THREE DAYS have passed since I went back to the academy. And just like what Prince Sarkin said, everything is no longer the same. Change is all I can see.
I no longer stay in the girls' dormitory. I was transferred to the nobles' dormitory, per the request of my father. And with that, I get to see nobles that display nothing but pure hostility to me.
Iilan lang yata ang naging maganda ang pagtrato sa akin. Kabilang sa mga ito ay sina Prince Caelan at Prince Sarkin. With this, I somehow manage to bear with my new environment.
Pero kung may isang bagay lang akong hindi kayang tiisin, iyon ay ang makita si Asralyn na para bang wala siyang ginawang masama sa akin. Where in fact, she's the one who revealed my identity to the whole academy. She even started spreading rumors that tainted the students' view on me.
What pisses me off more is the fact that she was only suspended for a week while her accomplices were suspended for a month and moved to a lower echelon.
It's unfair. She should suffer the same consequences as to how her accomplices did.
But what can I do? Her father is the headmaster and majority of the clan members doesn't want to tarnish the name of Runebraid Clan.
"Olivia, why are you staying up this late? It's not cool," bungad sa akin ni Prince Sarkin pagkatabi niya sa akin.
Kasalukuyan akong nasa veranda para magpahangin at mag-isip-isip na rin sa mga bagay-bagay na nagbago sa akin magmula nang malaman ng lahat na isa akong noble at ang nag-iisang anak ng pinuno ng Runebraid Clan.
"I am still having a hard time adjusting to my new environment, Princ—"
"Sarkin," putol niya sa sinasabi ko. "We had a deal, remember?" kunot-noong tanong nito at hindi napigilan ang pag-nguso. "You're so uncool if you don't remember."
"Fine, Sarkin," sang-ayon ko dahil alam kong ipipilit at ipipilit pa rin niya ang deal namin. "And it's not that I forgot about the deal, I am just being careful. The other nobles might hear me calling you in your first name. They'll hate me more if that happens, you know."
Kunot-noong tumingin sa akin ang prinsipe. "Don't mind them. Let them hate you until they die of hate," nakangising sabi niya bago sinuklay ng mga daliri ang mahaba niyang buhok. "I'm so cool when I said that, right?" pahabol nito at tinaas-baba pa ang magkabilang kilay.
Napailing ako. "You look weird, Sarkin," mapang-asar kong tugon dahilan para sumama ang tingin niya sa akin.
"It doesn't hurt if you'll agree to me even once, you know," kibit-balikat niyang sabi bago itinukod ang magkabilang siko sa railings ng veranda.
"Soon," mapang-asar kong sagot.
Lumingon siya sa akin at magsasalita na sana nang unahan ko siya, "But I'm glad I got to know you," bawi ko bago inayos ang buhok kong isinayaw ng hangin. "I'm so thankful for what you have done to me," puno ng sinseridad kong sabi.
And with the light coming from the moonlight, I saw how his face turned red. His eyes became unease. "If...I-If you're that grateful, then at least say I... I am cool! Damn it."
Hindi ko mapigilang mapangiti sa inasal ng prinsipe. Mabuti na lang at nasanay na ako sa pananalita niya.
Itinukod ko ang magkabilang kamay ko sa railings at hinayaang sumayaw sa hangin ang kulay abo kong buhok. Pagkatapos ay muli kong tiningnan ang prinsipe at nginitian. "You're so cool, Sarkin, my savior."
Hindi ko alam kung may sinabi ba akong mali pero bigla na lang tumakbo palayo sa akin ang prinsipe habang malutong na nagmumura.
Kibit-balikat kong binalingan ang spirit kong si Sunne na mahimbing na natutulog sa sulok. Nang maramdaman niyang nakatitig ako sa kanya ay kaagad siyang lumapit sa akin at pumatong sa balikat ko at dinilaan ang aking pisngi.
Isa rin sa mga bumabagabag sa akin ay ang spirit ko. Ever since I woke up, she never dematerialized. She have remained on her physical form for several days already. And I am not feeling any strain on my body.
I tried asking the crown prince about it and he has no single idea why this is happening. And when I asked one of our professors, he told me that maybe, Sunne is a self-sustaining spirit or a spirit that possess a tremendous amount of etherial particles.
But it doesn't make any sense since the etherial attribute of a summoner will determine the strength of the spirit they will summon. And in my case, I have such low etherial attribute making it impossible for me to summon a powerful spirit.
Sunne's situation also caught the attention of the students. Even the professors. That's why, instead of puting me on lower echelons, they put me on the highest echelon---the golden echelon for commoners. And the reason was to intensively observe Sunne. Yes, my spirit alone.
No one would waste their precious time observing me. Without my spirit, I am nothing but a failure.
Hinimas ko ang malambot na balahibo ni Sunne bago hinalikan ang noo nito. The pentagram mark on her forehead glistened when the moonlight hit it.
"Let's go inside, Sunne. It's getting cold already," sambit ko bago naglakad pabalik sa kwarto.
-----
KINABUKASAN ay maaga akong umalis sa dormitory dahil may kailangan akong puntahan. Mabilis ang bawat hakbang ko habang tinutungo ang left wing ng academy. Suot-suot ko ang hood ng cloak upang hindi ako mapansin ng ibang estudyante.
Nang makarating ako sa left wing ng academy ay agad kong tinungo ang girls' dormitory at tahimik na naghintay sa lobby.
Ilang minuto lang ay namataan ko na ang pakay ko. Her auburn hair really stands out from the crown.
I swallowed the lump in my throat, heaved a sigh to muster enough courage to approach her. Ilang hakbang lang ay nasa harapan na niya ako.
"Reslyn," nakangiting tawag ko sa kanya bago ibinaba ang hood ng cloak ko.
Nang makita niya ako ay bahagyang umawang ang bibig at nanlaki ang mata niya. Pero agad siyang nag-iwas ng tingin. She even took a step backwards to distance herself from me.
"Reslyn, I came to explain," mahinahong sambit ko pero matalim na titig ang bumungad sa akin.
"Explain? Ano ang ipapaliwanag mo sa akin, milady?" sagot niya at binigyang diin ang huling salitang sinabi niya. "Wala na tayong dapat pang pag-usapan. Iniisip ko pa lang kung paano ako napalapit sa 'yo, nananayo na ang balahibo ko."
Huminga siya nang malalim bago sinalubong ang mga mata ko. "Kaya ayaw na ayaw ko sa mga maharlika, eh, dahil lahat kayo mga sinungaling at mapanlinlang!" sigaw niya sa akin bago marahas na binangga ang balikat ko.
Pero bago pa man siya makalayo ay nahawakan ko ang kamay niya. Sinubukan niyang bawiin ang kamay niya pero mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya.
"Why?" nakayuko kong sabi bago siya hinarap. "I've been trying to talk to you ever since I arrived but you keep on ignoring me. W-Why are you doing this to me?"
Hindi ko na napigilan ang pagpatak ng mga luha ko. I let her see how hurt I am. "Kahit ilang araw pa lang tayong magkakilala, itinuring na kitang kaibigan. Kaya sobrang sakit ng ginagawa mong ito sa akin, Reslyn. S-Sobrang sakit."
She stared at me with such cold eyes before she forcefully push my hand away. "Pasensya na, pero wala akong panahon para makipag-kaibigan sa mga sinungaling at mapanlinlang na tao."
Iyon lang ang sinabi niya bago siya tuluyang umalis. Pinagmasdan ko ang likod niya hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.
Napayuko ako bago muling isinuot ang hood ng cloak. Tahimik akong umalis ng dormitory habang pinipigilan ang paghikbi.
Inilabas ni Sunne ang ulo niya mula sa loob ng cloak at mataman akong tiningnan. Pagkatapos ay ikiniskis niya ang pisngi niya sa pisngi ko. As if she's trying to comfort me.
"Say, Sunne, what did I do wrong to have a life like this?" tanong ko sa spirit ko, wishing she could answer me just like what happened when I summoned her.
Tumingin lang sa akin ang spirit ko bago muling isiniksik ang sarili niya sa loob ng cloak.
"I wish to hear yout voice once again, Sunne. I wish we could talk. You're the only one I have right now," sabi ko.
"You still got me, you know!" Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Prince Sarkin na nakangusong nakatingin sa akin habang naka-krus ang magkabilang braso. "You're so uncool, Olivia. How could you say that Sunne is the only one you have right now?"
"Why are you here, Sarkin?" tanong bago iginala ang tingin sa paligid dahil baka may makakita sa amin.
"I followed you," simpleng sagot niya bago ngumisi. "Cool, right?"
"It's not," tutol ko bago siya mahinang itinulak. "You should leave. I don't want students to see me hanging out with you. They'll hate me even more!"
"You're really uncool, Olivia," naiiling niyang sagot bago pinitik ang noo ko kaya napangiwi ako sa sakit. "Lord Arthur told me to watch over you, remember? What if a group of students gangs up to beat you again?"
"I can defend myself," sagot ko at iniwas ang tingin ko.
"Defend who?" mapang-asar niyang sabi bago ngumisi. "You can't even make Sunne form an attack yet."
Matalim akong napatingin sa prinsipe. What he said was right. Pero hindi ko lang maiwasang mainis dahil naaalala ko na naman kung paano ako pinagtawanan ng mga kaklase ko. Ako na lang yata ang natitira sa golden echelon na hindi makagawa ng kahit na simpleng technique.
"You don't need to remind me," matigas kong sabi bago nagsimulang maglakad palayo sa prinsipe.
Narinig ko ang paghalakhak niya bago siya sumabay sa akin. "You're so cool when you said 'you don't need to remind me' ," aniya at ginaya ang pananalita ko.
"I'm already having a bad day, Sarkin, please don't make it worse," sambit ko.
The prince gasped before clapping his hands. "You're really cool when you're acting cold, Olivia. Oh, s**t!"
"Language, Sarkin. We're in the school grounds. Students might hear you," saway ko sa kanya.
Sumaludo siya sa akin at ngumisi. "Yes, milady!"
Napailing na lang ako sa inaasal niya. This prince is loud and unpredictable. Lahat na yata ng ugaling hindi pang-prinsipe ay nasa kanya na. Pero kahit na gano'n, masaya siyang kasama.
With him, the feeling of isolation and loneliness is somehow lifted. Gumagaan kahit papaano ang bigat na nararamdaman ko.
"Let's eat?" aniya bago hinimas ang tiyan niya. "I'm freaking hungry."
"Fine. But you need to go first. I don't want students seeing us together," wika ko dahilan para mapanguso niya.
"Olivia, I think everyone in the academy already knows that we're already friends," aniya.
"Acquaintances," pagtatama ko sa sinabi niya.
Pinitik niya ang noo ko kaya napahiyaw ako sa sakit.
"We're friends, okay? Acquaintance is a s**t. It feels so distant," aniya bago inilahad ang kamay niya sa harapan ko. "Friends?" nakangiting alok niya.
This prince is really weird. Minsan, ang hirap din niyang intindihin. He sometimes act like a kid and sometimes a grown-up vulgar adult.
I hissed before shaking his hand. "Fine."
"Nice. Now, it's time to eat! Let's aim for the buffet. We need lots of energy for our class later, especially you," aniya bago ako itinuro at ngumisi. "You need lots of energy to succeed in commanding Sunne to use her abilities and power," dagdag niya at humalakhak.
Naikuyom ko ang kamay ko. One thing I hate about this prince is that I really get annoyed whenever he's being honest with me.
"Can we refrain talking about that even just for now? To be honest, I really get pissed off whenever you remind me of my lapses," sabi ko sa kanya, pero imbes na tumahimik siya ay tinawanan lang niya ako.
"Truth hurts, Olivia. Better succeed in making Sunne manifest her abilities and power," aniya bago muling pinitik ang noo ko. "Until then, I won't stop reminding you of how incapable you are."
"I think I am starting to regret knowing you," matigas kong sabi pero tinawanan lang niya ako.
"But I am so grateful that we get to know each other," sagot niya bago nanlaki ang mata niya. Natutop niya ang kanyang bibig bago mabilis na tumalikod sa akin. "s**t. Stupid, Sarkin!" bulong niya bago tumakbo palayo sa akin.
Naiwan naman akong nakakunot ang noo. What's wrong with him?
Nagkibit-balikat na lang ako bago pumunta sa cafeteria para kumain.