Kabanata 27 NANGANGAMUSTA LANG KUNG bakit siya nagtext sakin. Mabuti pa siya kinakamusta ako. Kumusta naman kaya ang tiya ko? Ni hindi nga ako tinatanong no'n kung okey lang ba ako. Ano pa bang aasahan ko sa matandang 'yun. Pasalamat na lang talaga siya ay may respito ako sa kanya bilang tiyahin ko. Hindi ko nireplayan si tiyo at binalik kona sa suot kung pants ang cellphone saka tumayo na ng makita kung tumayo na ang mga kasama ko. Lumakad na sila palabas ng court pero hinabol naman kami ng binata. " Hi, Mila. Pwede ba kita ihatid mamaya?" Tanong niya sakin. Hindi ko naman napigilan mag-taray. " Ang kulet mo. Hindi nga pwede diba? Nag-aaral ako ng mabuti at hindi ko kailangan mag-boyfriend." Inis na sabi ko saka nauna ng lumabas ng court at naiwan ang mga kaibigan ko. Naiinis ako da