Kabanata 44 SIMULA NG AKUSAHAN KO SI TIYO ISIDRO ay hindi na niya ako pinapansin o kinikibo. Kahit nakakasalubong ko siya sa hallway o kusina ay hindi niya ako binabati. Okey naman sana sakin 'yun para iwas gulo pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Parang naguiguilty ako sa ginawa ko at the same time ay parang namimiss ko 'yung mga titig niya sakin. Hindi na kasi niya ako tinititigan at palaging iwas ang tingin niya sakin. Tapos parang nag-iba na siya. Hindi na siya katulad ng dati na mabait sakin kapag pinapagalitan ako ni tiya Veronica. Pero dinadaanan parin naman niya ako sa school at hindi nagsasalita. Kung dati ay kinakausap niya ako at tinatanong pero ngayun hindi na. Parang namimiss ko ang pagiging pakialamero niya sa buhay ko. Ewan ko ba, bakit ganito ang nararamdaman ko.