Chapter 32 Series 09: Lunova Santos Hindi mapalagay si Lorraine sa dalawang lalaking nakita niya sa may bintana nang sumilip siya dahil sa pag-doorbell ng mga ito at makitang umakyat ang mga ito sa gate ni Lu, deretsong pumunta ang dalawang lalaki sa pintuan at sinimulan na siyang katukin dahil nakita siya ng mga itong nakasilip sa bintana na agad niyang ikinatago at ikinasandal sa pader malapit sa pintuan. Hindi alam ni Lorraine kung sino ang mga ito, biglang siyang nakaramdam ng takot sa dalawang lalaki na kumakatok sa pintuan dahil hindi naman niya ito mga kilala, pumasok sa isip ni Lorraine na baka miyembro ito ng sindikatong nagkulong sa kaniya at nahanap na siya. Abot-abot na takot ang nararamdaman ni Lorraine ng magulat siya ng ang mga katok ng mga ito ay nakita niyang pilit na b