Chapter 07
Series 09: Lunova Santos
“Kuya!”
“Hey Princess! Bumibigat na ang prinsesa namin ah.”pahayag ni Lu matapos itong salubungin ng kaniyang bunsong kapatid na si Lily.
Agad niya itong kinarga at binigyan siya ng matamis na ngiti na lagi nitong binibigay sa kaniya. Mahal na mahal nila ang kanilang prinsesa, bagamat hindi nila ito totoong kadugo ay minahal parin nila ito, si Lily ay anak ng kaibigang pulis ng kaniyang ama na pinatay sa isang engkwentro. Pati ina nito ay pinatay ng pasukin ang bahay nila at tanging siya lang ang naiwang buhay na nasagip ng ama ni Lu, simula noon ay sila na ang nag-alaga dito at dahil gustong-gusto ni Lu nang kapatid ay napagdesisyunan ng kaniyang mga magulang na ampunin
“I’m big na kasi Kuya, you can put me down na po.”sambit ni Lily na ngiting ikinababa ni Lu sa kapatid ay pa squat na umupo upang makapantay niya ito.
“Yeah, you’re big girl na but still you are only our Princess.”malambing na sambit ni Lu sa kaniyang na ikinatayo niya na at hawak kamay silang magkapatid na pumasok sa loob ng bahay ng kaniyang mga magulang.
“Are you going to sleep here, Kuya?”tanong ng kaniyang kapatid na ngiting ikinalingon niya dito.
Simula ng bumukod siya sa kaniyang mga magulang ay minsan na siyang umuwi sa bahay ng mga ito kaya alam niyang nami-miss ng kapatid niya ang bonding nilang dalawa lalo na at lagi itong natutulog sa tabi niya.
“You want me to sleep here?”
“Opo, pero if busy ka sa work, I understand naman po kuya.”sambit na sagot ng kaniyang kapatid na ikinatuwa niya dito.
“Para makabawi si Kuya dahil hindi ako nakabalik kagabi dito sa bahay, dito ako tutulog. We can watch Disney movies together.”pahayag ni Lu na ikinatuwa ng kaniyang kapatid ng mapalingon siya sa kaniyang ina na pababa ng hagdanan na bahagya siyang inirapan.
“You’re not mad at me, right mom?”punang kumento ni Lu sa ina na ng makababa sa sala ay deretso itong umupo sa sofa at binuksan ang t.v na naiiling na ikinalingon niya sa kaniyang kapatid.
“Can you call daddy for me?”
“Okay kuya!”masiglang sagot nito bago patakbong umakyat sa hagdanan upang puntahan ang daddy nila na sa ganitong oras ay sa opisina nito nananatili.
Naglakad naman si Lu palapit sa ina at tinabihan ito pero hindi siya tinatapunan ng tingin, alam niyang magtatampo ito sa kaniya dahil hindi siya nakabalik kagabi para sa family dinner date nila dahil sa problema sa kaso nila.
Simula bukas ay mas magiging abala siya, may kaunting paghihinayang dahil iyon ang unang beses na hindi siya makakatulong sa gawain meron sa underground society, pero nagpapasalamat si Lu dahil may lider silang maunawin at inuunawa ang tawag ng trabaho niya. Kaya niyang iwan ang trabaho niya sa team niya kung simpleng raid o kaso ang hawak nila pero this time, hindi niya pwedeng iwan ito dahil malaki kaso ang hawak nila at nadagdagan pa ng isa ang misyon niya sa paghahanap ng dalaga na malakas ang kutob ni Lu na may koneksyon din ang pagkawala nito sa sindikato na hinahanap nila dahil sa pagkidnap ng mga ito sa mga bata.
“I’m sorry mom, hindi ko lang naiwan agad ang trabaho ko kagabi.”pahayag ni Lu sa kaniyang ina na hindi siya pinapansin.
“I’m going to sleep here, can you cook delicious food for you handsome son?”lambing ni Lu na ikinabuntong hininga ng kaniyang ina at lumingon sa kaniya bao siya hinampas nito sa braso niya.
“Alam mo ba na pinaghandaan ko maagi ang dinner date natin kagabi, sana man lang nagpakita ka muna sa akin bago ka umalis.”nagtatampong reklamo nito na ikinakbay ni Lu sa ina.
“I’m sorry mom, tawag ng trabaho.”sambit ni Lu na bahagyang ikina-irap ng kaniyang ina sa kaniya.
“Parehas kayong mag-ama! Laging inuuna ang trabaho kaysa pamilya, kawawa naman kami ni Lily.”sambit nito na bahagyang ikinangiti ni Lu dahil sa pagtatampo ng kaniyang ina.
“Nagrereklamo na naman ang reyna ko, kulang pa baa ng time na binibigay ko sayo, sabihin mo lang at hand akong i-give up ang posisyon ko para sayo.”
Sabay na napatingin si Lu at ang kaniyang ina sa amang pababa ng hagdan habang hawak-hawak ang kamay ni Lily na bumubungisngis.
“Nako Venedick, tigilan mo ko. Hindi ka pwedeng mag resign dahil mawawalan ng matinong pulis ang bansa.”pahayag ng kaniyang ina ng makalapit na sa kanila at agad tumakbo si Lily paupo sa tabi ni Lu habang ang ama niya ay umupo sa tabi ng ina niya.
“Alam ko naman na naiintindihan mo kami love pero kung gusto mo talaga akong makasama, hand ako nang bitaw---“
“Matigil ka sa pakilig mo Venedikto ah!Hindi naman maiiwasan sa isang ina at asawa ang magtampo pero hindi kayo pwedeng mawala sa serbisyo para sa bayan habang hindi tumitino ang kapulisan.”pahayag na putol nito sa kaniyang asawa na ikina fist bump ng ni Lu at ng kaniyang ama.
“Siya, magluluto na ako ng hapunan natin. Halika Lily, anak tulungan mo si mommy.”aya nito bago hinawakan ang kamay ni Lily at sabay ng naglakad papuntang kusina na ikinaayos ng upo ng ama ni Lu.
“You called Boss Taz to have me excused in underground’s works?”sambit ni Lu na ikinadikwatro ng kaniyang ama.
“Yeah, you need to focus in your case, Pedro. Besides, Westaria is a good man and leader, he understand me.”pahayag ng kaniyang ama na ikinalingon ni Lu sa T.V na binuksan ng kaniyang ama.
“You knew Underground is a place who do stuff that’s illegal in authorities, I’m one doing those stuff, as a Police Director General you should put me in jail, right?”random na tanong ni Lu sa kaniyang ama na seryosong lumingon sa kaniya.
“There’s a thing that we understand that most of you are not, need not to know, son.”pahayag ng kaniyang ama na tinapik ang balikat nya na ikinakunot ng noo niya.
“What do you mean?”kunot noong tanong ni Lu ikinatayo ng kaniyang ama at nagpamulsang naglakad papuntang kusina.
“Dad! I’m asking you? Don’t walk out after you sad those confusing statement.”reklamong tawag ni Lu sa kaniyang ama na binalingan soya ng tingin.
“You will know son, but not this time. Maybe if you’re now in my position, you will understand that good intentions hiding in evil ways.”pahayag ng ama ni Lu bago siya iwan na mas naguluhan sa sinabi ng kaniyang ama.
“What the f*ck!”mahinang sambit ni Lu matapos siyang iwan ng kaniyang ama.
Naguguluhan siya sa mga sinabi ng kaniyang ama na ramdam niyang may ibig sabihin, alam niyang may mga bagay na kahit ama niya ito ay merong limitido na dapat niyang malaman bilang pulis, pero may kinalaman sa US ang sinabi ng kaniyang ama na nag-iwan sa kaniya ng malaking question mark. Agad na tumayo si Lu sa kinauupuan niya dahil hindi siya mapakali ng hindi pa siya tuluyang nakakapunta ng kusina ng tumunog ang cellphone niya na ikinatigil niya at ikinakuha niya sa cellphone niya at sinagot ang tumatawag.
“What?!”
(Captain! Wrong timing po baa ng tawag ko?)
Napakunot ang noo ni Lu sa hindi masyadong pamilyar na boses na kausap niya na ikinatingin niya sa caller ID ng tumawag ng makita iyang unknown number pero nasgot niya ng di oras.
“Who the f*ck is this?”
(SPO4 Huang Captain, permission to speak!)
“Where did you get my number?”
(Ibinigay ni SPO2 Quinn Caotain, tawagan daw kita kaya isang karangalan sa akin na matawagan ang Ido---)
“Why? Tell me why he ordered you to call me?”putol na tanong ni Lu na bahagyang sumilip sa kusina at nakita niyang tumutulong na ang kaniyang ama sa pagluluto sa kaniyang ina katulong si Lily.
(Kasi Idol Captain, may nakuha na kaming kaunting impormasyon sa black van na kumukuha ng mga bata, may kasama sina SPO3 Gonzaga na witness.)
Napaalis ang tingin ni Lu sa kaniyang pamilya dahil sa binalita ng kausap niya sa kaniya, mabilis siyang naglakad palayo sa mga ito at bumalik sa may sala.
“Nasa presinto ba kayo? Wait for me I’m coming.”
(Wala kami sa presinto Idol Captain, nasa tagong site kami ngayon kasi hinabol kami ng itim na van at pinagbaba-baril, mukhang pakay nila ‘yung witness.)
“Tell to Quinn to send the exact location you are.”sambit na sagot ni Lu bago pinatay ang tawag ni Nathaniel at naglakad papuntang kusina at sinilip ang kaniyang mga magulang na napatingin sa kaniya.
“Mom, there’s something came u---“
“Duty, right? Its okay, go and catch all the bad guys.”ngiting pahayag ng kaniyang ina.
“Manang-mana talaga sa akin si Pedrao, love. Pagdating sa trabaho dedikado.”pagmamalaki ng kaniyang ama na sinimangutan ng kaniyang ina.
“Tigilan mo nga ang pagtawag kay Lunova ng nakaka cringe na pangalan na binigay mo. He’s a Police Lt. Gen. paano kung pagtawanan siya ng mga kasamahan at kaibigan niya dahil sa pangalan na ‘yan. Talagang nagsi-sisi ako na pinaasikaso ko sayo ang pangalan ng anak natin.”sermon ng ina ni Lu na ikinatakbo palapit ni Lily sa kaniya.
“Take Kuya, don’t worry I can sleep na naman in my room on my own.”ngiting pahayag ni Lily na ngiting ikinatap ni Lu sa ulunan ng kaniyang kapatid.
“Be careful son.”sambit nalang ng kaniyang ama na bagsak balikat ng nagga-gayat ng sibuyas na ikinahalik ni Lu sa noo ng kaniyang kapatid at agad nilapitan ang ina at hinalikan sa pisngi nito, tinapik ang ama bago mabilis na tumakbo palabas ng bahay nila.
Nang makalabas na siya ay agad siyang sumakay sa kotse niya, pagkalabas niya ng gate ay mabilis niyang pinaharurot ang kotse niya palabas ng compound nila kung saan madaming pulis at sundalo ang naka bantay.
Madilim na sa kalsada at dahil may seal ang kotse niya ay walang hirap na nakakadaan si Lu sa mga check point, abala siya sa pagmamaneho ng marecieve niya ang location kung nasaan ang team niya kaya binilisan niya ang pagmamaneho. Pumaliko siya ng daan ng mapansin niya sa side mirror ang isang motor na nakasunod sa kaniya. Madalang ang sasakyan na dumadaan sa kalsada na pinaglikuan niya at pansin niya na siya ang sinusundan nito na agad kinutuban si Lu. Nagderetso lang siya sa pagmamaneho kahit nilagpasan niya ang daan na dapat ay lilikuan niya. Patuloy lang siya sa pagmamaneho bago siya malakas na nagpreno patagilid upang harangan ang motor na sumusunod sa kaniya na hindi nito inasahan kaya napataob ito at ang motor na dala nito. Agad na lumabas si Lu at hinugot ang dala niyang baril sa kaniyang likuran at tinutukan ang lalaking naka motor na agad nag taas ng kamay sa kaniya.
“Who the f*ck are you? Why are you following me?!”sigaw na tanong ni Lu na mabili nilapitan ang lalaki kinuwelyuhan ito habang tinututok niya ang baril niya sa may ulunan nito.
“T-teka boss, h-huwag niyo kong barilin, na-napag-utusan lang naman akong sundan kayo eh.”natatakot na paliwanag nito na ikinaalis ni Lu sa helmet na suot nito at makita ang isang lalaki na may takot sa mukha nito.
“Sino ang nag-utos sa sayo na sundan ako?”seryosong tanong ni Lu na kita niya na pinagpapa-iwasan ang lalaking sumusunod sa kaniya.
“H-hindi ko kilala sir, maniwala kayo. Nilapitan lang ako nung lalaki na nakamaskara tapos sabi niya sundan ko ang kotse na dadaan na may seal ang na nakalagay. T-tapos p-pag nahuli niyo daw ako ibigay ko ‘to sa inyo.”pahayag na sambit nito na mabilis na may kinuhang envelop sa itim na jacket na suot nito at nanginginig na inabot kay Lu na nagdadalawang isip na kunin niya.
“Maniwala kayo sir, binayaran lang ako ng malaking halaga kaya sumunod ako, Kailangan kasi ng asawa ko dahil malapit na siyang manganak.”paliwanag nito na nakikita ni Lu na nagsasabi ito ng totoo kaya binitawan niya ito at kinuha ang envelop na binibigay nito.
“You didn’t know the person who give this envelop to you?”seryosong tanong ni Lu na naguguluhang ikinatitig ng lalaki sa kaniya.
“A-ano po ‘yun?”
“Hindi mo ba nakita ang mukha ng nagbigay nito sayo?”pag-ulit ni Lu na tanong sa lalaki na agad nitong ikinailing.
“Hindi po talaga sir, nakamaskara po kasi.”pahayag nito na ikinatago ni Lu sa kaniyang baril.
“Umalis ka na.”utos niya dito na agad nitong ikinatayo sa motor niya at sumakay dito bago nagpaharurot ng pag-alis.
Agad namang bumalik si Lu sa loob ng kotse niya at pagkasakay niya ay agad niyang tiningnan ang laman ng envelop na binigay ng lalaking sinusundan siya.
Agad na nagsalubong ang kilay ni Lu nang puro litrato ng isang babaeng nakatali ang parehas na kamay na parang nakabitin at dress na puti ang suot. Gulo-gulo ang buhok ang pamilyar kay Lu ang mukha ng babaeng nasa litrato.
“What the f*ck is this?”naguguluhang tanong ni Lu ng may malaglag na isang maliit na recording sa envelop na masuri niyang tiningnan bago pinindot ang pulang botton dito.
¿Quieres encontrar a esta mujer? Tal vez estés en condiciones de salvarla porque eres policía, ¿verdad? Sé dónde está, pero encuéntrala por tu cuenta. Espero su éxito, teniente general Santos.
Adiós!
Mas lalong napakunot ang noo ni Lu sa nilalaman ng recording audio kung saan alam niyang ginamitan iyon ng voice changing para hindi makilala ang boses nito. Wala pa siyang naintidihan sa laman ng mensahe dahil ibang lenggwahe ang ginamit nito. Muling itinutok ni Lu ang tingin niya sa pamilyar na babae sa litratong binigay sa kaniya ng pumasok sa isipan niya ang dalagang nawawala na ibinigay sa kaniya ng kaniyang ama upang mahanap ito.
“Is this Lorraine Liel Mcgalla?”sambit na tanong ni Lu sa sarili na nagpapasakit na sa ulo niya dahil sa misyon niya sa paghahanap sa dalaga.
Pinasakit bigla ng mga nakuha niyang litrato at recording audio ang ulo niya dahil madaming tanong ang pumasok sa utak niya. Sino ang nag-utos sa lalaking naka motor na sundan siya? Paano nito nalaman na dadaan siya kung saan naroon ang lalaking inutusan nito. Paano ito nagkaroon ng picture ng dalagang nasa misyon niya at anong nilalaman ng mensahe na binigay nito. Mahinang napamura si Lu dahil ito ang unang pagkakataon na pinasakit ang ulo niya ng kaniyang misyon. Alam niyang tama ang hinala niya na pwedeng iisa ang nasa likod ng pagkuha sa mga bata at pagkawala ng dalagang nasa misyon niya pero kailangan niya pa ng confirmation. Dahil kung iisa lang nasa likuran nito alam niyang mabilis niya na itong mapagpa-planuhan, pero hanggang wala pang konkretong impormasyon ay patuloy na sasakit ang ulo niya. Sinabayan pa ng pag-iisip sa sinabi ng kaniyang ama at kay YoRi na may alam sa sindikita na hinahanap niya.
Muling pinaandar ni Lu ang kotse niya at inilagay muna sa katabi niyang upuan ang envelop na may litrato at recording audio, kailangan niya ng mapuntahan ang kinalalagyan ng mga team niya dahil maaring nasa witness na hawak nila ang sagot sa nagpapasakit sa ulo niya.
Mabilis na pinaharurot ni Lu ang kotse niya at binalikan ang palikong daan kung saan niya makikita ang mga kasamahan niya, naging maingat din siya at mapagmatyag sa paligid niya dahil baka may sumusunod ulit sa kaniya. Nang makarating siya sa isang site na sobrang dilim at isang hindi natapos na building ang nakatayo ay agad pinatay ni Lu ang ilaw ng kotse niya at lumabas doon. Nilibot niya muna ng tingin ang paligid niya at ng masiguro na wala siyang nakikitan kahina-hinala ay agad niya ng tinungo ang abandonadong building at deretsong pumasok doon. Nakita niya ang kauting liwanag na nanggagaling sa loob ng building na agad niyang nilapitan at makita niya ang team niya na may kaniya-kaniyang pwesto na agad napatayo ng makita siya at sumaludo sa kaniya.
“Captain!”
“Idol Captain!”
Tinanguan ni Lu ang mga team niya bago napalingon sa lalaking nakatingin sa kaniya nang lumapit si Yvo sa kaniya.
“Siya ang witness na lumapit sa amin na nakakita sa pagkuha ng mga bata ng itim na van.”pagbibigay alam ni Yvo na ikinatitig ni Lu sa lalaki at bahagyang lumapit dito.
“May humabol sa inyo?”tanong ni Lu na ikinatango ni Yvo.
“Nang lumapit sya sa amin dahil narinig niya ang pagtatanong namin sa lugar kung saan huling nakita ang itim na van ay isasama na sana namin siya sa department pero biglang may humabol sa amin at pinaulanan kami ng bala. Nakalayo naman kami at naligaw namin sila kaya dito na namin dinala ang witness.”paliwanag ni Yvo na siya namang ikinalapit ni Lukas sa kanila.
“Sa tingin ko Captain, nagmamasid din ang mga kalaban natin para walang makapag sumbong.”
“Ang nakakapagtaka Captain, marami sa lugar na ‘yun ang naging witness pero ayaw magsalita pero siya lang ang may lakas na loob na lumapit.”pahayag naman ni Monday na ikinaupo ni Lu sa harapan ng witness na nakatingin sa kaniya.
“Anong pangalan mo?”
“Rogelio Ylagan, sir.”sagot nito
“Bakit mo naisipan na maging witness? Hindi ka ba natatakot tulad ng nangyari kanina? Maaring hinahabol ka ng mga taong ‘yun dahil lumapit ka sa mga pulis.”seryosong pahayag ni Lu.
“Alam ko sir, pero hindi naman ako tatahimik lalo na at isa ang anak ko sa mga nakuha nila.”pahayag na sumbong nito na ikinapagtinginan ng mga team ni Lu sa isa’t-isa.
“Naglalaro lang naman ang anak ko habang nag-aayos ako ng paninda ng hintuan siya ng itim na van at kunin, sinubukan kong habulin pero hindi ko na nagawa.”hinanakit na sambit nito na umiyak na sa harapan nina Lu habang nagkukwento.
“Nakita mo ba ang mga kumuha sa anak mo?”tanong ni Lu dito.
“N-natakip ang mga mukha nila pero may tattoo ang mga braso nila, malaking itim na dragon.”sambit nito na ikinatango ni Lu.
“Anong balita sa itim na van na ginagamit nila?”tanong ni Lu habang nakatingin sa umiiyak na lalaki.
“Nakita sa isang tubigan ang itim na van, walang plaka at may dalawang katawan ng bata ang nakita na wala ng buhay. Nasa Investigation team na ang van upang maghanap ng pwedeng lead natin at alamin kung sino ang dalawang batang pinatay nila.”paliwanag ni Joseph na hindi napigilang ikakuyom ng kamao ni Lunova.
“Damn it! How they can f*cking sleep and eat while killing innocent kids!”galit na pahayag ni Lu na ikinahawak ng lalaki sa kamay niya na nakapatong sa lamesa.
“Parang awa niyo na sir, iligtas niyo ang anak ko at ibalik sa akin. Siya nalang ang alaala ng asawa kong namayapa.”iyak na pagmamakaawa nito na ikinatitig ni Lu sa lalaki na ikinatango nito dito at ikinatayo niya sa pagkaka-upo niya.
“Hide him in safe area, maaring hanapin pa din siya ng mga humabol sa inyo.”utos na bilin ni Lu na ikinatango ng team niya.
“Quinn…”tawag ni Lu na ikinalakad niya palayo sa pwesto ng lalaki na ikinasunod ni Yvo dito habang binalik niya ang tingin sa lalaking kinakausap ni Monday.
“Bakit Captain?”
“I have this f*cking bad feeling in that man, watch him carefully. We should not trust anyone who come to us so easily and proclaimed as witness.”seryosong bilin ni Lu na ikinalingon ni Yvo sa witness na hawak nila.
“Kung iba nag kutob mo sa kaniya Captain, then may mali sa paglapit niya sa atin. Pero itatago parin natin siya sa safe area?”tanong ni Yvo na ikinatango ni Lu.
“Yes, secured that man.”sambit na sagot niya na ikinatango ni Yvo ng tumunog muli ang cellphone niya na agad niyang ikinasagot.
“Hello?”
(Captain! Sinusugod ng mga armadong mga lalaki ang departamento natin! Kalahati na sa mga kasamahan ko ang napapatay nila, mukhang pakay nila si Mang Jose!)
“Damn it! Don’t let them get that f*cking peron!”sigaw ni Lu na rinig na rinig niya sa kabilang linya ang putukan ng baril na agad niyang ikinababa at ikinalingon sa team niya.
“Endozo and Huang, stay here and protect the witness, bring him to safe area. Baquiran, Gonzaga, we need to go in our department, tangna inaambush ang departamento natin.”singhal n autos ni Lu na patakbong lumabas ng building na agad ikinasunod ng tatlo at naiwan sina Monday at ang witness nila na nagulat sa ambush na nangyayari.
Hindi mapigilan ang mga mura sa bibig ni Lunova habang tinatahak nila ang mabilis ang daan papunta sa departamento nila, mabilis ang takbo na ginagawa ni Lu ng ilang oras ang tinahak nila at malapit na sila sa departamento ng may makasalubong silang tatlong van na puti na lumagpas sa kanila na habol tingin lang ni Lu sa rear mirror niya pero hindi niya pinansin at deretsong tinungo ang department niya. Nang makarating sila ay tumambad sa harapan ng department nila ang mga katawan ng mga kapulisan at mga napatay na kalaban. Agad pumasok si Lu sa loob at ganun din ang nakita niya, sinilip niya ang mga selda at nakita niya ang mga nakakulong na na kayuko at natatakot sa pwesto nila. Nang puntahan niya ang selda na kinalalagyan ni Mang Jose, ay bukas na ito at wala na iyon sa loob.
“Damn it!”sigaw na mura ni Lunova at sinipa ang selda na nakabukas.
“C-Captain…”
Agad na napalingon si Lu sa tumawag sa kaniya at nakita niya ang isang tauhan niya nasugatan na mabilis niyang ikinalapit.
“Are you okay?! Quinn, tumawag ka ng ambulansya!”agad na sigaw ni Lu na agad namang ginawa ni Yvo.
“M-madami sila Captain, hindi namin sila napigilan kaya nakuha nila ang suspek sa drugh dealing.”sambit ng sugatang pulis.
“Gathered your strength, tumawag na kami ng ambulansya.”sambit niya dito.
“Captain, may iba pa tayong kasamahan na buhay pa pero malala ang tama.”sigaw na pagbibigay alam ni Joseph na ikinatayo ni Lunova at nagagalit na napamura.
“Damn it! Damn it! F*ck!”mura ni Lu ng may pumasok sa utak niya sa pwedeng isa sa may pakay kay Mang Jose.
“They’ll going to f*cking pay!”