" I missed you so much Eurie" Gosh!Nananaginip nga siya, at sino naman kaya yung Eurie na sinasabi niya? Habang pinagmamasdan nito ang maamong mukha ng lalaki nakaramdam siya ng lungkot, pangalan ng babae ang binanggit nito, kung sino man iyon ay talaga namang napaka swerte niya. Dahil mukhang wala pa talaga itong balak gumising kaya naman nag iwan na lang siya ng note sa higaan nito na nagsasabing nauna na siyang lumabas upang maka attend para sa susunod na klase. "Girl san ka galing ? Kanina pa kita hinahanap". Salubong na tanong ni Criselle sa kaibigan ng sa wakas dumating na rin ito. " Ah---- sa library! tama sa library may ni research lang ako." Pagsisinungaling niya dito. "Ah okay. " Matipid na sagot ni Criselle na hindi nakahalata sa pagsisinungaling niya. "Oh kamusta naman