4- Wendy and Neil

2873 Words
"Ugh!" atungal namin ni Diana nang malakas after ng ilang lagok ng alak. "One more shot, please," sabi ni Diana sa harapan ko na umorder pa nang isa. "Tama na, Diana. Hindi ko na kaya," reklamo ko at nararamdaman ko na kusa na tumumba ang ulo ko sa lamesa dahil tumama ang noo ko na tumunog. "Mahina ka pala, eh," natatawang banggit ni Diana na narinig ko. "Halika, uwi na tayo," pag-aaya rin niya at naramdaman ko na umangat ang kanan ko'ng braso na ang ibig sabihin binubuhat niya ako. "Agh, gosh, Wendy, and bigat mo," dinig kong reklamo niya na naging dahilan kung bakit napangiti ako. "Ayushin mo ang pagbu-vhu-hat sha akin," sabi ko kahit na lasing na lasing ako. Hindi ko na maramdaman ang buong katawan ko dahil sa sobrang kalasingan. Pakiramdam ko ay isa akong lantang gulay. "Let me help you," wika nang pamilyar na boses ng lalaki kaya napaangat ang ulo ko, ganunpaman ay blurred ang vision ko kahit na nakailang kurap na ako. "Oh, thank God. Please, pakibuhat siya hanggang sa makasakay lang kami nang taxi," natuwang sabi ni Diana na pinasa kaagad ako sa lalaking hindi namin kilala na nagmagandang loob na buhatin ako. Then, nararamdaman ko na may malaking braso ang pumulupot sa maliit ko'ng bewang at ang kanan na kamay ko ay kinuha nang isang malaking kamay pero malambot at isinampay ito sa leeg niya na mataas. And so, ibinaba niya ang sarili niya para hindi masyado mahirapan ang kamay ko sa pagdantay sa leeg niya. Pagkatapos ay nagsimula na kami maglakad at bawat hakbang ko ay umiikot ang paningin ko, sabay ng pag-ikot ng mundo ko. Nahihilo ako. Teka, nasusuka ako. At dahil hindi ko na mapigilan ay sumuka na ako sa harap ko na hindi ko alam kung may tao o wala basta nakarinig na lang ako nang tili nang isang babae. "Sorry, sorry. My friend is drunk," paumanhin ni Diana na rinig ko. "Do you know how much is this dress? Huh?!" mataray na sigaw ng babae na nagalit dahil nadumihan ang suot niyang mamahaling dress. "Here, buy a new one," rinig ko na sabi nang lalaking may hawak sa akin at nanahimik ang babae. Teka, parang pamilyar talaga ang boses ng lalaki. Ang deep ng voice niya katulad ng lalaking nakilala ko kaninang umaga. At dahil na-curious ako sa itsura nang lalaking bumubuhat sa akin ay nilingon ko ang ulo ko, pero blurred pa rin ang vision ko na naging dahilan kung bakit I shook my head once lang para kahit kaunti ay makita ko siya. Ngunit napasimangot ako dahil may mask itong suot kaya hindi ko makita ang buong mukha nito. Pagkatapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Taxi, taxi!" tawag ni Diana na rinig ko na ang ibig sabihin ay nasa labas na kami nang bar. Maya-maya pa ay naramdaman ko na naglakad ulit ang lalaking may hawak sa akin at pinasok niya ako sa sasakyan dahil nakapa ko ang upuan, pero sa kasamaang palad ay dumulas ang kamay ko kaya sumubsob ako at dumilim na ang buong paligid ko— — — — "Ako na ang maghahatid sa kaniya kung okay lang sa 'yo," tinuran ni Neil at hinubad niya ang mask niya para humarap ng maayos kay Diana. Napatulala naman si Diana sa lalaking nasa harapan niya dahil sa angking kagwapuhan nito. "Ah—eh, pero kaibigan ko 'yung nasa loob. Ako na ang maghahatid sa kaniya sa bahay nila. Alam ko naman kung saan siya nakatira," kontra niya na naging protective sa kaibigan niya na wala nang malay dahil sa kalasingan kahit na gwapo ang nasa harap niya. "Sa akin siya nakatira. Neil, by the way, the Prince of Dubai," anunsyo ni Neil na sinuwalat na ang buong pagkatao niya rito dahil kaibigan naman ito ni Wendy, and since they are talking about him a while ago. "Ito, umuwi ka na rin. Mag-iingat ka. Ako na bahala kay Wendy, I will take her home with me," dagdag pa niya in a serious tone of his voice at pumasok na siya sa loob ng taxi matapos niya bigyan ng pera ito pamasahe pauwi rin. Samantala si Diana ay sinundan lang ito nang tingin dahil natulala na naman siya, at dahil nabigla siya na makita ang Prince of Dubai sa isang bar na magulo at maingay. Not to mention na ito ang barista na nagbibigay ng drinks nila kanina sa loob ng bar. Meanwhile, Neil looked down to Wendy na malalim na ang tulog dahil sa kalasingan. "Hindi raw umiinom pero ang wild kanina," aniya at saka niya binuksan ang phone niya, at pinanood ang isang video kung saan si Wendy ay talon ng talon sa gitna kasabay ng malakas na musika, na parang ibon na nakawala sa hawla sa unang pagkakataon. A small smile then escaped his lips just watching her video dancing wildly in the middle of the dance floor. Pagkauwi ay kumatok si Neil sa lounge room kung saan pinatuloy niya ang mag-ama habang buhat-buhat niya si Wendy sa dalawang braso niya na nakasandal ang ulo nito sa balikat niya. Bumukas naman ang pinto at lumabas si Mang Danny na may saklay na hawak sa kaniyang kaliwang kamay pangtukod dahil nga sa sakit niyang osteoarthritis kaya kailangan niya nang suporta para makalakad siya. "Good evening, Mang Danny," bati ni Neil seriously like a true gentleman. "Good evening din, Sir. Ano po'ng nangyari sa anak ko? Bakit ga-ganiyan siya?" nabigla na question ni Mang Danny na may pag-aalala sa boses niya para sa anak niya. "Naglasing po siya, Mang Danny, sa bar na pinapasukan ko. Kasama po niya ang kaibigan niya. Saan po ang kwarto niya para maihiga ko na po siya?" magalang at mabait na sagot ni Neil, pero direkta niyang tanong para mailapag na niya ang babaeng buhat-buhat niya kanina pa. "Sige, pasok ka. Doon ang kwarto niya," tugon ni Mang Danny at itinuro niya kung saan ang kwarto nang anak niya. Pagkarating sa kwarto ay dahan-dahan na inilapag ni Neil si Wendy sa kama at kinumutan niya pa ito na parang isang tunay na maginoo. And then, humarap siya kay Mang Danny at nagpaalam na rito. — — — Ang sakit ng ulo ko. Unti-unti ko dinilat ang mga mata ko at ang sikat ng araw mula sa bintana ang bumati sa akin kaya umikot ako sa kabila kung saan walang liwanag na naging dahilan kung bakit tuluyan na ako nagising. Sakto naman tumunog ang phone ko kaya kinuha ko ito sa ibabaw ng drawer sa tabi nang kama at pinatay ko ito, pero nanlaki ang mga mata ko pagkakita ko sa oras. "Hala, 8 na!" anunsyo ko na may panik na sa tono ko at dali-dali na ako tumayo para maghain ng almusal. Pagkalabas ko nang kwarto ay nakita ko si Tatay na nakaupo sa may lamesa, sa gitna at nakatalikod mula sa akin, then napansin ko na may mga pagkain na rin. Ako ay nagtaka dahil ever since na naaksidente siya na nangyari dalawang taon na ang nakararaan ay ako na ang naghahain ng pagkain namin pero ngayon naghain siya. Lumapit ako sa kaniya at naupo ako sa kanan na side. "Good morning, 'Tay. Ayos lang po ba kayo?" tanong ko at pinagmasdan ko ang mukha niya na hindi maipinta. "Saan ka galing kagabi?" una niyang tanong sa akin sa malalim na tono nang kaniyang boses, at saka siya lumingon sa akin. "I—uh..." nag-aalinlangan ko'ng tugon at tumaliwas ako nang tingin as I am thinking kung anong isasagot at idadahilan ko sa kaniya. Then, tumingin ulit ako sa kaniya nang diretsyo at sinabi, "Magkasama po kami ni Diana kagabi, 'Tay. Bakit po?" "Galing ba kayo sa bar?" tanong ulit niya na hindi sinagot ang tanong ko. Seryoso ang mukha niya at mukhang alam na niya kung anong nangyari kagabi sa akin. Napalunok ako nang sarili ko'ng laway bago ako sumagot. "Hindi na po ako magsisinungaling. Yes po, nagpunta po kami sa bar kagabi ni Diana," banggit ko na hindi na nagkaila at baka lalo siya magalit sa akin. "Alam mo na bawal ka uminom dahil sa sakit mo, pero bakit uminom ka pa rin? Habang lumalaki ka tumitigas ang ulo mo. Kapag may nangyari sa 'yo, hindi ko na alam ang gagawin ko. Ngayon, kumain ka at after mo pumunta ka na sa mansyon at magpasalamat ka kay Sir Neil dahil siya ang nag-uwi sa 'yo dito," istriktong pangaral sa akin ni Tatay at tumayo na siya na iniwan ako mag-isa sa hapagkainan. "Pasensya na po, 'Tay. Hindi na po mauulit," tugon ko na may malungkot na boses dahil tama siya. Mabuti na lang at hindi ako inatake sa puso dahil kung hindi