Dahil sa galit, selos na nararamdaman at pagsikip ng puso ni ToV dahil sa ginawa ni Karina ay dere-deretso siyang umalis sa lugar na ‘yun dahil ayaw niyang gumawa ng gulo dahil lang sa nararamdaman niya. Alam niyang hindi dapat ganun ang maging reaskyon niya dahil wala pa siyang karapatan kay Karina, pero hindi niya mapigilan ang selos na naramdaman niya at galit na hindi ito nakinig sa bilin niya at nilihim pa nito sa kaniya ang tungkol sa pagiging date nito sa ibang lalaki, na rinig na rinig niyang gustong ipakasal ng ama ni Yeshua kay Karina. Hindi mapigilan ni ToV ang pag-igting ng panga niya habang nagmamaneho siya, inalis niya ang pagkakabutones ng polo shirt na suot niya habang bumibilis ang takbo ng kotse niya. Hindi niya makalma ang sarili na ngayon lang uli nangyari sa kaniya, m