Kabanata IV

3960 Words
Chapter 04 Series 09: Lunova Santos     Nagkakagulo at nagtatakbuhan ang mga tao sa Sitio Bato kung saan nagaganap ang raid ng team ni Lunova, marami na silang nahuhuli na nahulian sa kanilang mga bahay ng mga mga shabu na tinatanggi pa ng mga ito kahit huli na sa akto. May mga nagagalit dahil hinuhuli daw nila ang mga asawa ng mga ito at basta-batsa nalang silang sumusugod na binabalewala ni Lunova. Marami pang nakatakbo na gumagamit at nagbebenta ng droga na hinahabol pa ng team niya habang nasa gitna siya ng lugar ng sitio bato kung saan mga nakaluhod ang mga nahuli na nila na bantay-bantay ng mga tauhang pulis ni Lunova Umiikot ang tingin ni Lunova sa buong paligid nang mapadako ang mga mata niya sa isang bahay na agarang nag-sara ang bintana nito na ikinakunot ng noo ni Lunova.   “SPO1 Endozo.”tawag ni Lu kay Monday na ikinalingon nito sa kaniya ata agad lumapit sa kaniya.   “Yes, Captain?”   “Take charge here, bantayan mo ng mabuti ang mga suspek. Kung may magtangkang tumakas barilin niyo ang binti ng hindi makatakbo.”pahayag ni Lunova na sinadya niyang lakasan ang huli niyang sinabi upang marinig ng mga nahuli nila at hindi magtangkang tumakas.   “Yes Captain, pero aalis ka ba?”tanong ni Monday na ikinaayos ni Lu sa mga pagkakasuksok ng mga baril niya.   “May iche-check  lang ako.”sagot ni Lu na ikinatango ni Monday bago binalikan ang mga binabantayan nila na ikinasimula ni Lu sa paglalakad niya papunta sa bahay na tinututukan ng mga mata niya ngayon na ikinatigil niya s apaglalakad niya ng may humarang na isang may katandaang babae sa harapan niya.   “S-san ka pupunta sir?”sambit na tanong nito na ikinalingon ni Lu sa bahay na pupuntahan niya bago niya binalik ang tingin sa ginang na nakaharang sa harapan niya.   “Bahay mo  ba ‘yun misis?”tanong ni Lu na bahagyang ikinalingon ng ginang sa harapan niya bago bumalik ang tingin sa kaniya.   “O-oo, bahay ko ‘yun. Hindi kayo basta-basta pwedeng pumasok sa bahay ko, trespassing ‘yun diba?”pahayag nito sa kaniya na seryosong ikinatitig ni Lu dito na agad ikinaiwas ng tingin nito sa kaniya na halata ni Lu na may tinatago ito.   “Gusto niyo bang ipakita at ipabasa ko pa sa inyo ang search warrant na dala Misis? Kung may tinatago kang criminal sa loob ng bahay mo alam mo bang pwede kang makasuhan?”seryosong pahayag ni Lunova na kita niyang ikinakaba ng ginang na nasa harapan niya.   “Pwede kang kasuhan ng Obstruction of justice, mabigat ang penalty niyan Misis. Pwede kang makulong ng 4-6 years sa kulungan kung may tinatago kang kriminal na kasama sa mga gumagamit ng droga.”pahayag pa ni Lunova na ikinailing ng ginang sa harapan niya.   “H-hindi kriminal ang anak ko, nauudyuka---“ hindi natuloy ng ginang ang sasabihan niya ng sabay na maagaw ang atensyon nila sa isang binatilyo na mabilis na tumakbo palabas ng bahay na ikinaiyak ng ginang sa harapan ni Lunova na agad na tumakbo para habulin ito.   Nakasunod si Lunova sa binatilyong tumatakbo palayo sa kaniya, at dahil madaming pasikot-sikot sa lugar na kinalalagyan nila ay nahihirapan si Lu na mahabol ito dahil mas kabisado nito ang lugar nila kaysa sa kaniya kaya hindi niya naiwasan na mawala sa paningin niya ang binatilyo. Bahagyang napamura si Lunova ng umikot siya sa ibang daan, kahit makipot ay dinaan niya at ng makalabas siya ay saktong gulat na napaupo sa lupa ang binatilyo na hinahabol niya na akmang tatayo at muling tatakbo ng matigilan ito ng magkasa siya ng hawak niya ng baril na agad nitong ikinataas ng dalawang kamay.   “P-parang awa niyo na po sir, inuutusan lang po akong magbenta ng mga droga pero hindi po ako gumagamit maniwala po kayo. Wala lang po akong pagpipilian kasi kailangan namin ng pera ni inay.”natatakot na paliwanag ng binatilyo na ikinalakad ni Lunova palapit dito at kinatayo niya paharap dito bago tinago ang baril niya.   “Ilang taon ka na?”seryosong tanong ni Lunova nab akas niya ang takot sa mukha nito.   “Disisyete po.”takot na sagot nito na ikinabuntong hininga ni Lunova.   “Alam mo bang sinisira mo ang kinabukasan mo dahil sa ganiyang gawain? Siguro naman alam mong malaking kasalanan ang pagbebenta ng droga.”sitang pangangaral ni Lu sa binata na napapaiyak na.   “A-alam ko po, pero nagbebenta lang naman po ako at hindi gumagamit. Isa pa, tinatakot kami ni Mang Jose na kung hindi kami magbebenta ay may mangyayari sa amin ni inay.”naluluhang sumbong nito na ikinatitig ni Lu dito.   “Hindi ka talaga gumagamit ng kahit anong droga?”tanong niya na agad ikinailing ng binata.   “Hindi po talaga sir, maniwala po kayo.”sagot nito na ikinatango ni Lu dito.   “Then, ituro mo sa akin kung sino ang Mang Jose na ‘yan. And because your minor hindi ka pwedeng ikulong pero ide-detain ka sa rehab center.”pahayag ni Lu na ikina-akbay niya sa binata at sabay na silang maglakad pabalik kung nasaan ang iba.   Nang makabalik na sila ay nagkasalubong ang kilay ni Lu dahil sa isang grupo ng mga pulis na alam niyang hindi niya kasamahan nasa tingin niya ay ibang departamento. Kausap nito ang team niya na nakabalik na at mukhang nahuli na ang lahat ng mga nakatakas na nagbebenta at gumagamit ng droga. Nang makalapit siya kasama ang binatilyo na nahuli niya na akmang lalapitan ng ina pero pinigilan ng isang tauhan ni Lu ay napalingon sa kaniya ang mga bagong dating na pulis at ang team niya.   May ngiting humarap sa kaniya ang isang pulis na sa tingin ni Lu ay ang namumuno sa mga kasama nitong mga pulis. Sumaludo ito sa kaniya na ikinasaludo niya rin dito nang huminto na siya sa harapan ng mga ito.   “Captain, gusto nilang i-take over ang raid natin dito at ang mga nahuli natin.”pahayag ni Monday sa kaniya ng lumapit ito dito.   “Good day sayo kabar---“   “Who are you?”putol na tanong ni Lu dito na  bahagya nitong ikinatawa sa ginawa niyang pagputol sa sasabihin nito.   “Police Colonel Andrew Jacinto, nalaman namin na may raid dito kaya pinuntahan namin. At dahil malapit ang sitio na ‘to sa distrikto ko, ako ng bahala sa kanila, I will assura you na makukulong sila sa kulungan.”pahayag nito na halata sa boses nito ang pagmamayabang sa pagpapakilala nito na ngising ikinangisi ng mga team ni Lu.   “Police Colonel Jacinto, thank you for dropping here but this case is mine to keep. I can take care of these people who really need to pay for their wrong doings and against the law.”seryosong sagot ni Lu na ikinawala ng malaking ngiti ng kausap niya.   “I’m a Police Colonel, your just a Police Captain right? Mas mataas ang ranggo ko sayo kaya sumunod ka nalang.”pahayag nito na nilingon ang mga kasama niyang tauhan.   “Damputin na ang mga nahuli at dalhin sa presinto natin.”utos nito na akmang mangingielam na ang mga tauhan nito ng agad tutukan ng baril ang mga ito ng team ni Lu na gulat na ikinalingon nito sa kaniya.   “Anong ibig sabihin nito? Are you defying me Police Captain?! Gusto mo bang mawalan ng tsapa?”galit na pahayag nito na bahagyang ikinangisi ni Lu dito.   Nanunuod lang ang mga tao sa buong paligid ng sitio sa nangyayari sa lugar nila.   “You said na malapit lang ang distrikto mo sa lugar na ‘to, so bakit ngayon ka lang kumikilos na pumunta dito? Is it because you heard about the raid that’s happening here? Why? Are you one of the police that uses his rank to protect this place who’s doing illegal buying and using of drugs?”pahayag ni Lu na ikinatalim ng tingin ng Police Colonel sa harapan niya.   “Are you accusing me Police Captain?”galit na pahayag nito na balewang ikinalaban ng tingin ni Lu sa kaharap niya.   “Why? Did I hit the bullseye, Police Colonel Jacinto?”sambit na tanong nito ikinangisi nito sa kaniya.   “Matapang ka Police Captain, makakarating sa nakakataas sayo ang pambabastos mo sa sa katulad kong Poli---“   “Go on, you can come into my office anytime for your rant about me being rude to you Police Colonel Jacinto, pero hindi mo pwedeng kunin ang mga nahuli ng team ko. Oh? Just come to my department information desk and tell them to bring you to my office if you will have your visits, I’m Police Lt. General Santos by the way.”pahayag ni Lu na kita niya ang pagkagulat at bahagyang pamumutla ng kaharap niya sa nalaman nito na mas ikinangisi ni Lu sa nakikita niyang itsura nito.   “Yabangan ba ng ranggo ang gusto mo Police Colonel?”sambit nito na agad ikinasaludo nito sa harapan niya.   “Sorry for my rude action Lt. Gen. Santos. I d-didn’t know that you ar—“   “You didn’t know because I’m not wearing the uniform that you wear wearing right now, right? But wearing or not, you should respect your co-police, Police Colonel Jacinto.”seryosong ng pahayag ni Lu na hindi na nito ikina-imik na ikinangisi ng team ni Lu dahil sa tapang ng kanilang Captain.   “Ang galing mo Captain.”ngiting thumbs up ni Lukas na ikinahampas ni Monday sa kamay niya na ikinahimas niya lang sa brasong hinampas nito na strikto siyang sinamaan ng tingin.   “Anong pangalan mo?”baling na tanong ni Lu sa binatilyo     “L-luis po.”sagot nito na tangong ikinalingon ni Lu sa mga nahuli ng team niya habang hindi parin umaalis ang Police Colonel at ang mga tauhan nito na hinayaan lang ni Lu.     “Luis, ituro mo sa akin ngayon kung sino ang Mang Jose na sinasabi mong nag-utos lang sayo na magbenta at tinatakot kung hindi mo siya susundin.”pahayag na tanong ni Lu na  ikinalingon niya muli sa binatilyo na bakas sa mukha nito ang pagdadalawang isip kung magsasalita ito sa tinanong niya na ikinabuntong hininga niya.   “Pinapangako sayo na walang mangyayari sayo kung ituturo mo sa akin ang Mang Jose na ‘yan, Luisito. Trust me, just tell me who that person is.”seryosong tanong ni Lunova na dahan-dahan na ikinalingon ng binatilyo sa mga nahuli at dahan-dahang itinaas ang kanang kamay na nanginginig pa at tinuro ang isang lalaking naka tshirt na puti at malapit ng maubusan ng buhok na ikinagulat nito.   “S-siya po si M-mang Jose. Sir protektahan niyo po kami ni inay, baka balakin nila kaming patayin.”takot na pahayag ng binatilyo na akmang tatanungin niya pa ng marinig niya ang pagrereklamo ng lalaking itinuro ng binatilyo.   “Nagsisinungaling ang batang ‘yan sir, hindi ko naman pinipilit ang mga ‘yan. Tsaka sir, pwede naman nating pag-usa---“   “Sino ang may hawak sayo?”putol na tanong ni Lu na agad ikinatikom ng bibig nito na hindi nakawala kay Lu ang bahagyang pagsilip nito sa Police Colonel na nakatayo malapit sa tabi niya.   “W-wala s-sir, wala talaga.”sambit na sagot sa kaniya ng lalaki na ikinatango ni Lunova.   “SPO2 Quinn, dalhin na ang mga ‘yan sa presinto. Ihiwalay niyo ng kulungan ang lalaking ‘yan.”utos ni Lu na agad ikinasunod ng team niya at isa-isa ng inakay ang mga nahuli nila.   Hindi na nakapagreklamo ang mga pamilya ng nahuli at sinusundan nalang nila ang kanilang mga asawao kapatid na kasama sa mga nagbebenta at gumagamit ng droga. Muli namang humarap kay Lu ang Police Colonel na kausap niya kanina na seryoso niya lang na ikinatingin dito.   “Lt. General Santos, sir. Baka naman po pwede niyo ng ibalato sa akin ang ulo ng bentahan sa droga dito. Matagal ko na talagang tinitiktikan ‘yan kumukuha lang po talaga ako ng tyem---“   “Finders keeper, Police Colonel. Mabagal ka kasi kaya ako na ang huhuli, and why asking him to give you? Natatakot ka bang may aminin ang lalaking ‘yun?”pahayag na tanong ni Lu na ngiting ikinailing nito.   “Wala sir, sige. Mauna na po kami.”paalam nito na agad siyang tinalikuran ang sinenyasan ang mga tauhan niya na sumunod sa kaniya.   “Tss.”mahinang sambit ni Lu na ikinalingon nito sa binatilyong akbay-akbay niya na ikinaharap niya dito.   “Hindi ka dapat matakot Luis, kung may nalalaman ka pa huwag kang mag-alinlangan na sabihin sa akin. Ililipat ko kayo ng tirahan ng inay mo, hindi nila malalaman kung saan ka na titira. Just don’t afraid to tell me everything.”pahayag ni Lu na ikinatango ng binatilyo sa kaniya.   “Salamat po, sir.”sambit nito na ikinasenyas ni Lu kay Monday na kasama niyang naiwan sa lugar na ‘yun upang asikasuhin ang mag-ina.   Agad na patakbong lumapit ang ina sa binatilyo at nagpasalamat kay Lu na tinanguan lang nito, nag-umpisa ng maglakad si Lu palabas ng sitio bato ng tumunog ang cellphone niya na agad niyang ikinasagot.     (Santos!)   “Damn you Ynarez! You don’t have to f*cking shout you dimshit!”sigaw na sita ni Lu dahil sa biglang sigaw ni Blue sa kaniya ng sagutin niya ang tawag nito na rinig niyang ikinatawa nito.   (Kampon ka din talaga ni Boss Taz pagdating sa murahan, Santos. Hindi k aba masaya na ako ang tumawag sayo?)   “Tingin mo masaya akong marinig ang nakakarindi mong boses? Alam mo bang may trabaho akong hudyo ka? Kung wala kang trabaho wag kang mang-istorbo ng trabaho ng iba.”singhal ni Lu   (Grabe siya, may trabaho din naman ako Santos sadyang umalis lang ako sa practice ng banda dahil pinapatawag tayo ni Boss Taz sa bound. Ako na nga nagkusang loob na tawagan ka tap--)   “Why?”putol na tanong ni Lunova kay Blue na rinig niyang ikinaungos nito.   (May bago tayong mission, idi-discuss ni Boss Taz pagdating nating lahat dito. May mga nagsend din kay Boss Taz ng invitation ng laban sa Phantoms against the member ng West bound. Alam kong busy ka pero pagdating sa bound natin alam kong lumuluwag sched natin.)   “I’m coming.”sagot ni Lu na nagtuloy-tuloy ng paglalakad sa kotse niya.   (Hindi pa sasama si kamahalan sa meeting natin ngayon, sinabihan siya ni Boss Taz na mag focus sa nalalapit nilang kasal ni Athena lalo na at coronation day din LAY bilang hari sa mismong araw ng kasal nila. Excited na akong makadalaw ulit sa Royal Pal---)   Hindi na natuloy ni Blue ang sasabihin niya ng pagpatayan na siya ni Lu ng tawag. Nang makasakay na siya sa kotse niya ay agad niya itong pinaandar at umalis sa lugar na ‘yun. Inilagay niya ang cellphone niya sa dashboard niya at kinuha ang Bluetooth earpiece niya at ikinonekta sa cellphone niya bago nagsimulang magtawag.     (Hello Captain.)   “SPO2 Quinn, tell to Baquiran after they detain all the suspect we gathered from sitio bato, they must go straight in the address I sent in the email. And tell to Gonzaga to come with you in the house of the person complained to ask things. Investigate him carefully and if you find suspicious about that man, you can used that to seize him.”pahayag na bilin ni Lu kay Yvo.   (Yes Captain, kami ng bahala. We’ll report to you everything about that case,)   “Thank you.”sambit ni Lu bago nito pinatay ang tawag niya at nag focus na sa pagmamaneho niya papuntang underground.     Alam ni Lu na tama ang desisyon ni LAY na huwag munang makisali sa mga misyon at gawain nila sa Underground at ituon nito ang oras kay Athena at sa nalalapit na kasal nila. Ililipat narin kay LAY ang korona bilang hari kaya alam nila na mahahati na din ang atensyon nito sa bound nila katulad ni Demon pero alam nilang katulad ni Demon ay hindi nito kakalimutan at pababayaan ang pagiging Phantom nito. Kahit nasasaktan ay totoong masaya si Lu para sa dalawang taong malapit sa kaniya, alam niyang deserve ng dalawa ang isa’t-isa at masaya siya para kay Athena na matapos ang mga pinagdaanan nito ay masaya niyang nakikita ito sa piling ni LAY. Alam niyang maghihilom din ang sakit ng puso niya dala ng pag-ibig at kung may dumating man sa buhay niya tulad ng sinabi ni Athena ay tutuparin niya ang pangako niya dito na hahayaan niya muling tumibok ang puso niya pero sa ngayon alam niyang hindi pa muna mangyayari ‘yun.   Dere-deretso lang ang pagmamaneho ni Lu ng tumigil siya dahil sa stop light, tahimik lang naghihintay ng go signal ng mapabaling ang tingin niya sa isang papel na nakadikit sa isang poste na di kalayuan sa kaniya. Isang papel kung saan may mukha ng isang minor de edad na seventeen years old at 13 years ng nawawala nasa tingin ni Lu ay isang taon lang ang tanda niya dito. Nakatitig lang siya sa mukha ng dalaga ng marinig niya ang pagbusina ng nasa likuran niya na ikinaalis niya sa papel na may mukha ng dalaga at ikinalingon niya sa unahan ng makita niyang naka go signal na ang traffic light. Agad niyang pinaandar ang kotse niya pero ang mukha ng dalaga ay nanatili sa isipan ni Lu. Napapaisip siya kung bakit matagal nang nawawala ang dalaga pero hindi parin nakikita hanggang ngayon, nagtataka man ay alam niyang hindi niya pwedeng isipin ‘yun lalo na at wala naman na lumalapit sa kanila tungkol sa pagkawala nito kaya inalis nalang ni Lu ang isipan niya tungkol sa dalagang ‘yun.   Dere-deretso siyang nagmaneho hanggang sa makapasok na siya ng underground, pagdating sa tapat ng bound nila ay agad siyang bumaba ng kotse niya at naglakad papasok sa Pavillion nila na ikinababati ng mga nadadaanan niya na ikinatango niya nalang sa mga ito.   Pagkapasok niya sa pavilion nila ay naabutan niya ang Phantoms na mga nakaupo sa sala, kumpleto ang mga ito maliban kay LAY at Demon.   “Ayan na ang abalang Lt. General natin na mahilig magsungit pagtatawaga---“   “Huwag mo kong simulan Ynarez.”putol na banta ni Lu na ngising ikinatikom ng bibig ni Blue.   “Kamusta ang trabahong ala spiderman Santos? Marami ka na bang nahuhuling mga bad villains?”ngising tanong naman ni Paxton na poker face na ikinalingon ni Lu sa kaniya.   “Madami-dami na Ignacio, gusto mo isama kita sa listahan?”   “Ah, you can’t do that you love our friendship.”pahayag ni Paxton na ikinaungos lang ni Lu at pabagsak na umupo sa tabi ni ToV.   “Kamusta ang kaso na binigay ko sayo?”tanong nito sa kaniya na ikinasandal ni Lu sa kinauupuan niya.   “Ibinigay ko muna kina Quinn at Gonzaga ang pag iimbestiga sa lalaking sinabi mo na inaabuso ang anak at ginagamiti para pagkakitaan. You said na may tingin kang hawak ng sindikato ang lalaking’yun.”pahayag na sagot ni Lu na ikinatango ni ToV   “Yeah, kalkulasyon ko lang pero mukha namang tama ang hinala ko. Sa tingin ko hindi lang basta malaking sindikato ang may hawak sa taong ‘yun, they can turn the table para maging not guilty sila. Well, ang pagkakamali ng ginang na lumapit sa akin ay hindi siya agad sa akin nagpunta.”pahayag ni ToV na ikinangisi ni Lu.   “So boastful Valenzuela.”kumento ni Lu na ikinangiti lang ni ToV.   “Panibagong mission na naman ang gagawin natin tapos sa tagal ng panahon na lumipas ngayon lang ulit may lakas ng loob na maghamon sa grupo. Mga taga West bound pa, hindi ko alam kung saan ako maeexcite.”natutuwang pahayag ni Blue na sabay-sabay na ikinabuntong hininga ng mga married nilang kaibigan na ikinalingon nila sa mga ito.   “Aba, ang lalim ng mga buntong hininga niyo ah, anong hugot?”punang kumento ni Tad na nakaupo sa tabi ni YoRi na nakasandal sa kinauupuan nito at may takip na magazine sa mukha nito.   “Hindi ka makakarelate Han kaya wag ka ng magtanong, tangna kailangan natin maging maingat na hindi umuwing may bangas kundi outside de kulambo ang peg natin.”pahayag ni Shawn na ikinasang-ayon ng mga happily married niyang mga kaibigan.   “Tsaka na kami makikibuntong hininga sa inyo pag kami na nag tinatarget ni kupido, sa ngayon free stress pa kami.”ngiting pahayag ni Blue na nakatanggap lang ng mura kina Balance.     Miya-miya pa ay sabay-sabay silang napalingon ng makita nila ang pagbaba ni Taz sa hagdanan kasama ang mga underbosses nito.   “Nakakapanibago na dalawa na sa Phantoms ang hindi na masyadong pupunta sa bound, makakampante na si Audimus dahil hanggang ngayon ay hindi parin siya nakaka pag adjust sa kalmado niyong prin---aray!”putol na daing ni Devin ng makatanggap siya ng suntok kay Audimus sa braso nito.   “Mapanakit ka Smith ah.”angal nito na ikinaungos lang ni Audimus.   “Sumusungit ka ngayon Smith bakit, on character ka ba para layuan ka talaga ni Er—“   “Imik pa Ignacio, baka gusto mong mag warm up sa likuran.”masamang tingin na putol ni Audimus sa sasabihin ni Paxton na ngising nag gesture na nagzi-zip ng bibig.   “Stop the f*cking teasing, nauumay na ako.”sermon ni Taz sa kanila na ikinalingon ng lahat sa kaniya.   “You love hearing us teaching each other tapos mumurahin mo kami, gustong-gusto mo ‘yun Westar---“   “F*ck you Ignacio!”mura ni Taz na bahagyang ikinatawa lang nina Balance.   “Ano ang bagong misyon ng bound natin Boss Taz?”agad na tanong ni Blue kay Taz na seryoso ng tingin ang binigay sa kaniya.   “I’ll devide the Phantoms and underbosses in the mission and the challenge of West bound. Kiosk, Mondragon , Rosales, Santos, Valenzuela, Ynarez, Ignacio, Chen, Natievez and Gozon will do the mission. Torres, Han, Fritz, Amadeus, Ringfer, Smith, Coroneo and El Diente will be in challenge of West bound.”paghahating pahayag ni Taz.   “Teka Boss Taz ano ba ang mission na gagawin namin?”kunot noong tanong ni Blue na ikinalingon ni Taz sa kaniya.   “You will hunt a boar name Gustavio Argyros, our crest seal is in his costudy. He is the one who bought our seal in the biddings happens before. We must get the seal back before he learns how to f*****g used it.”pahayag na bilin ni Taz sa mga naka assign sa misyon nila.   “Chen already found were is that Argyros who doesn’t know that he had the crest seal that’s important to our bound, don’t do anything to him but if he fights back then do what you need to do to have the crest seal.”pahayag ni Taz na ikinatango nina Paxton.   “Mukhang matatagalan bago natin matimbre ang parehas na kaso na hawak natin, Santos.”sambit ni ToV na bahagyang ikinangisi ni Lunova.   “Nah, I have a team that can work without me Santos.”sambit ni Lu na ngiting ikinatango ni ToV sa kaniya.   Marami man na trabaho si Lu bilang isang pulis ay hindi niya isinasantabi ang mga gawain nila sa underground na naging parte na ng buhay niya ng matigilan si Lu ng biglang pumasok uli sa isipan niya nag mukha ng dalagang nakita niyang nakapaskil sa poste.   “Why am I thinking about that woman?” bulong ni Lu sa kaniyang sarili habang nagkaka-asaran na muli ang Phantoms at kasali na ang ibang underbosses na nakisabay sa ingay sa loob ng Pavillion.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD