Chapter 5.3 Taong dalawang libo at lima noong pumasok bilang kolehiyo si Natalia sa isang State University. Tandang-tanda pa niya noong enrollment, mag-isa lamang siya. Abala kasi noon ang Auntie o Uncle niya kaya wala siyang ibang maaasahan na sumama sa kanya. Naisip rin naman niya na kaya na dapat niya ang lumakad mag-isa dahil malaki na siya at hindi naman na siya bata. BSBA Marketing Management ang kursong kinuha niya. Matapos niyang mag-enroll ay hindi niya alam kung ano baa ng dapat niyang maramdaman? Excited siya na kinakabahan. Iniisip niya kasi kung kaya ba niyang pangatawanan na mapag-aral ang sarili niya? Kakayanin ba ng mga sidelines niya? Hindi naman mahal ang tuition fee nila every semester, pero ang panggastos niya sa araw-araw ang magiging problema niya. Bahala na, wala na