Chapter 24

690 Words
[Angela's POV] Halos magdadalawang araw na kami dito. Dalawang tao na din yung kinuha nung mga sundalo. Hindi ko gusto yung ginagawa nila. Bumukas naman yung pinto at may pumasok na sundalo na may dala itong tray ng pagkain. Hindi ko alam kung balak talaga nila kami patayin sa gutom. Paano ba naman magdadala dito ng pagkain yung hindi pa sasapat para sa lahat. Kaya yung mga bata na lang yung pinakain namin ng pagkain. "Oh, kumain ka." Napatingin naman ako kay Niel. Umiling naman ako, pero kinuha ko yung pagkain mula sa kamay niya. Nakita ko naman na bigla siyang ngumiti. Tumayo naman ako sa pagkakaupo ko sa sahig at lumapit sa batang nasa sulok. "Bata? kain ka na oh." sabi ko. Tumingala naman yung bata at inabot yung pagkain. Pagkatapos ko ibigay yung pagkain. Naglakad na ako sa pabalik sa pwesto ko. Nakita ko naman si Niel na nanlaki yung mata. Gusto kong matawa sa reaksiyon niya pero tinago ko na lang yung tawa ko baka magalit pa yan sakin. "B-bakit mo naman ginawa yun?" tanong niya. "Ano ka ba naman. Mas kailangan nung bata yung pagkain. Tsaka kaya ko pa naman magtiis eh." Napansin ko na hindi na siya nagsalita pa. Tumabi na lang ako sakaniya. Tinignan ko naman siya pero umiiwas lang siya ng tingin. Hala to..Mukhang timang... sabi ko sa isip-isip ko. Hinayaan ko na lang siya. Bahala siya sa buhay niya! Bumukas naman yung pinto at may pumasok na sundalo pero ibang-iba yung pakiramdam ko sa sundalo na ito. Mukhang may hinahanap yung sundalo. Nakaramdam naman ako ng takot ng tumingin yung sundalo sa akin. Mas natakot naman ako ng bigla itong naglakad papunta sa pwesto ko. Mukhang naramdaman naman ni Niel yung takot ko dahil bigla niyang hinawakan yung kamay ko at pinipisil ito. "Kakilala mo ba si Ranz?" hindi ko alam kung ano ba dapat kong isagot. Naramdaman ko naman yung panlalamig ng kamay ko. "Bakit ano kailangan mo?" Singit ni Niel. "Ikaw ba kinakausap ko?" tanong nung sundalo kay Niel. Mukhang hindi maganda ito. Tatayo na sana si Niel pero pinigilan ko siya. "Bakit po? Ano po ba kailangan niyo?" tanong ko sa sundalo. Hindi naman na niya sinagot yung tanong ko, pero may inabot naman siyang phone at may nakadikit na papel sa likod ng phone. "Judiel!" Rinig kong tawag mula sa labas. Naglakad naman na palabas yung sundalo. "Saan ka ba nagpupunta?" Ibig sabihin palangan niya ay si Judiel? "May sinilip lang ako sa loob." sabi ni Judiel at sinarado na yung pinto. Napatingin naman ako sa phone na binigay ni judiel, binasa ko naman yung nakasulat sa papel. Call me when you received it 654-00-09 - Ranz Inenter ko na yung number sa phone na binigay ni Judiel. Ilang beses din nag ring bago may sumagot sa kabilang linya. "Hello sino to?" rinig kong tanong ni Ranz. "Ranz." sabi ko. "Angela ikaw ba yan? Kamusta kayo?" tanong niya. Lumapit naman sa tabi ko si Niel. "Si Ranz ba yan?" tanong niya. Tumango na lang ako. "Hindi kami okay dito. Grabi sila sa amin mga wala silang puso." sabi ko. Rinig ko naman na napabuntong hininga siya "hayaan mo ililigtas namin kayo. Basta antayin niyo kami diyan." sabi ni Ranz at pinatay na yung tawag. Sakto naman nagbukas bigla yung pinto at pumasok ulit yung sundalo na kumuha ng kasama namin para sa experimento. Naglakad yung sundalo papunta sa pwesto ng isang pamilya at bigla na lang hinila yung anak na babae nung pamilya na nakasama namin sa kampo. "Subukan niyong manlaban ito tatapos sa buhay niyo!" sigaw nung sundalo na may hawak na baril. Gusto ko sanang pigilan yung sundalo dahil bata pa yun at wala pa muwang sa mundo. Hindi naman pinakawalan ni Niel yung kamay ko na hawak niya. Napatingin naman ako sakaniya. Umiiling lang siya. "Hindi ka na dapat pa nakikielam pa sa mga ganun." Bakit pa kase kailangan mangyare to sa amin. Mas gugustuhin ko yung normal kong buhay na hindi ka lagi tatakbo para lang mabuhay. Hindi mo kakailanganin makipagpatayan para lang mabuhay. Sana bumalik na sa dati ang lahat! Sana! Sana! Sana!....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD