Kabanata 19: Mang-aagaw AYAN sige lamon pa! Katakawan mo kasing gaga ka! Inamoy ko ang pambansang ointment ng mga senior–Katinko, na madalas ko nang gamitin sa mga nakaraang araw dahil sa napapadalas na pagkahilo at sakit ng ulo ko. Nagmumog ako ng bibig dahil nalalasahan ko pa rin ang pait sa bibig ko dahil sa pagsusuka ko. Habang nakatitig ako sa salamin ay nanlamig ako sa biglaang ideyang pumasok sa isip ko. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang data ko pero dahil wala nga pala akong load ibinalik ko lang din iyon sa clutch ko. Tumawa ako at umiling-iling. Imposible. Hindi ako buntis. Paanong magiging imposible naman ‘yon aber, Sanya? Nakipagkemberlu ka kay Yuan Lee, may pa-tuwad tuwad ka pa. Paulit-ulit akong lumunok at ipinilig ang ideyang iyon sa isip ko. Last year na