DAWN ESPAÑOLA ang kapatid na gagawin ang lahat para sa lola't bunsong kapatid niya— kasehodang magbenta ng laman ay papasukin niya.
Wika nga niya, "Trabaho lang walang personalan."
RYAN MAGTANGGOL— isang magiting na pulis na nakatakdang magpakasal sa sampung taon niyang kasintahan— hindi akalaing mabibihag ang puso sa isang babaeng minsan niyang nakasama dahil sa isang misyon sa kaniyang sinumpaang trabaho.
Wika nga niya, "Kapag ang palay na ang lalapit, huwag ka ng magpatumpik-tumpik."