SA ISANG coffee shop ay nakipagkita si Therice at Maxine kay Karina dahil sa balitang napanuod nila tungkol sa nangyari sa condo building na tinitirhan ni Paolo kung saan tumutuloy muna si Karina habang hindi pa nagsisimula at natatapos ang annulment case na dinala ni ToV sa husgado. Lunch break naman kaya pumayag si Karina na makipagkita sa dalawa niyang kaibigan, samantalang si Paolo ay abala sa agency nito dahil sa mga bagong models na pinadala sa agency nito. Nabanggit niya din sa mga kaibigan niya ang muntik ng pagkakakuha sa kaniya ng serial killer dahil ayaw niyang si Paolo ang magbalita kina Therice dahil ayaw niyang isipin ng mga ito na naglilihim siya sa nangyayari sa kaniya. “Mabuti at hindi nakuha ng serial killer na ‘yun para gawing koleksyon niya, grabe, when I watched the