Chapter 19

1521 Words
It was one o'clock when Cassandra asked Alejandro to roam around in the barrio proper, gusto niyang mamili ng kung anong bagay doon. Gusto niyang mamili sa palengke and of course, she wants to familiarize the town. "Gusto kong mamasyal," sabi pa ni Cassandra habang noo'y naglalakad sa gilid ng daan. Gusto niyang maglakad-lakad kasama si Alejandro. "Okey, saan mo balak pumunta?" Alejandro said while handling her backpack. Nakasunod lang ito sa kaniya. "Hmm..siguro sa...may plaza, or sa may simbahan, but I guess maganda rin sa may bandang..doon," sabi pa ni Cassandra na nakaturo sa isang mall. Napataas ang dalawang kilay ni Alejandro na halatang nalilito sa gusto niya. Cassandra is acting like a brat again, 'yong nagmamando na lang ng kung anu-ano. Alejandro heavily released a sigh. Gusto niyang bumawi kaya he must be obedint to this lady for now. "Gusto kong mamili sa palengke," dinig pa niya rito. "What is exactly your plan, señorita?" "Hmm..wala naman..gusto ko lang maglibang." Ngiti pa nito na naunang maglakad. Bumuntung-hininga si Alejandro na sumunod lang kay Cassandra. Mabilis itong naglakad sa may street circle kaya nang maabutan siya ng red light ay naiwan siya sa kabilang kalye. "Damn it!" Alejandro uttered while searching his eyes to Cassandra, na naunang tumawid sa kabila, natabunan pa ang paningin niya ng mga sasakyang nandoon kaya nang mag-Go light na ay na nawala na ito sa paningin niya. "Sh*t!" aniya na hinabol ang dalaga but it seems his too late, hindi na niya ito naabutan. *** Cassandra was very out of her mind, masaya lang itong naglalakad habang nagsasalita. "You know what Alejandro, I should cook afritada, you might like it," she added on what her previous tackle by herself. Wala siyang kaalam-alam na nauna na pala siya sa paglalakad. "But I guess I should go to salon first, mahaba na ang buhok ko." Sabi pa niya na hindi nililingon ang likuran niya. "Ay tama, dadaan ako sa simbahan tapos mamamalengke na tayo—" naputol ang pagsasalita niya nang mapansing malayo na siya sa eskenitang iyon, at wala na si Alejandro sa likod niya. "Alejandro!?" tawag pa niya pero walang tao ang nandoon. "Oh my g!" She added, in her afraid voice. Natatakot siya, lalo pa't na kay Alejandro ang backpack niya, nandoon ang wallet niya, and the fact na wala siyang dalang ni singkong duling sa bulsa niya. Nilinga pa niya ang paningin sa bandang iyon but it is a dead end. Bumalik siya sa kalyeng napasukan niya at doo'y nakalusot siya sa may simbahan. "Oh god!" Madali siyang pumunta sa bukana ng simbahan, halatang aligaga. "Oh Ejercito Christ, help me. O lord!" she said while gesturing a sign of a cross. Agad siyang lumuhod at nagdasal. "Lord, sorry for being silly, sorry po kung naging maldita ako kay Alejandro, I assure I won't do that again. Lord, help me po, I'm scared...i don't know where to go.." saad pa niya na hindi alintana ang katabing matatanda. "Hija, nawawala ka ba? Taga saan ka pala?" sabi pa ng matandang may suot na puting tela sa kaniyang ulo. Nakaluhod din ito gaya niya. "Ahm, doon po sa may..papuntang..basta doon po." Sabi pa niya saka tinuro ang kalyeng nasa bandang malayo. She's not sure if saan ang eksaktong daan, she's so poor in direction, ang totoo'y madalas siyang naliligaw noon sa Las Vegas, and worst, she can't access the easiest way to call for help, right now. Nandoon kasi ang phone niya sa bag. Right! She had an idea! "Lola, may cellphone po ba kayo?" she asked the old woman. "Ano kamo? cellophane? Aanuhin mo ang supot, hija?" sabi pa nito na parang mahina ang pandinig. "Telepono po, lola." Sabi pa niya na mas lumapit sa taenga nito. "Tonto? Sinong tonto, hija? Pinaglololoko mo yata ako?" Napakamot si Cassandra sa sariling batok saka pa dumistansya sa matanda. Umiling siya saka nag-hand sign na aalis na siya. Marahan siyang tumayo at minabuting humingi sa mga nakakasalubong niya ngunit panay iwas lang ang mga ito na tila naninibago sa kaniya. "Excuse me po," bungad pa niya sa isang ale. "Naku, hija. Hindi ako interesado sa networking.." saad pa nito na dumistansya sa kaniya. Networking? Mukha ba akong magne-networking? Ani niya sa sarili na tiningnan ang suot niya. Mayamaya pa ay may nakasalubong siya. Isang mag-asawang matanda. "Sir..sir.. Excuse me po, pwede pong—" "Dyosko hija! Matakot ka nasa pamamahay ka ng panginoon! Pati dito'y pumi-pick up ka!" Sabat naman ng aleng matanda na kumorner kay Cassandra. Natigilan siya sa narinig. Kailan pa siya naging pick up girl? Napatingin ulit siya sa kaniyang suot. "Oh my g!" litanya niya saka pa dali-daling umalis sa may simbahan. Nagmamadali siyang naglakad at lumiko sa may eskinita malapit sa isang barber shop, nang makapasok sa kalyeng iyon ay tuloy-tuloy siya sa may fish market, hanggang nakalabas siya sa mga gulayan. "O my god, help me." Anas pa niya sa sarili na nilinga-linga ang paligid. May nakita pa siyang tatlong babae na grabe kung makatingin sa kaniya. Ang isa'y parang nasampal ng demonyo dahil sa blush on at ang isa nama'y kung makatitig sa suot niya'y hinuhubaran siya. Gayong ang nasa gitna naman ay tahimik lang na nginitian siya, baby face ang mukha nito at maganda. "Tara na nga Karla, baka hinahanap na tayo.." rinig pa ni Cassandra sa mga babaeng nakasalubong niya. "Hindi ba't iyon ang apo ni Governor Monteverde?" narinig pa niyang bulung-bulongan ng mga ito bago pa ito nakalayo. Nang malingon niya ang mga ito'y malayo-malayo na ang distansya sa kinatatayuan niya. So she let herself to decide what to do. Naglakad pa siya ng ilang distansya at doo'y may narinig siyang boses. "Uy suki, bili ka ng gulay, presko't sariwa, fresh from the farm! Mura lang, may per bundle, may per kilo, bili ka na suki!" Lumapit si Cassandra at nagbakasakaling makatulong ito sa kaniya. "Ay ayan na! Madam! Ano po'ng atin? Talong? Upo? Okra? Balatong? Kalabasa?" energetic na boses ng babaeng kaharap niya. Maganda ito at purely Filipina beuaty, matangos ang ilong at may magandang kutis, nagtataka mga si Cassandra kung bakit nasa palengke ito, gayong pang-model ang beauty ng babaeng ito. "Ah, eh..ano kasi.." nahihirapan siyang humingi ng tulong. Baka itaboy siya nito gaya ng nangyari kanina. "O, madam, anong atin?" ngiti pa ng babaeng iyon. "May..may cellphone ka ba? I need some help, nawawala kasi ako," she said while holding back not to be ashamed. Tumahimik ang babae saka pa siya sinipat. "Hindi ka naman siguro magnanakaw, ano?" Sabi pa nito na tila prangka kung magsalita. Umiling siya. "No, I am not." Saad pa niya saka tumingin ng diretso sa babae. "I'm Cassandra, nawawala ako, hindi ko kasi kabisado ang lugar na 'to," paliwanag pa niya. "Gan'on ba, o sya Cassandra, ako nga pala si Rebecca, pero madalas Becca ang tawag nila sa akin, oh heto, tawagan mo na ang sundo mo...malapit na 'yang maexpire." Sabi pa nito na inabot ang cellphone. Agad naman niyang de-nial ang numero ng phone niya saka nag-hintay. Mabuti na lang at may sumagot. "Where are you?!" boses iyon ni Alejandro, halatang galit. "Hello, I'm here in the market, sa may gulayan.." nilinga pa niya si Rebecca. "Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong pa ni Cassandra kay Rebecca. "Rebecca.." ani nito. "Nandito ako sa gulayan ni Rebecca.." sabi pa ni Cassandra. "Jezz! Antayin mo ako, I'm coming!" sabi pa ni Alejandro na agad binaba ang tawag. Nang matapos 'yon ay inabot ulit ni Cassandra ang phone kay Rebecca. Pinagkuha naman siya ng plastic na upuan ni Rebecca para maupo muna saglit. "Mabuti na lang at hindi ka napag-tripan ng mga kanto boys, mag-isa ka pa naman..." saad pa ni Rebecca na bumalik sa pwestong kinatatayuan niya. Ngiti lang ang binalik ni Cassandra, halatang nahihiya sa abalang nagawa niya. "Nga pala, ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong pa ni Rebecca. "Ahm..I am Cassandra..Cassandra Monteverde." Natigilan si Rebecca sa narinig at tila nagulat. "Oh my pechay, ikaw ba 'yong nag-iisang apo ni Governor Ejercito? Oh my god! Ninong ko ang lolo mo! Kinakapatid ko nga 'yong si—" "Alejandro!" tili pa ni Cassandra nang makita si Alejandro na paparating. "Alejandro.." nadugtungan ni Rebecca ang sinasabi. Tanaw nito ang mahigpit na paglambitin ni Cassandra kay Alejandro. Halatang nagulat. "Hi Becs! Nga pala...si señorita Cassandra," ani pa ni Alejandro na nakatingin kay Rebecca, hinayaan lang nito si Cassandra na nakapulupot sa kaniyang beywang. "Primero Guerrero! Hindi ko alam na nagpapayakap ka na pala ngayon, ah? Kay señorita Cassandra pa talaga ha?" tudyo pa ni Rebecca sa kanila. Nakangiti pa ito na tila kinikilig. "Ooy, sana all!" sabi pa nito sabay tampal sa braso ni Alejandro. "Nga pala, Alejandro...ako ang nakakita kay Cassandra kaya dapat bilhan mo ako ng mga gulay!" sabi pa ni Rebecca kay Alejandro. Walang magawa si Alejandro kundi ang bumuntung-hininga. "Okey..fine." Ani nito habang inaalis si Cassandra sa kaniyang beywang. Mariin niya itong tinitigan. "Enough being silly, señorita, I almost call 911 emergency for you!" sabi pa ni Alejandro na pinipigilang hindi magalit. "Ayeee, sana all na lang talaga ako!" tawa pa ni Rebecca na tinutudyo silang dalawa. ...itutuloy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD