Chapter 39

1627 Words
Sa mga sumunod na oras ay agad na anasikaso ni Alejandro na mailabas ang matanda. Saktong nag-change shift ang mga guwardiya sa oras na iyon, kaya Malaya niyang nailabas ang matanda, sakay sa wheelchair, kasama ni Alejandro ang kaniyang mga kakilala gaya ni Kata at Kulas na nasa labas. Halos isang iglap lang ang mga pangyayari, mabilis na tinago nila si Don Ejercito na isinilid sa isang van. "I need you to take him, ilabas n'yo siya sa San Luisita, get him an airline and bring him to my pad in Las Vegas, immediately." Sabi pa ni Alejandro kina Kata na aminadong alam na ang gagawin. "Okey, sige, Alejandro." Sabi pa ni Kata habang hawak ang papel na may kasulatan ni Alejandro. Mabuti na lang at marunong din si Kulas na magmaneho kaya alam niyang makakarating ito sa pupuntahan nila. "Mag-iingat ka," sabi pa ni Kata kay Alejandro bago pa lumakad. Sa puntong iyon ay natipon na niya ang mga trabahante sa City hall, para magsagawa ng pagwewelga. Agad siyang pumunta sa City hall para maging liderato sa pag-aalsa. "Ibagsak ang mga Nunez! Ibagsak ang mga Nunez!" Iyon ang mga sigaw ng mga trabanteng galit na galit sa pamilyang iyon. "Ibagsak ang pangingikil! Ibagsak!" "Ibagsak!" "Kurakot! Kurakot!" Iyon ang sigaw ng nakahawak sa megaphone. Iyon si Ka-Tonyo na kahit pa sa kabila ng natamong pasa at bugbog sa katawan ay nanatili pa ring matatag. Sa pagkakataong iyon ay biglang lumabas ang mga bodyguard ni Don Sebastian, kasunod n'on ay ang sinabing matanda, matikas lang itong tumayo at humarap sa mga tao. Nakatukod ang bigat nito sa kaniyang sungkod. "Anong kalokohan ang nangyayari dito?" Sigaw pa ng matanda sa makapangyariyang boses. Nahalal na alkalde ang matanda, at binabalak nitong maging gobernador. "Kurakot ka! Bumaba ka sa pwesto!" Sigaw ng isa sa mga manggagawa. "Bumaba ka sa pwesto! Hindi ka karapat-dapat sa pwesto!" dagdag pa ng isa pang manggagawa. Agad itong napako ang paningin sa matandang nasa gitna, si Ka-Tonyo iyon. "Ikaw na matanda ka!" Sigaw pa nito saka pa tinuro ang matanda. "Aalingasaw ang baho mo! Mabaho ka pa sa umaalingasaw na kanal!" sigaw pa ni Ka-Tonyo kay Don Sebastian Nunez. "Magbabayad ka!" sabi pa ni Don Sebastian na sumenyas sa mga body guard na itutok ang mga baril sa mga nagpo-protesta. Agad na tinutok ng mga body guard ang mga baril nito sa mga manggagawa. "Sige at itutok mo 'yan, nang usigin ka ng hustisya at konsesnya mo...kung meron ka man." Litanya pa ni Alejandro na inagaw ang megaphone sa isang manggagawa. Biglang natigilan si Don Sebastian nang makita ang pigura ni Alejandro. Matigas itong nakatayo habang dahan-dahang hinarang ang sarili sa body guard ng matanda. Animo'y gustong protektahan ang bawat manggagawa na naroroon. "Subukan n'yong iputok ang mga baril n'yo nang mapatunayan namin kung gaano kaitim 'yang budhi ninyo!" sabi pa ni Alejandro na nanatiling nakasentro sa mga taong nakatayo. "At matapang kang maging bayani sa kanila? Gan'on ba?" Sarkastikong saad ni Don Sebastian sa kaniya. Tipid na humalakhak si Alejandro saka pa nagsalita. "Sa puntong tinutok mo ang baril na iyan sa akin, nagsasabi lang na masama kang tao, at sa puntong iputok mo 'yan, nagsasabi lang na tama lang ang paratang namin sa'yo." Baritonong boses ni Alejandro. Humalakhak si Don Sebastian saka pa dahan-dahang lumapit at pumanaog sa baitang ng hagdanan. Isang metro na lang ang pagitan ni Don Sebastian kay Alejandro na sarkastikong ngumiti, umiling-iling pa ito. "Isa kang matapang na nilalang." Sabi pa ni Don Sebastian na sinipat ang kaniyang pigura mula ulo hanggang paa. "At iyan lang ba ang pinagmamalaki mo? Isang matipunong lalaking walang bayag!" Asik pa ng matanda na agad na sinugod ni Alejandro at pinalasap ng kaniyang isang malakas na suntok. Nasapol ito sa kaniyang ilong, dahilan na matumba ito at rason din upang maiputok ng kaniyang guwardiya ang baril na sinentro kay Alejandro. Isang putok ng baril ang umalingawngaw at natamo iyon ni Alejandro sa kaniyang kaliwang balikat. Nagsigawan ang mga tao, sa rasong iyon ay dinumog sila ng mga taong bayan. Dahan-dahang naabot ni Alejandro ang matandang Nunez saka pa niya ito hinawakan sa magkabilang balikat. Alam niyang may tama siya, at malakas ang pagdaloy ng dugo nito. Alejandro stand with honor and stare to Don Nunez' eyes. "Duwag ka." Iyon ang sabi ni Alejandro bago pa siya nakaramdam ng pagkahilo at pagkawala ng kaniyang paningin, rason upang mawalan siya ng malay at bumagsak sa lupa. *** Nagising si Alejandro sa kwartong iyon. Alam niyang nasa hospital siya, dahil sa mga aparato na nasa kaniyang harapan. Nakita pa niya si Felix na nakatayo sa kaniyang gilid. Parang siya ang nagdala sa kaniya sa hospital. "Felix." "Alejandro." Sabi pa ni Felix na lumapit pa sa kaniya. "Kamusta?" sabi pa ni Felix na halatang nag-aalala. "Anong Nangyari?" Sabi pa ni Alejandro. "Dinumog ng taong-bayan si Don Sebastian, nasa presento na siya ngayon." Sabi pa ni Felix kay Alejandro. "Gan'on ba?" "Oo, kaya dapat ay makalabas ka na sa lalong madaling panahon. Marami pa tayong gagawin." Saad ni Felix na halatang desidido sa pangyayari. Dahan-dahang umupo si Alejandro at walang habas na hinila ang mga dextrose na nakakabit sa kaniyang braso. "Let's go, dapat na tayong magmadali." Sabi pa nito saka tumayo. "Teka lang, kaya mo na ba?" Saway pa ni Felix sa kaniya. "Kaya ko." Sabi pa ni Alejandro na dahan-dahang tumayo. Bago pa man maihakbang ni Alejandro ang kaniyang paa ay maagap siyang inakay ni Felix. "Kapit ka...nandito lang ako, Alejandro." Baritonong saad ni Felix na tipid lang na ngumiti. "Salamat." Saad pa ni Alejandro na ngumiti rin sa lalaking hindi niya inaasahang maging kaibigan. "Tara." Rinig pa niya na agad naglakad at lumabas ng hospital. Walang kamuwang-muwang ang mga nurses at doktor na nandoon, since marami ang naisugod na mga kasamahan ng mga magsasaka kaya hindi kataka-taka na nakapuslit sila. "Nakasampa na kami ng kaso sa mga Nunez." Sabi pa ni Felix. "Leave it to me," sabi pa ni Alejandro na gustong pumunta sa presinto. Hindi nagtagal ay nakapunta na sila sa presinto para makausap ang head of chief police, masinsinang kinausap ni Alejandro ang kaniyang palagay. Sa puntong ito, mas napatunayan nila na malakas ang puruhan na makulong ang mga Nunez. The case was filed by the power of all workers, na pumirma sa kasunduan at sa binubuo nilang kilosan. Nakausap ni Alejandro ang head chief at doon kinomplay ang mga kinakailangang pruweba. Huminge rin siya ng search warrant para makapasok sa pamamahay ng mga Nunez at makuha si Cassandra . With all witnesses, malakas ang katibayan na pwersahang pinilit ng mga Nunez si Cassandra at kasunod n'on ay ang pagtatangka sa lolo nitong si Don Ejercito na noo'y nadisgrasya. "We will help you, Guerrero, malaki ang utang na loob namin sa'yo sa mga kasong naipanalo mo, alam namin na nasa tama ang pinaglalaban mo," sabi pa ng head chief na agad nirelease ang warrant. Nagpasama rin si Alejandro sa mga iilang pulis para sa back up rescue, alam niyang nasa panaganib si Cassandra kaya't mas maganda na manigurado siya. "We're all cleared out, Guerrero." Sabi pa ng head of chief saka pa tinapik siya sa braso. "Salamat," sabi pa ni Alejandro na agad pumunta sa hacienda Nunez kasama niya ang mga kapulisan. Wala nang sinayang na oras si Alejandro at doo'y mabilisang sinugod ang lokasyon ng pamamahay, dumaan sila sa likod-bahay at doon nakita ang mga kasambahay. Nagulat ang mga ito nang isa-isang palabasin sila. Nakisama si Alejandro sa pagpasok, at lakas-loob na sinugod ang iilang bodyguards na nandoon. Hindi madali ang pangyayari, lalo pa't umaatikabong bakbakan ang naganap. "Argh!" "Ah!" Iyon ang naririnig niya sa pagkakataong iyon nang makorner ng mga kapulisan ang mga nanlaban na guards, naagaw nila ang mga armas nito. At sa paghahalughog nila ay nagimbal si Alejandro. Nalibot na nila ang unang palapag ng tahanan, gayundin sa labasan, sumunod din siya sa mga kapulisan sa itaas at doo'y nahimasmasan si Alejandro na may kababalaghang nangyari. Tila natunogan sila nina Jerick na papunta na sila. "Sh*t sh*t sh*t!" Saad pa ni Alejandro na napasuntok sa kawalan. Galit na galit siya sa sarili! "Huminahon ka, attorney." Sabi pa ng isang pulis doon. "Paano nila nalaman!?" sabi pa ni Alejandro sa gigil na boses. "Baka may nagsabi o may nakapagsabi, imposibleng malaman nila ang plano natin," saad pa ng pulis na kasama ni Alejandro. "Impossible!" "Mas mabuting silipin natin ang kabuuan at baka may makita tayong ebedensya," sabi pa nito na hinalughog ang mga kwartong iyon. Naki-halughog si Alejandro sa kwartong nandoon at binalibag ang lahat ng mga kagamitan, halos masira na niya ang mga bedsheet na nandoon, at ang kamang halos ihagis na niya sa bintana. "Alejandro!" tawag pa ng isang police sa kaniya, may nakita silang bagay na nandoon. "Sa kaniya ba 'to?" ani ng police na itinaas ang isang iPod. Agad na kinuha ni Alejandro ang naturang bagay at sinisigurado niyang iyon ang gamit ni Cassandra kapag gusto nitong mag-headset. "It's hers." Sabi pa ni Alejandro. Agad pa niya itong sinuri at pinakinggan ang mga musikang nandoon. Nirerewind pa niya ang ibang music nandoon hanggang may marinig silang boses ni Cassandra. Tila nag-rerecord ito sa naturang bagay. "Sa makakarinig nito, please help me! I need your help, I am Cassandra Monteverde, I've been abducted! Please help me, tinanggay ako ni Jerick Nunez, I repeat, Jerick Nunez! Please send me help, narinig ko na ilalagay niya ako sa Cebu! Isla Catalina ang pangalan n'on, please!" at doo'y naputol na ito. Napakuyom ng kamao si Alejandro, hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman ngayon. It's very disappointing! Kung hindi lang sana siya nawalan ng malay at nahospital, 'di sana'y naligtas niya ng mas maaga si Cassandra. Napatiim-bagang siya. "I now declare war!" boses pa niya na halatang gigil sa pangyayari. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD