KABANATA 21: Buntis HINDI ko na tinapunan ng tingin si Yuan nang makarating kami sa hospital. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero dire-diretso akong bumaba ng sasakyan. Nakasabay ko pa si Meredith at sabay kaming nanakbo patungong emergency room. Si Meredith at ang anak niya ang maituturing kong pamilya ko. Mula sa paglaki hanggang sa pagkakasakit nasubaybayan ko ang mga pinagdaanan nilang mag-ina. Hindi ako paladasal na tao. Naniniwala naman ako sa Kanya kahit ilang beses ko Siyang kinuwestiyon sa buhay na puro pasakit na ibinigay Niya sa akin, nagtitiwala pa rin akong may awa Siya at magagawa niyang pagalingin si Ashriel. Tunay ngang wala talagang lihim na hindi nabubunyag. Sa isip-isip ko habang pinagmamasdan si Mr. Ashton Sy na kitang-kita ko ang pagsisisi sa mga m