sa hospital na naman ang bagsak ko. Teka, hinatid niya ako rito? Ngayon puno nang pagtataka ang isip ko dahil sa binanggit ni Tatay. Eventually, pumasok na ako sa mansyon at nasa pintuan pa lang ako pero malakas na ang pintig ng puso ko. If siya ang naghatid sa akin kagabi, eh, di, nakita niya ako na lasing. Siguro naman ay wala akong ginawang hindi maganda nu'ng nalasing ako. I hope so. And so with all the courage, pumasok na ako sa loob at luminga-linga muna ako at baka nasa paligid lang siya pero matapos ko ilibot ang mga mata ko ay hindi ko siya nakita kaya tuluyan na ako pumasok. Baka nasa work 'yun. Teka, ano ba work nu'n? At paano niya ako nahatid sa bahay? Sinundan ba niya ako? Okay, ang daming tumatakbo sa isip ko ngayon dahil lang sa kaniya. Makapaglinis na nga. Nagsimula na ako maglinis since wala pala siya rito sa mansyon. Tahimik ako'ng nag-agiw-agiw, then nag-mop ako, at huli ay nag-vacuum ako sa ground floor. Umakyat na ako sa second floor para naman maglinis at may narinig ako na halinghing na hindi ko maintindihan kaya hinanap ko kung saan ito nanggagaling hanggang sa nakakita ako nang pinto na bukas kaya lumapit ako at tiningnan ko kung anong mayroon sa loob. Pagkasilip ko ay nakita ko si Sir Neil at isang babae na may blonde na hair na gumagawa nang milagro na naging dahilan kung bakit napasinghap ako, at mukhang narinig ako nang mga ito dahil napalingon sila sa direksyon ko kaya naman ay dali-dali ako lumayo mula sa pinto. What the hell. My virgin eyes. Bukas ko na itutuloy ang paglilinis ko at may milagro palang nangyayari rito. Naglakad na ako pababa nang hagdan, at niligpit ko na ang mga cleaning materials na hawak ko bago ako umalis para wala siya masabi. Pagkatapos ay saka ako naglakad papunta sa pinto palabas nang may narinig ako na malaking boses kaya napatigil ako. "Not so fast. Stop right there," sambit nito mula sa likod ko. Dahan-dahan naman ako lumingon para harapin siya pero mukhang mali ang ginawa ko'ng desisyon dahil nagkasala ang mga mata ko nang makita ko ito na naka-towel lang na puti ang ibaba nitong bahagi nang katawan. Napalunok ako nang sarili ko'ng laway at tinaliwas ko ang tingin ko mula sa mala-bato niyang katawan sa mukha niya. 'Wag kang titingin sa katawan niya at baka sabihin niya may pagnanasa ka sa kaniya, Wendy. Don't you dare. He, then, stood in front of me when he reached me and I saw him smirked like he knew na umiiwas ako tumingin sa katawan niya. "Ano ginagawa mo rito?" tanong niya sabay lagay nang dalawa niyang kamay sa bewang niya like he is interrogating me. "Naglilinis, Sir. Pero bukas ko na po itutuloy 'yung second floor. Alis na po ako," paalam ko at dali-dali ako lumingon at sobrang awkward niya kausap. "Not yet," aniya nito in a authoritative tone. Napatigil naman ang mga paa ko pagkarinig ko sa kaniya. Naku po, Wendy, bakit ka tumigil? Dapat hindi mo na siya pinansin pa. Then, nakita ko ang babae na kasiping nito kanina na dumaan sa kanan ko at nauna na itong umalis kaysa sa akin na binigyan pa ako nang malagkit na ngiti na parang she is telling me na she had a good time with him. Eh, kung sampalin ko kaya siya? Makangiti pa kaya siya? "Close the door," dinig ko'ng sabi niya ulit na nagpakaba nang dibdib ko. A-Ano sabi niya? C-Close the door? Shemay, bakit lumakas bigla ang t***k ng puso dahil lang sa sinabi niya? "I said close the door and we need to talk," ulit nitong sabi at narinig ko ang mga yapak nito na papalayo mula sa akin. Lumingon ako ulit sa kaniya at nakita ko siya na naglalakad patungo sa living area kung saan ay naupo siya at tumingin sa akin. Bakit ganiyan siya makatingin sa akin na parang kakainin niya ako nang buhay? Anyways, kahit malakas ang t***k ng puso ko ay sumunod ako sa kaniya at tumayo lang ako sa gilid ng sofa, habang siya ay pinulupot ang kaniyang dalawang kamay across his chest together with his legs. "So, what's your answer to my question? Is it a yes, or a no?" direkta nitong tanong na parang wala lang nangyari sa kanila nu'ng babaeng kakalabas lang. Ang kapal din pala nang mukha nitong lalaki. Grabe, ha. "Hindi po magbabago ang sagot ko. At saka, mukha po kayo'ng maraming babae bakit hindi na lang siya?" sagot ko at hindi ko mapigilan na tanong sa kaniya, pagtutukoy ko sa babae na kasama nito. "Who? That woman? Hindi ko siya kilala," inosente niyang tugon na parang wala lang sa kaniya ang nangyari sa kanila kanina. Iba rin pala 'tong lalaki na ito, hindi niya kilala pero kinakabayo niya? Hanep din. "Look, I had no other choice but to do this. It's either you agree with me, or I will post this, or I will show it to your father,” banggit niya at nilabas niya ang phone niya kung saan kitang-kita sa video na nagsasayaw ako at lasing na lasing. Nanlaki ang mga mata ko sa video kaya naman lumapit ako sa kaniya at hinablot ko ito, pero he's faster than me at iniwas niya ang phone mula sa akin. "Saan galing 'yan? I-delete mo 'yan!" galit ko'ng saad. "I will delete it once you agree with me," tinuran niya like a businessman. "Ikaw, sabihin mo nga sa akin, sinusundan mo ba ako? Stalker ka?" mataray ko'ng tanong na tinaasan ko na siya nang kilay at boses dahil naiinis na ako sa kaniya. Hindi porket prince siya ay hindi ko na siya papatulan, pwes nagkakamali siya. "Ako, stalker? Mukha ba ako'ng stalker?" matapang niyang tanong pabalik sa akin. Talagang sinusubok ako nang lalaking 'to. "Eh, paano mo nakuha ang video na 'yan? Sige nga," paghahamon ko'ng tanong. "I happened to saw you, that's all. Ikaw, ano'ng ginagawa mo sa bar, and talking about me to your friend? Don't you know that it's confidential that I am here? Nobody knows that I am here, but thanks to you baka sooner or later may maghabol na sa akin dito," rason nito sabay sisi sa akin. "Confidential or nagtatago ka? In the first place, ano ba ginagawa nang isang Prince of Dubai sa bansang ito, huh?" mas mataray ko'ng replied. Sinong tinakot niya? Ako? Hindi ako natatakot sa kaniya. Sipain ko pa siya, eh. Nawala ang nasa isip ko nang bigla ito'ng tumayo at seryosong tumingin sa akin kaya napatingala ako sa kaniya since he is taller than me. "You don't know who I am, so mind your own business, woman. Now, get out of my house," galit nitong tinuran at tumalikod na as he dismissed and ended our conversation. Sino ngayon ang pikon sa atin? Pikon! Akala mo, ha. And I rolled my eyes dahil napagtanto ko na wala pala siyang kwentang kausap. Hinding-hindi ako magpapasalamat sa lalaking ‘yan. As in NEVER! "Maghanap ka nang babaeng magogoyo mo, ha. 'Wag ako. Diyan ka na nga," inis ko rin na sabi at padabog akong lumabas ng mansyon nito. Napakayabang! Napakaantipatiko pa! Prinsipe siya nang Dubai? Hindi halata! Mas prinsipe pa siya nang— Naudlot ang nasa isip ko nang biglang may humatak sa kaliwa ko'ng kamay at biglang lumapat ang aking mga labi sa malambot na bagay, at nang tingnan ko kung saan ako nag-landing ay nanlaki ang aking mga mata dahil biglang nasa harapan ko ang lalaking kanina lang ay pinapalayas ako pero ngayon ay hinalikan ako nang walang permiso ko. Wait, what?! Eeww! After niya sa babae kanina, tapos ngayon hahalikan niya ako? Kadiri!!! Baka anong virus ang ipasa niya sa akin! With all of my strength ay tinulak ko siya sa dibdib na naging dahilan kung bakit nahawakan ko ang mabato niyang katawan, na naging dahilan naman kung bakit biglang naramdaman ko na sobrang bilis ng puso ko na parang sasabog na. Pagkalayo ko sa kaniya ay napahawak ako sa dibdib ko dahil hindi ako makahinga. Oh, no. "First time mahalikan?" natuwang sambit ni Neil sa harap ko, teasing me not knowing na iba na pala ang nararamdaman ko. Pero hindi ko siya pinansin dahil mas inintindi ko ang puso ko na mahina, at pilit ko pinapakalma. Ngunit hindi ko mapigilan hanggang sa nag-hyperventilate na ako. "Ayos ka lang? Anong nangyayari sa 'yo?" tanong nito na lumapit na naman ito sa akin. Hindi ko na kaya. At nagdilim na ang buong paningin ko— — Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD