Kabanata 17 ISIDRO VALDERAMA ( POV ) AFTER KUNG IHATID SI VERONICA sa opisina niya ay bumalik ako sa bahay para silipin si Mila doon. May sakit ang dalaga at hindi ko alam kung nakainum na siya ng gamot. Hindi kasi siya lumabas kanina simula ng sabunutan siya ng tiyahin niya. Hindi ko siya matulungan kanina dahil baka anong isipin ni Veronica at mas lalo pa siya magalit dahilan para masabunutan si Mila. Pagdating sa subdivision ay iniwan kona lang ang sasakyan sa labas ng gate at pumasok sa loob dahil may susi naman ako. Pumasok ako sa loob ng bahay at dumeretso sa kwarto ng dalaga ngunit hindi pa ako nakakarating doon ay nakita ko si Mila na nakahandusay sa labas ng kwarto niya. Mabilis akong lumapit sa dalaga at binuhat ko siya saka dinala sa loob ng kwarto niya. Hiniga ko siya sa