Chapter2

986 Words
#Beginning SELENE's pov Argh biyernes na eto na ang pinakahihintay kong araw dahil walang pasok bukas,makakatulog nako ng mahimbing.. "Anak hali kana kakain na"sigaw ni nanay Agad akong bumaba para kumain at maka punta na sa paaralan.. "Nay alis napo ako"sambit ko saking ina Linakad ko lang ang aming paaralan dahil malapit lang ito sa aming bahay,malapit nako sa gate ng mapansin ko ang aking crush na si Raphael.Ang pogi talaga niya tapos SSG president din siya kaso may girlfriend na siya.. "Hi Selene"bati nito saakin "Hello"tipid kong sagot May ibinigay itong stamp na may nakasulat na "VOTE RAPHAEL PEREZ FOR SSG PRESIDENT" oo nga pala SSG election namin bukas nakalimutan ko, "Botohan mo ha,salamat"sambit nito sabay umalis Pumasok nako sa classroom namin duon ko naabutan sina Maeann,Aljenn at Samantha na nag uusap kasama ang iba pa naming mga kaibigan na sina Queen,Aira,Anzhen,at si Cielo..Ewan ko ba kung anong meron. "Pst selene"tawag saakin ni samantha "Oh bakit?"tanong ko "Sasali sina aljenn sa RPW ikaw?"tanong nito "Cge"tipid kong sagot Ayoko namang mapagiwanan ng mga tae kong kaibigan tsaka alam ko sinabayan lang din nila aljenn yung trip ni sam kaya makikisabay nadin ako mahirap na baka magtampo si sam. Recess na namin as usual pumunta kami ng canteen para bumili ng pagkain.. "Ano ba kasi yung RPW na yan sam?"tanong ni Maeann "Role Play World so ganto yan yung mga profile natin is mga kpop idols or anime figures hindi nila tayo makikilala,malaya tayo duon kahit anong gawin natin as long as walang nakakaalam ng totoo nating pagkatao malaya tayo"sambit ni sam Napatango naman sila aljenn at maeann,ewan ko ba sa mga toh.Nagpapaniwala naman kay sam RPW?tss nageexist ba yun? "Pero may mga rules duon kagaya na lamang ng pinaka mahalagang rule bawal ka mag send ng totoo mong picture,bawal mo din sabihin ang pangalan mo,bawal ang bastos duon.Ang pinaka mahalagang part bawal ka mainlove dun dahil masaskatan ka lang"seryosong sambit ni sam saamin Kitang kita sa mga mata nila aljenn at maeann ang mangha,tss. "So gagawa kami ng sss acc na bago yung hindi kami?"tanong ni maeann "Oo sabay sabay tayong papasok sa mundong yun at ang tawag na saatin ay isang R'pier hindi tayo poser or ano pa man"sambit ni sam Matapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom dahil may isa pa kaming subject na natitira.. "Mamaya ha sabay sabay tayong gagawa ng role play account duon sa bahay ni sam tutal magkalapit lang din kayo"sambit ni maeann Tumango lang ako bilang sagot,kung di ko lang talaga sila kaibigan iisipin kong nababaliw na sila. Uwian na kung kaya sabay sabay kaming pumunta sa bahay ni sam para gawin yung role play account na pinaguusapan nila,ewan ko ba hindi ako natutuwa sa iniisip nila. "Oh mag search kayo ng korean idol niyo"sambit ni sam Dahil sa may internet sila hindi na namin kailangan mag load para sa paggawa..Naabutan lang kami ng 5minuto sa paggawa ng Role play account,laking gulat ko ng madami agad nagaadd umabot na ito ng 500 friend request.Inaccept ko lahat ng nag add at nag add din ako ng iba pa. "Chat chat nalang mamaya tutal friend nanaman tayo sa RPW"sambit ni sam Umuwi na kami nila Aljenn at Maeann,pagdating ko ng bahay agad kong chinarge ang aking cellphone at tumulong kay nanay..Pagkatapos namin mag hapunan,nag open ako ng rpa yun daw yung itawag para di mahaba sabi ni sam.. Andaming nagcomment at nag like sa profile ko,naguguluhan ako sa mga nag cocoment ng LBDP.Kaya chinat ko si sam at sakto namang open siya. To:Zainne Fyshe [Gaga ano yung LBDP?] Tanong ko sakanya,maya maya ay nag reply ito.. From:Zaine Fyshe [Love back dp yun, ibig sabihin mag react ka din sa profile niya!] Reply nito saakin,yun lang pala yun akala ko yung partido nila Mar Roxas na "daang matuwid" hahaha. Maya-maya ay may nag chat saakin, Stev Montefalco?napaisip ako kaya clinick ko yung profile niya ah Rpa din kaya nireplayan ko ito.. Sa pag daan ng linggo parati akong exited na mag open ng RPA dahil sakanya,naging close kami dahil sa mga ugaling magkatulad kami.Hanggang sa linigawan niya ako nung una ayoko sana subalit alam kong may nararamdaman nako sakanya kung kaya pumayag ako. "Huy!"tawag saakin ni sam "Bakit?"tanong ko rito "Busy ka nanaman jan sa brp na yan"sambit nito "Gaga stev kasi yung pangalan"sambit ko dito Umupo sila nila maeann sa lamesa,andito kami ngayon sa canteen kasi recess na namin actually kanina pako rito dahil nauna akong makatapos sa activity ni ma'am ynarez... "Girl ipapaalala ko lang bilang kaibigan mo,bawal mainlove sa RPW"sambit nito "Alam ko iyon wag kayong magalala"sambit ko "Ikaw talaga sam ngayon na nga lang naging masaya si selene eh"sambit ni Maeann "Nagpapaalala lang ako,kaibigan natin yan eh"seryosong sambit ni sam Ng makauwi ako,agad akong pumasok sa kwarto ko..Tinignan ko ang cellphone ko kung may chat na ba si stev kaso wala padin.Ilang araw,linggo at buwan akong nag hintay sa reply niya hanggang sa napagod nako.Bat nga ba ako umasa eh RP lang yun walang totoo. "Sabi sayo eh masasaktan ka"sambit ni sam "Tahan na selene"pagpapatahan naman saakin ni aljenn "Ngayon alam mo na ang sinasabi ko selene,kaibigan kita at sa nakikita ko ngayon nasasaktan ako"seryosong sambit ni sam Pinahid ko ang aking luha,bat bako nasasaktan?Cguro nasanay nako kay stev pero tama na ayoko na masaktan,tama na yung luha..Inayos ko ang sarili ko at tumingin kena sam tsaka ngumiti. "Ano ba kayo RP lang yun"sambit ko "Girl andito lang kami"sambit ni maeann Huminga ako ng malalim at tumingin sa kanila.. "Kaya ko ito,ako pa ba?Salamat at andyan kayo para saakin,salamat"sambit ko sakanila Niyakap ko sila tatlo,ang sarap magkaroon ng kaibigan na kagaya nila. "Ngayon wag kana magpapauto sa mga lalaking role player duon"sambit ni sam "Kakalbuhin ko nalang sila"natatawa kong sagot Nagtawanan lang kami lahat,kahit na nasaktan ako duon sa RPW may lesson na ibingay iyon saakin,lalo si stev binigyan niya ako ng rason para tumapang at maging maingat sa mga taong nakikilala at makikilala ko sa mundong iyon. "Tara na uwian na eh"sambit ni Sam Sabay sabay kaming umuwi tatlo at nagkwentuhan pa sa daan.. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ This chapter is dedicated to Jasmine Cielo Sabado Queen Saus Aira Tiagan at kay Anzhen Sevillano,maraming salamat❤
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD