Chapter 4

1180 Words
  Chapter 4   Nagulat ako ng mapatingin ako sa salamin dahil parang ibang tao ang kaharap ko. Hindi ako makapaniwal na ganito pala ang mukha ko pag inartehan. Nakita ko na ngumiti ang bakla sa akin. “Naku! Ewan ko na lang kung makakapagpigil ang jowa mo pag nakita ka niya.” “Ano—?” “Naku, wag kayong mag panggap na halos magtukaan at maglunukan na kayo kanina sa eskinita bago kayo pumasok.” Nanlaki ang mata kong napatingin sa bakla pero nginitian niya lang ako. “Nauunawaan ko ang nararamdaman niyo, bata pa kayo at normal lang mag init ang inyong mga damdamin naalala ko noong bata pa ako na halos lahat ng sulok ng salon ay naposisyonan namin ng jowa ko.” Hindi ko mapigilang mapangiti at mapatingin sa lalake na nasa counter na nakatingin sa baklang nagaayos sa akin. “Aba aba aba, mamang, baka kayo ng jowa moa ng hindi makapagpigil?” Nakita ko na ngumisi lang siya at tinapi ako sa balikat ng mahina. Si paul ay nasa labas na nang salon dahil tumawag da yung mga kaibigan niya. Gabi na ng acquaintance party niya at hindi ko mapigilang kabahan. Kahit na ako ang bukam-bibig ni Paul sa mga kaibigan niya ay hindi pa kami kailanman nagkita ng personal. Hindi ko alam kung matitrip ba ako ng mga barkada niyo o baka ayaw nila sa akin. Napatingin ulit ako sa salamin at nakita ko sa repleksyon na papasok si Paul at hindi niya ako makita dahil tinted ang pinto. Nang itulak niya ang pinto para makapasok ay nakatingin pa siya sa cellphone niya pero nang iaangat niya ang paningin niya ay nagtagpo ang mga mata namin sa salamin at nakita ko kung paano siya unti-unting napanganga at nanlaki ang mata. “Baby!” Nilingon ko siya at napahawak ng balikat hindi ko alam kung magugustuhan ba niya ang binili niyang damit sa akin ang make up. Nakasuot ako ng black simple cocktail dress at heavy make up that suits my attire. Nakataas din ang buhok ko to a high bun with some stray hair. “Baby you’re gorgeous!” he shouted at bigla niya lang ako hinablot at hinalikan sa labi. Nanlaki ang mata na itinulak ko siya at dali-daling napaharap sa salamin para icheck kung natanggal ang lipstick. “Hija, matte yang lipstick mo. Matindi ang kapit kaya kahit maglaplapan kayo ng jowa mo hindi yan matatanggal.” Narinig kong sabi ng bakla mula sa counter. Naramdaman ko na hinablot ulit ako ni Paul for a deep kiss at hindi na ako nakatanggi na sagutin ang halik na binibigay niya sa akin. Oh my God! Parang gusto kong maghubad just to make out with Paul kaso natigilan kami ng biglang magring ang cellphone niya. “Time to go, baby.” He whispered at nginitian ko lang siya at napatango. He settled the p*****t na may kantyaw galing sa bakla na “gumamit ng protection mamaya pag-uwi!” Dali dali na kaming pumunta sa kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto bago tuluyang umikot at simulan ng paandarin ang sasakyan. Sinagot niya ang tawag at nilagay eto sa loudspeaker habang nagsimula na siyang magdrive. “Tol! Asan ka na ba? Nagsisimula na ang registration! Tagal tagal naman eh!” “Paul! Huwag mong intindihin si CJ. Nahopia lang siya kay Mariel dahil hindi siya sinipot!” “Papunta na kami kalma nga kayo.” “Kami?!” Narinig kong sigawan sa linya at mga kantyaw na ikinatawa ko na lang. “Sa wakas! Makikilala na si Ms. Perfect sa mga sabi sabi ni Paul!” “Mabuti at dinala mo na talaga siya! Nasa point na kami na hindi na talaga kami maniniwala na may jowa ka.” Nagkatinginan kami sandali ni Paul. “Don’t worry guys. I exist. I’m Maxine.” At hindi na magkamaliw ang mga tao sa likod ng linya sa sigawan. “Pre. Ba’t parang anghel ang nagsalita?” “Ingat lang sa pagmamaneho pre. Kailangan siya namin makita kahit, ikaw di na sumipot basta si Max makarating lang.” “Huwag mo nga ma-Max-Max ang jowa ko, Hapi.” Nagkatawanan lang ang lahat bago nagpaalam ang kaibigan ni Paul na maunang magreregister na lang sila dahil nandoon na rin naman sila. Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa campus nila Paul at namangha ako sa laki nito. Bukod sa Malaki at sobrang lapad din at ang daming kotse ang pumapasok sa loob. Parang ang sosyal ng lugar. Nang pinatay na ni Paul ang sasakyan at umikot siya sa likod ay lumabas na ako. ano ba yan, pati ang hangin ay iba rin? Dahil siguro sa madaming puno ay hindi mapagkakaila na mabango ang paligid at amoy sosyal. Napatigil ako sa paglalakad. Parang hindi naman ako nababagay dito. Kung hindi nga dahil kay Paul ay wala akong isusuot. 3 days before the Party… Nasa bahay ako ni Paul at nakahiga ako sa couch nang bigla siyang umupo sa paanan ko. Itinaas niya ang paa ko para makaupo at kumuha rin ng popcorn at nakatingin sa TV. “Max? sa Saturday na pala yung acquaintance party namin. May isusuot ka na ba?” Tumango lang ako pero hindi inalis ang tingin sa TV. “Max!” “Oo meron na nga. Saka tumahimik ka nga nanunuood ng TV eh.” “Anong isusuot mo? Patingin.” Sa wakas ay pinutol ko na ang tingin ko sa TV at tinignan siya. “Ang ingay eh! May bagong pantalon at blouse akong binili yun yung isusuot ko.” “Ano?!”   Buti na lang ay hindi ako nagpantalon at nagblouse  dahil sa malamang ay mapapahiya si Paul dahil mukhang sosyalan talaga. “Uy, Paul. Hindi ba mag mumukhang out of place ako dito? Mukhang sosyalan yung mga schoolmates mo eh.” Napatigil din siya at tinignan ako at tinaasan ng kilay. “Hindi mob a nakita ang sarili mo kanina?” “Nakita naman kas—” His hand found my hands and he held it and intertwined it and caress my hand as an assurance. “Beautiful is an understatement baby. You are so beautiful everyday especially tonight. Other people might want you and I am scared.” Hindi ko napigilan na bangasan si Paul dahil sa sinabi niya at nang ambang siyang magrereklamo ay pinanlakihan ko siya ng mata dahil alam ko naman na walang kwenta yung sasabihin niya. “Tara na nga.” Nang malapit na kami sa pinto ng gymnasium ay may nakita akong dalawang lalaki na kumakaway sa direksyon namin at nang lumitaw ako sa likod ni Paul ay nakita ko sila na bumagsak ang baba at nanlaki ang mata. Hindi ko mapigilang mapatawa sa reaksyon nila lalo na nung sabay sila napatingin sa magkahawak na kamay namin ni Paul. I giggled dahil malamang sila na ang dalawang barkada ni Paul. Nang makalapit ay nakatingin lang sila sa akin at bigla ay hinablot ni Paul ang kamay ko para itago sa likod niya. “Surprise mothefuckers!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD