalaking mall dito sa amin ay sa kanila din yata. Kaya pala mukhang mayaman dahil anak ito ng mayor namin ng bayan ng Salvacion. "He's handsome, isn't he?" Gigi mentioned, feeling giddy despite being pregnant. Anyone would be smitten by that man. He's really handsome, but a bit surly. Mapakla akong ngumiti kay Gigi. Umuwi na kami pagkatapos kung mapa—enroll si Mika. Buti na lang at nadaanan kami ng malayo naming kapitbahay din at isinakay kami pauwi sa bahay. May nakaparadang sasakyan sa harapan ng bahay magara at pangmayaman, parang sasakyan ng kapibahay ko. Umahon ang kaba sa dibdib ko. Binilisan ko ang paghakbang nakita kong nakaharap sa nakapameywang na lalaki na kapitbahay namin ang kapatid ko. Galit na galit ang mga titig ni Junjun sa kanya ang mga mata ng kapatid ko ay tumutulo ang mga luha. Isa lang ang nasa isip ko baka naabutan nito ang malakas na tugtugin. Sana naman hindi nito pinagalitan ang kapatid ko dahil hindi rin naman siya nito maiintindihan. Tumakbo ako kay Junjun at yumakap ito sa akin ng makita ako. Panay ang turo–turo nito sa lalaki nakakunot lang ang noo nito. "Ano ba ang ginawa mo sa kapatid ko?" galit kung tanong sa kanya. He hesitated and gave a nasty look to my brother. "Pinagsabihan ko 'yang kapatid mo baka p'wede niya patayin 'yung maingay pero ayaw akong pakinggan. Napikon ako kaya pinatay ko, bigla ba naman akong pinalo ng kahoy na yan," aniya na nahalata ko ang matinding pagtitimpi sa kanyang boses tinuro niya ang kahoy na tinutukoy nito. Tumingin ako kay Junjun hindi ito makatingin ng diretso sakin. "Jun, mali 'yun hindi tama ang ginawa mo! Paano kung nasaktan siya or natusok ng pa—" "Nasaktan talaga ako at hindi lang 'yun pakiramdam ko bumaon pa 'yang punyetang pako na yan sa likod ko," galit nitong bulyaw sa amin, shaking his head. Tumingin ako ulit sa kahoy na pinalo ni Junjun sa kanya, maliit lang 'yung pako pero makalawang na. "Pasensiya kana Mr. Hindi naman siguro sinasadya ng kapatid ko," paumanhin ko sa kanya. "Teach your brother proper behavior; he seems lacking in discipline," he said na may panunuya sa tinig nito. Nagpantig ang tenga ko sa sinabi nito. Nainsulto ako. Sino siya para sabihin sa akin ang salitang disiplina? "Bakit hindi kaya sa sarili mo i–apply 'yang salitang disiplina. Kahit mahirap lang kami marunong kaming rumespeto. Ikaw lang itong masyadong sensitive. Pipi at bingi lang naman 'yang pinapagalitan mo.Talagang hindi ka maiintindihan niyan. 'Yan lang kaligayahan ng kapatid ko pinagdidiskitahan mo pa di umalis ka dito. Ganoon lang kasimple 'yun. Kabago–bago mo rito kung umasta ka akala mo kung sino ka," naiiyak kung lintaya sa kanya.Naiinis na ako sa kanya. Kasarap niyang batukan. Nakakagigil na siya nauubusan na ako ng pasensiya sa kanya. Nagbago naman ang expression ng mukha niya parang nagulat sa sinabi ko. Akmang magsasalita siya. Pero hinila ko si Junjun papasok ng bahay habang hila–hila ni Mika ang laylayan ng t–shirt ko. Tinalikuran ko ang lalaki naiirita ako sa pagmumukha niya.Nakakapikon 'yung sinabi niya kanina. Nag sorry na nga ayaw pa dami pa satsat. Pabagsak kung isinara ang pinto. Hindi ko siya pinansin ng magsalita. "Look—" Sa loob ng bahay masinsinan kung kinausap si Junjun, telling him what he did was wrong. He just nodded and apologized. Sumilip ako maliit naming bintana naroon ang lalaki, nakatayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD