Hindi makapaniwalang iniikot ni Karina ang kaniyang paningin sa restaurant na pinagdalhan sa kaniya ni ToV, may kakayahan si Karina na bumili ng mga gusto niya pero alam niya ang salitang expensive. Sa ganda ng ambiance at laki ng restaurant na kinalalagyan nila ni ToV alam niyang mamahalin ito, nakapasok na siya sa maraming restaurant pero ngayon niya lang nalaman na may Russian restaurant ilang block sa condo building na tinituluyan niya. Masasabi niyang kilalang restaurant ang pinagdalhan ni ToV sa kaniya dahil hindi lang mga Pilipino ang nakikita niya sa loob, may mga banyaga siyang nakikita na bakas sa mukha ng mga ito na nag-eenjoy sa kinakain nila. “Madalas ka ba ditong kumain, yabang?”tanong ni Karina na ikinalingon niya na kay ToV na nakatingin sa labas ng glass wall na parang t