Kabanata 57 NANDITO KAMI NGAYUN SA TAMBAYAN namin habang inaabangan ni Madona ang crush niya na 4th year college. Araw na araw na kami dito para lang magpapansin sa crush. Ang dami na niyang crush pero lahat ng crush niya ay walang gusto sa kanya. Break time na rin kaya nandito kami habang kumakain ng mga sitsirya. " Okey ka lang?" Napalingon ako kay Madison ng tanungin niya ako. Para akong bored na bored ngayun habang nakatingin sa paligid. Ilang araw kona 'tong nararamdaman at may namimiss akong tao pero kailangan kung panindigan ito para magkaayus na ang dalawa. Ilang araw kona kasi iniiwasan si tiyo Isidro at hindi pinapansin para hindi na siya lumapit sakin. Alam ko dinadaanan niya ako sa school pero pinagtataguan ko siya. Pati sa pagtawag sa cellphone ay hindi ko sinasagot para ma