Chapter 41

1755 Words
Kasabay ni Alejandro ang mga kapulisan para puntahan ang sinasabing Isla Catalina sa Cebu. Halos hindi niya mawari kung ano ang magagawa niya kapag nakita si Jerick. Sakay siya ng helicopter, at nakipag-ugnayan na rin sila sa kapulisan ng Cebu. Saktong pag-landing nila sa paliparan ay bumungad sa kanila ang head of chief sa Cebu, kasama nito ang iilang kapulisan para tumulong sa pagsagip ni Cassandra. Mabuti na lang at tinulungan siya ng pinsan niyang si Sherwin Dela Cuesta, na kilala rin sa Cebu. Nakipag-ugnayan siya rito para mapadali ang paghahanap niya sa dalaga. Nang maproseso ang gagawin nilang entrapment operation ay agad nilang tinungo ang isla. Buong-loob na nakatingin si Alejandro sa daan. Lulan sila sa sasakyan, habang kasama ang mga kapulisan. Tahimik lang siya sa oras na iyon, halatang pinag-iisipan ang pwedeng gawin. Ilang oras pa ang nakalipas at huminto na sila sa isang pier. "Nandito na tayo sa pier, kailangan nating bumaba para sumakay ng bangka, papunta sa isla." Narinig nila sa isang police na kasama. Agad namang nagsibabaan ang mga kasamahan nila Alejandro at sumakay sa bangkang maghahatid sa kanila sa isla. Hawak ni Alejandro ang iPod ni Cassandra habang tahimik na naka-tiim-bagang, alam niyang malapit na niyang masilayan ang babaeng pinakamamahal niya. Ilang minuto pa'y nahinto na sila sa batuhan ng islang iyon, napakatahimik ng paligid at tila pribadong pagmamay-ari nito ng mga katutubong naninirahan roon. Agad na nagsi-talon ang mga kapulisan at hinalughog ang daungan ng dalampasigan, gusto nilang makita kung may nakadaong ba na yate o pandagat na sasakyan—ngunit sa kasamaang palad ay wala silang nakita. "Negative," sabi pa ng kasama nilang police. Napatiim-bagang si Alejandro sa narinig. Hindi maaaring wala roon si Cassandra, iyon ang sinabi nito sa iPod na hawak niya. Dahan-dahang ikinuyom ni Alejandro ang kamay at noo'y sumumpa. "Magbabayad ka Jerick, magbabayad ka!" sabi pa ni Alejandro na hinarap ang head of cheif sa Cebu. "Chief, kailangan nating makipagtulungan sa coast guard, dapat nating alamin ang mga pumaloob at lumabas sa perimeter area ng pulo ng Cebu. Kailangan nating masigurado na hindi tayo nagkakamali sa islang pinuntanan natin. "Sige, teka't tatawagan ko ang punong-bantay sa coast guards." Sabi pa ng chief of police na may tinipa sa kaniyang telepono. May kinausap ito at doo'y pinatingnan nila ang mga barko, bangka, o kahit anong behikulo na pumasok sa Cebu. "Okey, sige sige.. Salamat." Sabi pa ng chief of police bago pa binaba ang kaniyang telepono. "Positive may yateng kaaalis lang sa boudary ng isla Catalina, umikot ito sa direksyon ng pinagmulan nito. Parang natunugan yata tayo na papunta rito, huwag kang mag-alala, Alejandro, nakuha namin ang pangalan ng yate." Saad pa ng police saka pa tumapik sa braso ni Alejandro. Napabuntung-hininga si Alejandro saka pa napasabunot sa sariling ulo. Natatanaw sa mukha nito ang disappointment. "Alejandro!"tawag pa ng isang police sa kanila na may kasamang matandang katutubo. Agad nila itong pinuntahan at kinausap sa kanilang lengguahe. "Tatang, unsay nakit-an ninyo ganina?" (Tatang, anong nakita n'yo kanina?) Kinausap ito ng isang police. "Naa mi nakit'an kaganina nga babae, nalunod sa dagat, amoang gidali og tabang, tua to paingon sa sentro, didtoa sa hospital, gipasakay nila sa bangka." (May nakita kaming babae kanina, parang nalunod sa dagat, agad naming nasalba, patungo na nga iyon sa hospital, pinasakay namin sa bangka ng mga kasamahan namin.) Agad umaliwalas ang mukha ni Alejandro at inilahad ang larawan ni Cassandra na dala-dala niya sa kaniyang pitaka. "Tatang, siya po ba ang babaeng nakita n'yo?" Lahad pa ni Alejandro sa matanda. "Ay oh! Siya jud 'to. Kani siya na babae!" Sabi pa ng matanda na ang ibig sabihin ay kumpirmadong si Cassandra nga ang nakita nila kanina sa karagatan. Halos hindi pinasayad ni Alejandro ang paa sa pagtakbo patungo sa bangka. "Tara na!" sigaw pa nito na sumampa sa bangka na gustong-gusto nang paandarin ito. Hindi na niya kaya pang mawalay kay Cassandra. Hindi na niya kaya pang palagpasin ang bawat oras na mawawala ito sa kaniya. Agad namang nagsibalikan ang mga kapulisan sa puntong iyon at doo'y pinaandar ang mga bangka pabalik sa isla ng Cebu. Hawak-hawak ni Alejandro ang larawan ni Cassandra. Napapangiti siya sa kabila ng pagod, pinsalang natamo, at ang sugat sa kaniyang balikat. Hindi niya maramdaman ang mga iyon sa pagkakataong ito, ang nais n'ya lamang ay makita na si Cassandra. Nais lang niya itong mayakap ng mahigpit. Sandali pa ang nakararaan at napuntahan na nila ang hospital na sinabi ng matandang katutubo. Agad na hinanap ni Alejandro ang pinaglagyan ni Cassandra, at doo'y nakita ito sa ward. "Teka po, ikaw po ba ang relative ng pasyente?" saway pa ng isang nurse sa kaniya bago pa siya makapasok sa kwarto. "I am his fiancee." Tipid na saad ni Alejandro na hindi mawaglit ang paningin kay Cassandra na noo'y mahimbing na natutulog. Nakabenda ang ulo nito at marami itong pasa sa katawan, tanda na dumaan ito sa pagmamaltrato at pagpapahirap ni Jerick. "Sir, heto po ang results sa tests niya kanina." Sabi pa ng nurse na may inabot sa kaniyang papel. Kinuha ito ni Alejandro at doo'y nakita ang resulta ni Cassandra. Nakasaad doon na may intensive swollen damage ito sa kaniyang tagong parte na tila minolestya ng paulit-uulit. Sinasabi sa resulta na marami ring nainom na tubig-dagat si Cassandra, kinakailangan din nitong salinan ng dugo dahil anemic ito, gayundin ang pagkabagok ng ulo nito na nagsanhi ng malaking sugat sa kaniyang ulo. Maari rin itong magresulta ng tinatawag nilang post-traumatic amnesia kung saan, iilan lang ang maaalala nito. Nanlumo si Alejandro habang hawak ang papel. Dahan-dahan pa niyang tinahak ang kwarto ni Cassandra habang tiim-bagang na nakatikom ang bibig. Namumuo ang mga luha niya sa kaniyang mga mata dahil sa awa sa dalaga. Tanaw niya ang paghihirap nito sa puntong iyon. Manaka-naka pa siyang napapasinghot dahil sa mga luhang nagsilaglagan na. Marahan siyang umupo sa kalapit na bangko. Inaabot niya ang mukha nito at marahang hinaplos ang kaniyang pisngi. "Cassandra.." Anas pa niya habang hawak ang pisngi nito. Nakapikit lang ang mata nito na walang kamuwang-muwang na naroroon na siya. "Cassandra...nandito na ako..Cassandra..please, wake up, I'm here." Anas pa ni Alejandro na lumuluha na sa oras na iyon. Pinipigilan pa nitong maglikha ng ingay sa kabila ng pag-iyak, hawak lang niya ang bibig habang napapahagulhol. Sa oras na iyon, alam niyang si Cassandra ang kahinaan niya, na apektado siya sa pangyayari at hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili sa kapabayaang niya sa dalaga. "I must protect you. Sorry..Cassandra..sorry." Pigil-hagulhol na saad ni Alejandro sa dalaga. Niyakap pa niya ito at sumobsob sa leeg ng dalaga. Wala na siyang pakialam kung makita o marinig man siya ng mga kapulisan sa kaniyang pag-iyak. Ang mahalaga'y nayayakap na niya ngayon ang babaeng pinaka-mamahal niya. *** Nagising si Cassandra sa oras na iyon, tanaw niya ang kulay puting paligid at mga aparato sa kaniyang gilid. Ramdam din niyang kumikirot ang ulo niya, dahan-dahan pa niya itong kinapa at doo'y naramdamang may benda ang iyon. Tanaw pa niya ang lalaking nakayuko sa kaniyang gilid. Animo'y nakatulog ito. Hindi niya makita ang mukha nito. "Argh...where am I?" anas pa niya habang inaabot ang lalaking iyon. "Hey!" Sabi pa niya saka niyugyog ang nakatulog na lalaki. Dahan-dahan itong nagmulat at kumusot ng paningin. "Cassandra! Gising ka na!" Maaliwalas ang mukha nito. Kumunot naman ang noo ni Cassandra na tila nagtataka kung bakit alam ng lalaking ito ang pangalan niya. "Excuse me? And who the hell are you?" istriktang saad ni Cassandra na halatang nalilito sa mukha ng lalaki. Maging si Alejandro ay natigilan at halatang nabigla sa reaskyon ni Cassandra. Hindi niya akalain na ganoon ang ibubungad ni Cassandra sa paggising nito. "Who are you?" ulit pa ni Cassandra kay Alejandro. "I..I am...Alejandro. Ako ang.." "Body guard ko?" sabi pa ni Cassandra na halatang naninibago sa paligid. "Hmm..yes. Oo bodyguard mo ako." Saad pa ni Alejandro na napakagat-labi sa paglilihim. Mas mabuting huwag niyang biglain ang dalaga sa oras na ito, alam niyang sanhi ito ng sinabi ng doktor na amnesia. Nakita pa niyang nilinga-linga nito ang paligid. "Are we here in Las Vegas? Where's mom and dad?" sunod-sunod na saad ni Cassandra na parang hindi pa alam ang nangyari sa kaniyang yumaong mga magulang. Pumagitna sa kanila ang katahimikan. "Hey? You hear me? Are you deaf?!" Winagayway pa ni Cassandra ang kamay nito sa harapan ni Alejandro. Atubiling sumagot si Alejandro. "Ahm..no, nandito na po tayo sa Pilipinas. Ahmm...busy po sina sir at madam, may inaasikaso lang po." Atubiling sagot ni Alejandro na ayaw ipaalam ang pangyayari. "Really? So what happened to me ba? I don't remember anything, the last time I remember is I am in the earplane going to Las Vegas, I was in Hongkong just to unwind." Sosyal na saad ni Cassandra kay Alejandro na aminadong naninibago sa dalaga, ganito kasi ang pagkakakilala niya rito noon sa San Fransisco, ang unang pagkikita nila sa bar. He cleared his throat. "Ahmm...baka nakalimutan n'yo lang po, nadisgrasya po kasi kayo sa pangangabayo." Saad pa ni Alejandro. Napahawak naman sa sariling bibig si Cassandra na tila nabigla. "Oh my? I did horseback riding ba? Amazing! But..i forgot, did I?" Sabi pa ni Cassandra na nilinga ang paligid. "So nasaan ako?" sabi pa ni Cassandra. "Nandito tayo sa Cebu." "What? I taught we're in San Luisita?" "Opo, señorita, pero nagbakasyon lang po tayo rito." Sabi pa ni Alejandro na pinagtagpi-tagpi ang mga naiisip na kasinungalingan sa dalaga. "Hmm..okey." Sabi pa ni Cassandra na agad natigilan nang makita ang mga pasa sa braso. "Oh emgee! What happened to my arms?! Bakit may bruises ako!?" naiiyak na saad ni Cassandra habang inilagay sa ere ang dalawang braso. "Ah eh, kuwan po, n-nahulog kayo sa kabayo." "What? You didn't helped me?" asik pa nito na matalim na tinitigan si Alejandro. "Sorry, señorita," paumanhin pa ni Alejandro na yumuko ulit. "I need to call lolo! Dapat sesantehen ka na!" Maarteng saad ni Cassandra kay Alejandro. "That can't be! A-ano po kasi...busy si ninong. Ipinagbilin ka niya sa akin." Saad nito na nagkamot ng batok. Taas-kilay siyang tinitigan ni Cassandra at sinuri. Halatang tinatantya ang hitsura niya. "Ninong mo ang lolo ko?" striktang tanong pa ni Cassandra. "Yes." Tipid na saad ni Cassandra. "So, you're my family, then." Sabi pa nito na ngumiti pa. Sa pagkakataong iyon ay tila natunaw ang puso ni Alejandro, sa pagkakataong iyon kasi niya nakitang ngumiti ulit si Cassandra. Parang hinehele ang puso niya sa ulap. "Cassandra.." Paglalahad pa ni Cassandra kay Alejandro. "Alejandro.." tanggap naman ni Alejandro sa kamay ng dalaga. ...itutuloy.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD