bc

Note (ONE SHOT STORY)

book_age12+
17
FOLLOW
1K
READ
dark
suicide
drama
tragedy
twisted
no-couple
highschool
humiliated
punishment
surrender
like
intro-logo
Blurb

Isang sulat ang nakita sa ibabaw ng lamesa. Isang sulat galing sa anak, kapatid, kaibigan, at kasintahan. Ang sulat na magpapabago sa lahat.

chap-preview
Free preview
Suicide Note
Hindi ko na kaya. Ang hirap hirap na. Halo-halong sakit na. Kasalukuyan kong sinusulat ang suicide note na ito. Sobrang hirap na ng nararanasan ko. At gusto kong ipaalam sa lahat ng makakabasa nito ang nalalaman ko. May 18, nakita ko si Papa na may kasamang ibang babae. Naglalakad ako mag-isa sa mall nang aksidente kong makita si Papa kaharap ang babae sa isang restaurant. At mas nanlumo pa ako nang malaman kong buntis ang babae. Buntis na naman. Nakita ko kung paano hinalikan ni Papa yung babae, at kung paano din hinalikan ni Papa ang tiyan nung babae. Nakakadurog ng puso. Parehong-pareho 'yon ng sinabi sakin ng isa pang babae ni Papa noong nakaraang buwan. Tapos dalawang linggo bago ang araw na ito, may nagsend ng scandal sa account ni Papa. Lihim ko yung nakita sa phone ni Papa. Laman no'n ang p********k ng isang babae at niya. Nagpakilala siyang ilalantad niya ang scandal na 'yon once na hindi siya mabigyan ng pera ni Papa. Ang sakit sakit na. Yung kahit gustong-gusto kong sabihin kay Mama na bumabalik na naman si Papa sa pambababae, hindi ko magawa. Hindi ko kaya. Kasi kapag ginawa ko 'yon, masisira na naman ang pamilya namin. Kapag kinausap ko si Papa, pagagalitan niya ko. Syempre ikakaila niya 'yon, gaya ng nangyari dati. At syempre, paniniwalaan na naman siya ni mama, gaya ng dati. June 2, lihim kong nakita si Mama na nagnanakaw ng pera kay Papa sa kwarto niya habang nasa trabaho si Papa. Hindi nakita ni Mama ang pagpasok ko sa kwarto ni Papa habang nililimas niya ang pera ni Papa sa safe dahil dahan-dahan ako sa labas ng kwarto at pinapanood ang ginagawa niya. Tapos hindi lang 'yon ang nalaman ko dahil pati ang mga accounts ni Papa ay kinuhanan niya din ng pera. Kaya kapag nade-depress si Papa dahil nagkukulang ang mga pera niya, hindi ko masabi na dahil kay Mama 'yon. Tapos kada mag-aaway sila, wala akong magawa kundi ang tumahimik at umiyak sa kwarto. At dahil sa laging pag-aaway ni Mama at Papa, sa kapatid ko lagi naibubunton ang galit ko sa pamilya namin. July 21, namatay ang kapatid ko. May Down syndrome ang kapatid ko kaya naman simula pa lang ay mas siya na ang naalagaan sa aming dalawa. Mas priority siya. Isang taon lang ang tanda niya sakin pero alam kong malayong-malayo ang kapasidad ng utak ko sa kanya. May ginagawa akong project para sa school, niru-rush ko na dahil deadline na kinabukasan. Tapos lumabas lang ako saglit para kumain at naiwan si yaya kasama ng kapatid ko para alagaan ito. Kaso pagbalik ko, nag-uumapaw ang mga negatibong emosyon sa loob ko dahil nagkita kami ng boyfriend ko. Pagbalik ko, nakita ko si Kuya na sinisira ang project na ginawa ko. At dahil sobrang galit na galit ako pagbalik ko ng bahay, kaya nadala ko 'yon hanggang sa bahay, tapos mas lalong lumala nung makita ko ang nangyari sa project ko. Ang project na 'yon pa naman ang magsasalba sa bumababa kong grado sa school tapos makikita kong ganun ang kinahinatnan no'n. Kaya naman marahas kong tinulak ang kapatid ko para ihiwalay sa kanya ang ginawa ko. Kaso hindi ko sinasadya... napalakas ang pagtulak ko kaya malakas ang pagkakabangga niya sa pader. Dahilan para tumama ang ulo niya. Nakita ko pa ang mga dugo niyang lumabas. And worst... nakita ko pa ang pagkamatay niya. Hindi ko sinasadya... Hindi ko sinasadya... Hindi naman talaga dapat itutulak ko siya kaso hindi ko napigilan... Ilang beses akong humingi ng tawad kay Mama at Papa pero hindi nila ako pinansin. Kinulong nila ako sa kwarto para maparusahan sa ginawa ko. Ni hindi man lang ako nakapunta sa libing ng kapatid ko. August 10, isang buwan matapos ang nangyari. Pinapasok ako nila Mama sa school pero hindi pa rin nila ako pinapansin. Sobrang sakit. Sobra sobra sobra. Sinabi ko sa sarili ko na sanay na ako sa mga ganito. Sa mga ginagawa nila kasi umpisa pa lang naman ay wala na akong nararamdaman na pag-aaruga mula sa kanila ni Papa. Pero ang sakit pa rin pala... Ang sakit na kulang na lang palayasin nila ako sa bahay dahil sa ginawa ko... Tapos sakto pa... Sakto pa na sa pagpasok ko, nakita ko ang boyfriend ko kasama ng isang babae. Iyon yung babae na pinakamaganda sa batch namin, nakakatawa na yun din yung babaeng pinangako sakin ng boyfriend ko na hinding-hindi niya magugustuhan dahil may kumalat nga na may gusto sa kanya ang babaeng yun. Sinugod ko silang dalawa at sa dulo, ako ang talo. Sinabi ng boyfriend ko na dahil sakin kaya siya humanap ng babae. Kasi isang buwan daw akong nawala at hindi niya kinaya ang lungkot na wala ako kaya humanap siya ng iba. At sa mga oras na wala ako, ang babaeng 'yon ang naging sandigan niya. Tapos nalaman ko na may nangyari na pala sa kanila. Tapos kanina, galing sa kaklase ko, nalaman ko na simula pa lang ng relasyon namin, niloloko niya na ako. Nagda-date na pala sila nung babae, wala pa akong alam. Humanap lang siya ng butas ko para makalabas siya sa gulong pinasok niya. At nakakatawa dahil sa lahat ng ito, nalaman kong all throughout din pala, niloloko lang ako ng mga kaibigan ko. Ginagamit lang nila ako para makakuha ng magandang grado. Kaso dahil wala nga ako ng isang buwan kaya wala silang nahita sakin kaya friendship over na rin. Napag-alaman kong kaya naman pala bumababa ang grades ko sa kabila ng mga pagtaas ng mga performance ko sa school, ay ang pagkontrol nila sa grades ko. Simula pa lang ay gusto na nila akong pabagsakin kaya naman kinaibigan nila ako. At habang ginagawa nila 'yon ay sinusuhulan nila ang mga teachers ko para kontrolin iyon. Yung mga grades na dapat napupunta sakin, ay napupunta sa kanila. Mababaliw na yata ako. Akala nila Mama pumapasok pa ko ng school pero ang totoo, nagcu-cut na lang ako ng class. Paano ko maaatim na pumasok kung laman ng balita sa school ang relasyon ng ex ko at ang babaeng 'yon. Paano ko matitiis ang nararamdaman ko kung ang mga itinuring kong mga totoong kaibigan ay ginamit lang ako. Wala akong makausap. Dinaig ko pa ang nakakulong na preso sa pakiramdam ng pagkakulong. Awang-awa na ako sa sarili ko dahil sa hirap. Kahit nakikita ko si Mama at Papa sa bahay, parang wala rin dahil puro sa negosyo nila lahat ang atensyon nila. Wala akong kaibigan. Wala akong mapagsabihan. Sobrang sakit na. Gustong-gusto ko ng sumuko para mawala na lahat sakin. Ang hirap. Ano bang ginawa ko para sobra-sobra akong malasin ng ganito? Bakit parang dinaig ko pa ang taong pumatay ng tao sa pagpaparusa sakin? Bakit pakiramdam ko nag-iisa lang ako? Kaya ngayon, I'm doing my last decision in my life. Wala namang mag-aalala sakin eh. Walang mawawala. Walang manghihinayang sa buhay ko. Kapag nalaman nila ang nangyari sakin, karamihan ay magiging masaya. Siguro nabuhay lang ako para maramdaman ang sakit, ang pait, ang paghihirap. Kahit sabihin pa nating nabibili ko ang gusto ko, marami kaming pera, at napupuntahan ang kahit na anong lugar, wala pa rin 'yon. Hindi pa rin ako masaya. Hindi ko kayang sabihin ang lahat, ang katotohanan, sa kanila, lalo na sa magulang ko. Para saan? Para makita ang pag-aaway nila? Ang posibleng paghihiwalay nila? No. I won't do that. Ayoko ng doblehin ang sakit na nararamdaman ko. That's why I'm leaving. And writing this suicide note will end all. Goodbye.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Contract - Tagalog

read
760.9K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
481.3K
bc

He's Cold Hearted

read
162.5K
bc

You're Paid (Book1&2)-SPG

read
2.2M
bc

The Possessive Mafia Boss ( Tagalog )

read
345.1K
bc

NINONG III

read
385.2K
bc

A night with Mr. CEO

read
176.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook