Chapter 37

1276 Words
Halos kalahating buwan nawala si Alejandro sa San Luisita, kaya nang makabalik siya'y agad na nagkumpulan ang kaniyang mga kaibigan. Tinawagan niya sina Juan at Luis na makipagkita sa kaniya doon sa kaniyang bahay. Sakto naman kasi na hindi mahahalata ang pagdating niya dahil besperas sa bayan ngayon. Kararating lang ni Alejandro sakay ng kaniyang bagong biling Jeep Wrangler Limited edition na sasakyan. Medyo maputik ang daan dahil sa nagdaang ulan, pero yakang-yaka lang sa sasakyan niya ito, medyo may kataasan ang taas nito na lumalaban sa habulan at sa cliff riding o kahit pa sa anong expedition. Tiim-bagang lang si Alejandro habang minamanipula ang manibela, hindi siya nagtagal sa Manila pero bakas niya ang mga pagbabago sa San Luisita. Maingat pa niyang tinitipa sa kaniyang telepono ang numero ni Cassandra. Memoryado niya iyon, at sa halos kalahating buwan niya sa Manila ay hindi niya ito natawagan, gawa ng ayaw muna niya itong gambalain lalo pa't stressed out din siya sa nagdaang pangyayari. Makailang-ulit na niya itong tinatawagan but the phone number cannot be reach. Nag-iba ba ito ng number? Kumunot ang noo niya sa pagkakataong iyon, may kutob siyang hindi maganda. Sa pagkakataong iyon ay narating na niya ang kanilang cabin house, doo'y nakita niya ang nakaparadang kotse nina Luis at Juan. Nasa may balkonahe ang mga ito, na halatang naghihintay na sa kaniya. Nang makababa sa kaniyang sasakyan ay agad niyang tinggal ang kaniyang shades at nilagay sa kaniyang buhok. "Long time no see, Alejandro!" Sabi pa ni Luis binungad siya ng tapik sa kaniyang balikat. Ganoon din si Juan na sinipat ang kaniyang bagong sasakyan. "Wrangler Jeep?" saad pa nito sa kaniya na ikinatango lang niya. Halatang nagtataka. "It's a limited edition, Guerrero, how did you..." "I buy it." Tipid na putol ni Alejandro kay Juan at noo'y ngumiti. Saka pa sila nagsangga ng dibdib sabay tapik sa kanilang balikat. "Parang may nagbago sa'yo ah," sabi pa ni Luis na nakisabay sa pagpasok sa pintuan. Sila lamang tatlo ang nandoon, dahil nasa bakasyon pa si Ada sa Palau. Nang makapasok sila sa sala ay naupo sila sa sofa. Seryosong nagkatinginan sina Juan at Luis sa bagong anyo ni Alejandro. Tahimik nitong nilapag ang isang papel na agad namang kinuha ni Luis. "Ano 'to, bro?" Sabi pa ni Luis na agad binasa. "It's the will of testament of Cassandra's parents. Nakasaad d'yan na sa pagtungtong ni Cassandra ng byente singko ay dapat na siyang magpakasal sa akin." Ani Alejandro na nagkibit-balikat pa. "So, what are you going to do? Bali-balita na sa bayan na ikakasal si Cassandra sa anak ni Don Nunez, ang alam ko'y sa susunod na buwan na ito." Sabi pa ni Juan na sumeryoso pa ang mukha at naiiling nagkibit-balikat. "It's a conflict," sabi pa ni Luis na nagpapalit-palit ng tingin kina Alejandro at Luis. "You must do something, Alejandro, ikaw ang makakapagdesisyon sa balak mo," sabi pa ni Juan na bumuntung-hininga lang. "Can I count on you?" Tanong pa ni Alejandro kina Luis. "And what should we do?" Ani Luis. "Kailangan kong kumalap ng mga katibayan na na-frame up lang sina ninong Ejercito, na pinilit lang ito para gawin ang ipagkasundo ang kaisa-isang apo sa mga Nunez, kilala ko si tatay Ejercito, hindi siya ganito. Alam kong may pasimuno ang lahat ng 'to," saad pa ni Alejandro na matamang nakatingin sa dalawa. "Ngayon ka lang namin nakitang nagkakaganiyan, pare." Ani Juan. "Inlab ka nga nga.." dugtong pa ni Luis na tipid na tumawa. "You'll gonna feel what I feel if you find already the woman you want to be with for the rest of your life, at alam kong si Cassandra na iyon, wala nang iba pa." Sabi pa ni Alejandro sa seryosong boses. "Pwede tayong magpatulong sa mga manggagawa na malapit sa mga Nunez, may kakilala ako." "Sino?" balik ni Alejandro kay Juan. "Si Feliciano Fajardo, anak 'yon ng mga trabahador ng pamilya Mercedes, at isa iyon sa mga pamilyang sumusulong na pabagsakin ang mga Nunez dahil sa pangingikil. Gaya sa sitio Tinago, iyon ang nangyari sa mga Nunez. Pwede mo siyang tanungin. Napaisip si Alejandro sa sinabi ni Juan. May nakaraang kaso ang mga Nunez noon, sa mga pangingikil sa mga magsasaka at trabahante, pwede niyang likumin silang lahat para magpatunay na hindi karapatdapat ang mga Nunez na lumahok sa eleksyon, gayong hindi sila lihetimo na taga San Luisita. Na mayroon silang mga lapses sa worker's reform sa bayan. At iyon ang ihahabla niya para usigin at buhayin ng korte suprema ang kaso nila. Napangiti si Alejandro sa naiisip. "Salamat sa inyo," sabi pa ni Alejandro sa mga kaibigan. "Of course, anytime, Alejandro." Ani Juan na tumayo at naglahad ng kamay. "Hindi na kami magtatagal, babalitaan ka lang namin sa makakalap namin." Saad pa nito kay Alejandro. Tumango-tango lang si Alejandro. Sinabayan pa niya ang mga ito papalabas sa balkonahe. Tanaw ni Alejandro ang mga ito na naglalakad papunta sa kani-kanilang sasakyan. Nang may maalala siyang sabihin. "Luis, Juan.." tawag pa ni Alejandro sa dalawa. Sabay na napalingon ang mga ito sa kaniya na nasa itaas ng balkonahe. "I already paid my credits, i-check n'yo na lang sa mga bank account ninyo, with interest." Ngiti pa ni Alejandro sa kaibigan. "Great!" tipid na sabi ni Juan. "At last," sabi naman ni Luis na pumalatak pa ng tawa. Sa kanilang tatlo kasi, si Alejandro ang pinakatipid, pinaka-kuripot, at ang pinakahigpit sa pera. Kaya naman gan'on ang reaksyon ng mga iyon sa kaniya. It's a miracle day kumbaga sa kanila. Mayamaya pa ay nakita niyang umalis na ang mga ito, papalayo na kasi ang mga sasakyan nila. Nang mapag-isa na siya'y may kinuha siya sa kaniyang bulsa. At iyon ay ang proposal ring niya para kay Cassandra. Ninamnam pa niya ang sinabi nito sa kaniya. "Just take it for now, Alejandro. Keep away my heart with you. Ingatan mo muna ang puso ko," saad pa ni Cassandra na ibinigay pabalik ang singsing noon sa kaniya. Napakuyom siya sa kaniyang palad at naramdaman ulit ang kirot sa kaniyang puso. "Cassandra.." anas niya na noo'y madaling bumaba. Sa pagkakataong iyon, iisa lang ang hinahanap ng puso at isipan niya, iyon ay si Cassandra. He must go to see her. Nang makapasok sa kaniyang sasakyan ay mabilisan niyang pinaandar iyon at tinungo ang mansion ng mga Monteverde. Desidido na siyang makipag-usap muli sa kaniyang ninong, desidido na siyang magpatawad sa sakit ng nakaraan. Mas nangingibabaw ang respeto niya sa matanda, mas nangingibabaw ang pagmamahal niya sa pamilyang Monteverde. Mayamaya pa ay nandoon na siya sa bukana ng hacienda. Halos napako ang tingin ng mga trabahador sa kaniya na noo'y pumarada at dahan-dahang bumaba. Nakita pa niya si Kulas na tumatakbo para salubungin siya. "Alejandro! Maligayang pagbabalik!" ani nito na hinawakan at niyakap pa siya. "Kamusta ka Kulas, kamusta ang hacienda?" ani niya pero lumungkot ang mukha nito. "Bakit? Anong nangyari?" Aniya. "Si Don Ejercito, nasa hospital, malala ang kondisyon niya, nadisgrasya siya noong Sabado, nawalan ng preno ang sinasakyan nila, pati ang kapatid ko'y sugatan, andon pa nga sila sa hospital hanggang ngayon. Sa narinig niya'y kinutuban ng masama si Alejandro. "Si Cassandra? Nasaan si Cassandra?" "Naku, Alejandro, buhat ng maipagkasundo si Cassandra sa mga Nunez ay hindi ko na nakita si señorita rito, nandoon na siya sa mansyon ng mga Nunez, ang balita ko nga ay ikakasal na sila sa susunod na buwan, sa eksaktong ika-tatlong araw. May siyam na araw mula ngayon." Sabi pa ni Kulas na ikina-tiim bagang ni Alejandro. "Sige, Kulas, salamat sa impormasyon, may pupuntahan lang ako," aniya saka pa siya umalis ulit. Kailangan niyang puntahan si Felix, kailangan niyang maunahan ang mga Nunez sa binabalak nito. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD