HINDI MAIPALIWANAG ni Karina ang kabang nararamdaman niya sa mga oras na ‘yun, simula na ang araw kung saan magkakaharap sila ni Vernon para sa annulment case na sa husgado para sa kalayaan niya. Hindi niya maiwasang kabahan dahil sa mga nakaraang abogado na kinuha niya ay hindi sila umabot sa husgado dahil nababayaran sila ng pera ni Vernon, kaya hindi mapigilan ni Karina na kabahan dahil ito ang unang beses na matutuloy na ang annulment case na gusto niyang makuha. Kahit kinakabahan sya ay maayos siyang nakatulog kagabi, pakiramdam niya ay napakagaan ng pakiramdam niya, at alam niyang si ToV ang dahilan kung bakit magaan ang tulog niya kagabi dahil sa dalawang beses na pagtawag ni ToV sa kaniya na ngayon lang naranasan ni Karina na may isang taong miya’t-miya ay pinapagaan ang loob niya