[Third Person's POV] "Girl ang saya saya mo ah!" Si Criselle iyon habang pinagmamasdan si Jilliane na pakanta kanta pa. Kasalukuyang nasa school ground ang dalawa at nakatambay sa may bench. " He! He! He! Sino ba naman ang di magiging masaya ang ganda kaya ng cellphone ko."Pagmamalaki nito. "Sa cellphone ka ba talaga masaya o sa nagbigay nung cellphone?" Pambubuska ni Criselle, isipin ba namang iligtas siya ni Iñigo sa mga nambu-bully dito at bigyan pa siya ng cellphone. Eh di wow! Ngumuso si Jilliane. Kinikilig na ngumiti. "Ha... haay! Di ko alam basta masaya ako yun na yun.". Napamaang si Criselle. " Parang nagbabago na ang feelings mo ha.." Sandaling natahimik si Jilliane. Kinapa kapa ang kanyang damdaminm. "Mas mahirap kung si Iñigo ang magugustuhan mo, mas kumplikado. "