Sa ibaba ng mini sala ng yate ay magkaharap na nakaupo sina Karina at ToV para pag-usapan ang annulment case ni Karina, magka-kalahating oras na silang nakaupo sa loob ng mini sala habang si Karina ay tahimik lang sa kinauupuan nito at si ToV ay may hawak na folder at binabasa ito. Kanina pa gustong magsalita ni Karina dahil sa katahimikan na namamayani sa pagitan nilang dalawa, hindi siya sanay sa ganitong katahimikan pero ayaw naman niyang istorbohin si ToV na abala sa binabasa nito. Pinili niya nalang na hintayin na mag-umpisang magsalita si ToV ng mapatingin siya sa kaniyang suot na bahagyang ikinalaki ng kaniyang mga mata dahil ngayon nalang pumasok sa kaniyang isipan ang suot niya, kaya dahan-dahan niyang nilingon si ToV na bahagya niyang ikinatikhim. “Excuse me yabang, may concern