Jilliane Minabuti ko na lang na lakarin uli ang papasok ng school kesa naman mamasahe pa hindi naman sa nagkukuripot ako mas convenient yun nakakapag exercise pa ako, mamayang uwian na lang ako sasakay ng jip yun talaga ang plano ko. Pero pag na iisip ko ang mamahalin kong sapatos nanghihinayang talaga ako. Haiist... Napupudpod na siya sa dalas kong ipanlakad. *Piit...piiiiiit..* Hmp... At sino naman kaya yun ang lakas kung makabusina, nasa gilid lang naman ako ah! Mas lalo pa tuloy akong gumilid. Abala ako sa ibang bagay ng biglang huminto sa harapan ko ang sasakyan na bumusina sa akin at ng lingunin ko iyon ay pulang BMW ang nasilayan ko. Bumukas ang bintana ng driver seat at ang nakangiting si Brix ang inilabas nito. "Jill sabay ka na." Aya nito sa akin. Napatda ako sa pagkakatay