Chapter 35 Series 09: Lunova Santos “What the fvck!” Hindi makapaniwala si Lu sa kanilang naabutan sa dating kainan ng team nila pag nagkayayaan silang kumain after ng trabaho nila. Malaki na kasi ang biglaang pagbabago ng lugar sa ilang buwan nilang hindi nakakadalaw doon, dahil narin sa pagiging abala sa trabaho at abala niya sa Underground sa mga nakalipas na araw. Kitang-kita ni Lu ang mga nabago sa lugar, kahit ang mismong ayos nito ay nabago na din pero hindi tulad ng dati ay maayos-ayos itong tingnan ngayon at higit sa lahat marami ng mga tao ang naron hindi lang para kumain, kundi para narin mag-inuman. May maliit pang stage sa may unahan at may bandang tumutugtog at nagkakantahan. “Is this still Aling Tess's diner?” tanong ni Lu sa mga kasama niya habang nakatingin sila sa kai