Chapter 7

1441 Words
Nasa kama na si Cassandra that time while staring the ceiling. Nasa isipan pa rin niya ang naganap kaninang hapon. Ramdam pa rin niya ang iregular na pagpintig ng kaniyang puso. "It couldn't be, I hate him." Anas pa niya sa sarili. Inabot pa niya ang kaniyang phone at doo'y tiningnan ang mga kuha ni Alejandro sa kaniya. Nang mabuksan niya ang gallery ay nandoon ang kuha niya na naka-focus ang mukha niya. Tanaw niya ang ngiti sa kaniyang mukha. And as she noticed earlier, nandoon din ang video na nakunan ni Alejandro. She smiled staring herself. "Walang hiya talaga.." sabi pa niya saka pa napangiti. She didn't realize that Alejandro is annoying her, but the fact na maganda naman ang bawat capture nito sa kaniya. Madalas ay naka-zoom iyon sa mukha niya kaya she can't help it but to smile. Nang ma-scroll niya ang gallery ay naroon ang mga ibang pictures niya, nandoon din ang ibang litrato ng ex-boyfriend niyang si Jerick Santiago. Ito ang matagal niyang boyfriend noon but it seems, hindi sila itinadhana ng panahon. Inuna ni Jerick ang negosyo ng kaniyang pamilya and of course, wala siyang karapatan na hadlangan ang kagustuhan ng pamilya nito para sa nobyo niya. Bumuntung-hininga siya at itinabi ang phone. Mas makabubuting kalimutan muna niya ang mga ganoong bagay. Minabuti niyang tumayo at magpunta muna sa kusina. It's past nine o'clock kaya alam niyang tulog na ang mga tao sa mansion. Pagbukas niya sa pinto palabas ay nabigla siya nang mapansin ang lalaking nakatayo. Si Alejandro ito, suot ang isang cotton grey jogger pants at isang puting sando na bakat na bakat sa kaniyang matipunong dibdib. "What?" He asked while he continued to walk down the stairscase. Natigilan siya. Papanaog din kasi ang lalaking 'yon, nag-aalangan na tuloy siyang bumaba. But she insist to be calm anyway. "Bakit ba ako natatakot sa kaniya? Sino ba siya? Tss." Ani ni Cassandra na pababa na sa hagdan. Nang makapunta na siya sa kusina ay kumuha siya ng baso at nagsalin ng gatas mula sa karton na nasa ref. Hanggang sa pagsara niya ng pinto ay nakita niya ang pigura ni Alejandro. "Ay kabayo!" aniya na halatang nagulat. She accidentally drop the milk pack. "What are you doing?" He asked using his baritone voice. "Sa palagay mo?" Cassandra replied while picking up the box of milk. "So, you're an adult and you still drinking milk?" "Pake mo?" litanya pa sana ni Cassandra na tinalikuran si Alejandro but he hold her arms kaya natigil ito. "Ano ba!" bawi pa ni Cassandra sa braso niya. "Why you're so hard? Bakit ba ang tapang mo, kahit halatang natatakot ka?" saad ni Alejandro kay Cassandra na halatang natigilan sa sinabi niya. "I just want some milk, hindi ako makatulog." Ani Cassandra na inayos ang sarili at kinuha ang baso ng gatas. Mabilis niyang nilagok iyon habang nakatingin kay Alejandro. "Satisfied?" she said nang matapos ang pag-inom niya sa gatas. Tatalikod na sana si Cassandra nang awatin siya ni Alejandro. "Perhaps you want someone to talk, hindi rin ako makatulog." Alejandro said while holding her wrist. Alam niyang nakatuon ang mata ni Cassandra roon kaya he immediately released it. "I have some place you might like." He said, ngumiti si Alejandro kay Cassandra na parang titig na titig lang sa mukha niya. "And why should I trust you?" she asked. "Because you have to." Alejandro replied as he lead their way to that stairs. Walang nagawa si Cassandra kundi ang sumunod. Nang makapanhik na sila sa ikalawang palapag ay tinungo ni Alejandro ang isang bintana. Nakabukas iyon kaya nang makita ni Cassandra na umupo si Alejandro doon ay natigilan siya. "Teka, baka mahulog ka?" awat pa ni Cassandra sa binata na halatang umupo na at noo'y nakatalikod. Lumingon ito sa kaniya at nilahad ang kaniyang kamay. "Do you trust me?" sabi pa ni Alejandro. Atubili man si Cassandra ay wala siyang nagawa kundi ibigay ang kaniyang palad. Nang makuha ni Alejandro iyon ay mas hinatak pa siya nito palapit sa bintana upang makita na mayroon palang maapakan doon na pwedeng daanan papunta sa itaas ng bubong. "What?" litanya pa ni Cassandra dahil parang nadaya siya ng kaniyang imahinasyon, akala niya'y mahuhulog siya kapag dumukwang siya sa parteng iyon. She listen how Alejandro giggles. Hawak nito ang kamay niya saka pa pumatong sa apakan ng bubong. Dahan-dahan silang lumabas sa bintana at maingat na sumunod sa yapak ni Alejandro. Nang makaakyat na sila sa bubong ay nandoon ang isang nakatuping kumot para maging hapin kapag uupo sila. Nang makapwesto ay namangha si Cassandra sa nakikitang paligid. Nasa bubong sila ngayon habang tanaw ang kalawakan. "Ang daming stars!" bulalas pa niya saka pa tinuro ang itaas. "Nagustuhan mo ba?" Sabi pa ni Alejandro na hindi maawat ang paningin kay Cassandra. Animo'y may malalim itong iniisip. Tumango si Cassandra. Halatang nasisiyahan sa tanawin. "I love it. Ang ganda.." sabi pa niya na itinaas ang dalawang palad. Dinadama niya ang hangin at ang tahimik na lugar doon. Payapa ang paligid at tanging tunog lang ng mga kulisap ang maririnig. "Alam mo Alejandro, mabait ka naman pala.." she said while smiling to Alejandro. 'Yong parang nagpapa-cute na ngiti. Nailing na lamang si Alejandro saka natawa sa narinig. "Mabait ako, kapag mabait ang kausap ko." Ani nito na inayos pa ang may kahabaang buhok. "Alam mo, if you practice to smile, gwapo ka." Sabi pa ni Cassandra na hindi nakatingin kay Alejandro. Nakatingin lang ito sa malayo. Natigilan si Alejandro at halatang nabato sa sinabi ni Cassandra. Bukod kay Ada na kapatid niya'y si Cassandra lang yata ang isa sa mga babaeng ganoon makapagsalita sa kaniya, walang nangahas na pagsabihan siya ng ganoon. Lahat ay ginagalang siya, and of course, kahit pa nga sina Bebe, Lolita at iba pang kakilala niyang babae ay hindi nakakapagsalita sa kaniya ng ganoon. Tanging si Cassandra lang! Naubo siya sa sinabi nito at nagsalita. "Alam mo, may ipapakilala ako sa'yo, pwede 'yang bibig mo sa kaniya." Ani ni Alejandro kay Cassandra. Nangunot ang noo nito. "Hmmm? Sino?" "Si Rebecca, may pwesto 'yon sa palengke, kinakapatid ko, baka gusto mong mag-aaply sa pwesto n'ya. Bagay ang bibig mo roon." "And what are you thinking? Na palengkera ang bibig ko? Never in my entire beauty na maging palengke girl." Sabi pa ni Cassandra na halatang taas-noo sa pagiging alta-sosyal. "I just told what I observed, Ikaw ang nagsasabi sa salitang pwedeng ilait sa'yo, hindi ako." Cassandra snob him, halatang nainis. "Ikaw ba, señorita, anong nais mo sa buhay?" sabi pa ni Alejandro na iniba ang topic. Pumagitna ang katahimikan. Nakatingala lang si Cassandra sa kalangitan. Halatang pinapayapa ang sarili. "Siguro, kapatid. Wala ako n'on e." Ani nito na tila nagdaramdam. "I'm sorry.." Alejandro apologized. "No, wala ka namang dapat ipagpaumanhin e, it's the truth." Ani Cassandra na ngumiti lang. "Ikaw, anong nais mo?" Cassandra asked Alejandro. Bumuntung-hininga pa ito saka sumagot. "Ang magkasama kami ng mga kapatid ko," mahinang saad ni Alejandro. "Bakit? Nasaan ba sila?" "They're busy growing up...and I'm far away to keep them together." "Hindi ba't nasa America ang mga kapatid mo?" "Nandito rin sa San Luisita ang dalawa..." "Ah, ilan nga ang kapatid mo?" "Lima...I mean..may isang hindi pa ako kilala." "What? You have another sister?" Cassandra asked Alejandro in serious voice. He nodded. "A half sister," he responded. "Who is she?" "It's not important, ang mahalaga'y nakikita at nakakausap ko siya.." "But she must know, na ikaw ang kapatid niya." Cassandra implied. Ngumiti si Alejandro. "May sense ka rin palang kausap." Nakangiting saad niya kay Cassandra. "Hmmp, as if. Of course, may sense ako, I am a Monteverde, matatalino ang lahi namin." Natawa si Alejandro sa sinabi ni Cassandra. "You got me." Sabi pa nito na naiiling pa. "Ang mabuti pa ay maging magkaibigan tayo, magiging mabait ka, magiging mabait ako sa'yo," sabi pa ni Cassandra na tila nakikipag-deal sa kaniya. "Okey." Tipid na saad ni Alejandro na hindi mawaglit ang ngiti sa kaniyang labi. Ngayon lang siya nakangiti ng ganito, and the fact na si Cassandra ang dahilan n'on. "Hindi ka na magiging barumbado?" She questioned him, pero ngiti lang ang responde ni Alejandro. "I'll try." He said. Ngumiti si Cassandra at hinawakan ang braso ni Alejandro. Sumandal siya roon habang tumingala sa langit. "Alam mo, try to look at that moon," tinuro pa ni Cassandra ang buwan. Tumingala rin si Alejandro. "Why?" he asked. "You see...it has many scars, but still it shines on its darkest...gaya mo, I know you're good." Natigilan si Alejandro sa sinabi ni Cassandra. Tama ang sinabi nito. He is in a bad guy face with a good heart inside. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD