Kabanata 73 WALA PA 'YUNG TATLO kaya naman inantay ko muna sila dito sa may waiting sheed malapit sa gate. Malapit na kasi ang pasukan tapos wala pa ang tatlo at kanina pa ako dito naghihintay. Napa-aga ang pasok ko ngayun sa school dahil maaga ako natapos sa mga gawain ko. At syempre hinatid ako ng baby ko sa school kaya maaga ako saka masaya. " Saan na ba kayo?" Tanong ko sa gc dahil online naman ang tatlo. Hindi agad nag-reply ang tatlo. Hindi ko alam kung magkakasama sila o hindi. Maya-maya'y nagreply sakin si Kiara. Kiara; * Wait beshe, sinasamahan lang namin si Madi maghanap ng boarding house niya. " Bakit naman?" Reply ko sa kanya. Kiara; * Aalis na daw siya sa bahay nila. Iiwan na niya ang bahay nila dahil toxic daw mga kamag anak niya. " Gano'n ba? Matagal pa ba kayo? M