ISANG umaga na naman ang dumating sa Cleyanero, kagaya nga ng madalas na ginagawa ng binatang si Mars, ay maaga siyang gumigising para mag-ensayo. Sa harapan ng kanilang bahay ay makikitang may mga kahoy na nakatayo na nababalot ng pinakapal na malalaking mga dahon. Nasa lima ang bilang noon at ito ang nagsisilbing ensayuhan niya. Nilalampasan niya ang mga ito at binibigyan ng malalakas na suntok. Bukod doon ay nagpapalakas din siya ng kanyang mga paa at binti sa pamamagitan ng pagbitin nang pabaligtad sa sanga ng punong malapit sa kanilang bahay. Dito’y nagtataas-baba siya gamit ang nakasabit niyang mga hita roon. Araw-araw, tuwing umaga ay binubugbog niya ang kanyang katawan sa mabibigat na ensayo. Pagkatapos ay kukuhanin niya ang dalawang malaking lalagyanan ng tubig at pupunta sa ibaba