Kabanata 54 ISIDRO ( POV ) NANDITO AKO SA BAR KASAMA ng mga kaibigan ko. Birthday ng isa kung kaibigan at inimbita niya ako kahit na tumanggi na ako. Ayaw ko sanang umattend dahil magagalit na naman si Veronica kapag lumabas ako. Kaya lang nagtatampo naman ang kaibigan ko dahil 'di na nila ako nakakasama kapag may party. Umiiwas kasi ako sa gulo at ayaw kung umuwe sa bahay na aawayin ni Veronica. Sa sabihin na naman na nangbabae ako. Which is hindi naman talaga ako nangbabae. Pero nakikipag-flirt lang kapag may mga babaeng lumalapit sakin. Hindi ko rin sila nilalabas dahil nawawalan na ako ng gana kapag iniisip ko si Veronica. Sa ngayun ay hindi na ako nakikipag-flirt sa mga babae dahil may Mila na ako. Merun ng babaeng nagpapaligaya sakin kaya hindi na ako naghahanap pa ng iba kahit w