Kabanata 14 ISIDRO VALDERAMA UMIINUM AKO SA LOOB NG kwarto ko at hindi ako pumasok sa opisina dahil linggo naman ngayun. Tanging si Veronica lang ang pumasok sa kanyang negosyo. May sariling negosyo ang asawa ko dahil mas gusto niyang hawakan iyon kesa ang kumpanya ko. Hinayaan ko naman dahil iyon ang gusto niya. Hindi ko naman siya pinipilit na hawakan niya ang negosyo ko dahil ayaw namin pag-awayan iyon. Naging asawa ko si Veronica sa edad na 30 dahil sa kasunduan. Hindi ko siya mahal no'n pero natutunan na lang sa paglipas ng panahon dahil mabait naman si Veronica. Hindi nga lang niya ako mabigyan ng anak dahil may deperensya sa p********e niya. Okey lang naman sakin kung wala kaming anak. Importante ay magkasama kaming dalawa hanggang sa pagtanda. Ngunit nagbago ang lahat ng maki