KABANATA 23: New Life NATIGIL ako sa pagbabalik-tanaw sa nakalipas ng halos isang taon ng buhay ko nang malakas na umihip ang hangin at mapuwing ang mga mata ko. “Nyemas, panira ng moment!” Masakit ang matang siininop ko ang buhok kong mahaba na sumasampal sa bibig ko. Napangiwi ako nang may mga minions na magkagulo sa tiyan ko. “Nako kayong dalawa, ang kukulit nyo tadyak kayo nang tadyak,” tunog naiinis pero may ngiti sa labi kong saad sabay haplos sa halos pitong buwan ko ng dala-dala sa sinapupunan ko. Hindi lang isa kung hindi dalawa. Ini-stretch ko ang mga paa ko at inayaan kong mabasa ang mga ‘yon ng malamig na tubig galing sa dagat. “Sanya!” Nanenermon ang mga mata ni Meredith na gaya ko ay nakaumbok na rin ang tiyan mas malaki nga lang talaga sa akin dahil dalawang