KABANATA 32: Busted “L-LET’s go, Cresia…” aya ko kay Cresia na natulala sa narinig na sinabi ni Blake. Pagbaling ko ay titig na titig pa rin ang anak ko kay Yuan na tangkang lalapitan sila Cresia nang humarang ako sa kanila. “M-momma, it hurts!” Napayuko ako at lumuwag ang pagkakakapit ko sa ulo ni Jake. “Blake!” Aga dang paglingon ko kay Cresia at ang dahilan ng pagsigaw niya ay ang pagbaba ng anak ko sa pagkakakarga niya. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan at pinanood ko lang si Blake na lumapit kay Yuan. “You’re o-our Daddy, right? You’re back f-from Hogwarts?” Sa sinabi niya ay umungot si Jake at hindi ko na napigilan nang bumaba rin siya sa pagkakarga ko at gaya ng kakambal niya ay tiningala rin si Yuan na nang matitigan ko ay bumukas-sara ang bibig tila hindi malaman kung