Chapter 7 Nakahiga ako sa kama nang maramdaman ko na may kumakatok sa pinto ko. Hindi ko mapigilang mapatingin sa relo at alas nuebe pa lang ng gabi pero hindi ko mapigilang kabahan habang lumalapit ang oras sa alas-dose. Nakakandado na rin ang pinto ko at inilipat ko na rin ang sofa ko para mablock lang ang pinto. Hindi rin ako makatulog dahil sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na halos hindi na rin ako makahinga. Lalong lumakas ang katok sa pinto kaya lumapit ako para silipin sa peep hole kung sino ang tao at nagulat nang biglang kumalabog ng malakas pa ang pinto. “Maxine! Buksan mo ang pinto! Dise-otso ka na! may mga customer ka na rito! Labas!” Halos binuhusan ako ng malamig na tubig sa sigaw ng Nanay at pagsilip ko nga sa peep hole ay nakita ko ang halos tatlong lalake na