Chapter 15

958 Words
[Kisha's POV] Pagmulat ko ng mga mata ko. Ang unang bumungad sakin ay ang sinag ng araw na nagmumula sa labas. Nagulat ako biglang mapalingon ako sa upuan at wala na dito si Ranz. Napabangon naman ako kaagad sa kama ko. Nasaan na iyon? Pagkalabas ko ng kwarto sakto naman ng pagdating niya. "Oh. Saan ka pupunta?" Tanong niya. "Ah. MagC-C.R." Tumango naman siya. Teka bakit naman ako nagsinungaling? Ano ba nangyayare sakin. Nagtungo na lang ako sa banyo at pagkalabas ko nakalanghap ako ng niluluto na pagkain. Pumunta ako ng kusina kung saan ko naamoy yung pagkain. "Nandiyan ka na pala. Kumain ka na at aalis na tayo." sabi niya na nilapag sa lamesa yung pagkain at lumabas na muna. Kaya nagpunta na ako sa lamesa at umupo sa upuan. Wow! Saan kaya siya nakakuha ng manok. Di basta manok kung hindi isang buong inihaw na manok ang nasa lamesa. Inamoy ko ito at walang duda masarap nga ito. Kumuha na ako ng plato at naglagay ng manok at kanin sa plato ko. Uhm ang sarap. Akala ko hindi na ako, kailan pa makakatikim nito. "Ehem." Napatingin naman ako sa umubo. Si Ranz nakatayo sa frame ng pinto. "Masarap ba?" Tanong niya na nakangiti. Napatango na lang ako kase kumakain pa ako. Kumain na ba siya? Nilunok ko muna yung nasa bibig ko bago magsalita. "Tara sabayan mo na ako sa pagkain." Pag-aya ko at nagpatuloy na ako sa pagkain. "Hindi ko kase kayang kainin iyang manok." Napatingin naman ako sakaniya. Napakamot lang siya sa ulo niya. "Bakit naman?" Curious kong tanong. Siguro may allergy siya kaya ayaw niya. "Ako kase kumatay niyan eh. Hindi ko kayang kainin yan." Whut!? k*****y niya lang to? Napatigil tuloy ako sa pagkagat. Parang gusto ko tuloy iluwa. "Huwag kang magaalala malinis naman yan. Hindi ko lang maatimang kainin dahil ako kase yung kumatay." Nakahinga naman ako ng maluwag. Mukhang malinis naman. "Pagkatapos mo kumain magayos ka na dahil aalis na tayo." Tumango na lang ako. Umalis naman na siya. Matapos ko kumain nagpalit na rin ako ng damit na nakita ko sa aparador. Mabuti na lang at sakto lang ito sa katawan ko. Pumunta na ako sa labas. Nakita ko siya na nakasandal sa motor habang nasa malayo ang tingin. Mukhang ang lalim ng iniisip niya ah. Naglakad na ako palapit sakaniya. "Tara na?" tanong ko ng makalapit. Hindi naman niya ako pinansin at tulala lang siya. "Uy Ranz?" Kaso wala pa din siyang kibo. Ayaw mo talaga ako pansinin ah. Bigla namang gumalaw yung kamay ko at nasampal ko siya. Maging ako ay nagulat sa ginawa ko. "What the--" napatigil naman siya sa pagsalita at napatingin sa akin. "Bakit mo ginawa yun!?" Sigaw niya sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit parang gustong lumuha ng mata ko. "S-sorry h-hindi ko sinasadyang sigawan ka." Naramdaman ko na hinawakan niya yung braso ko. Pero pilit ko na inaalis yung kamay niya sa braso ko. "Uy Kisha, sorry hindi ko sinasadya." Pinunasan ko na lang yung luha na tumulo mula sa mata ko. "Wala. Wala ito tara na." Sabi ko at walang ano-ano na sumampa sa motor. Nakita ko na parang nagaalangan pa siyang sumakay pero sa huli ay sumakay na din siya. "Humawak ka ng mabuti ah." Hindi ko siya inimik pa. Buong biyahe lang kami nababalutan ng katahimikan. Walang sinoman sa amin naglakas ng loob na magsalita. Ewan ko ba bakit bigla din akong naluha. Siguro dahil sa pagsigaw niya sakin. Habang nasa biyahe kami natanaw ko yung isang pamilyar na Bus sa hindi kalayuan na nakaparada sa gasolinahan. Teka! Hindi nga ako nagkamali Bus nga namin ito dahil napinta sa bus na ito ang logo ng school namin. Mukhang nakita din ito ni Ranz, dahil doon niya diniretso yung motor. Habang papalapit kami. Masasabi ko ngang ito ang Bus na namin dahil na rin sa Bus #5 na nakalagay sa likuran. Nagtaka naman ako dahil wala akong nakikitang tao sa loob nito. Naramdaman ko na yung pagtigil nung motor kaya naman bumaba na ako. Pagpasok ko nung Bus ang kalat ng loob mga gamit namin na nasa lapag na at yung iba sabog-sabog na yung laman ng bag. Para bang may naghalungkat sa mga ito. Pumasok din si Ranz at nagpunta siya sa bawat upuan. Mukhang may hinahanap siya. "Anong hinahanap mo?" tanong ko. "Yung notebook." Sagot niya habang chinicheck yung bawat ilalim ng upuan. Nakita ko naman na napailing siya. Paglapit ko nakita ko yung ID na hawak niya. "Nahuli sila ni Dr. Jinghin." Sabi niya habang hawak-hawak yung ID Nagtaka naman ako bigla. Ano naman kailangan nila sa mga kasama namin. "Kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat." sabi niya at binulsa yung I.D. "B-bakit?" Naguguluhan kong tanong. "Hindi mo talaga maintindihan noh? Kaya nila hinuli yung mga kasama natin para may magamit sila sa experiment nila at kaya nila kinuha yung notebook dahil doon sa notebook nakalagay kung paano magagawa yung ibang klase ng Zombie. Hindi natin iyon makita dahil tanging makakakita lang nun kapag ginamitan mo iyon ng night vision." Paliwanag niya. Hindi ko alam kung ano ba dapat kong ireact dahil napakasama nila! Hindi makatao yung gagawin nila. "Tara na. Kailangan natin silang pigilan." sabi ni Ranz at inabot niya sa akin yung baril na nakuha niya at lumabas na ng Bus. Sumunod naman ako sakaniya. Sumakay na siya sa motor at ganun din ako. May nilabas siya sa loob ng bulsa niya. Mukhang isa itong mapa. "Eto yung binigay sakin ni Dr. J. Ang sabi dito. Dito daw natin makikita yung kampo nung kakambal niya. May kalayuan ito pero kailangan natin silang iligtas." Napatango na lang ako. Umandar na kami. Sana maabutan pa namin sila. Wala sanang masamang mangyare sakanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD