“Katulad ba siya ng lalaking naka pila sa counter?”sambit na tanong ni Maxine na kunot noong agad ikinalingon nila ni Therice na bahagyang ikinagulat ni Karina at nagawa pa nitong maituro ang lalaking nagligtas sa kaniya. “Oh? Siya ‘yun! Siya ‘yung lalaking nagligtas sa akin sa kamay nung serial killer.”bulaslas ni Karina na parang narinig siya nito ng ibaling nito ang tingin sa pwesto nila na ikinatitig lang ni Karina dito na agad niyang ikinababa ng kaniyang kamay at inalis ang tingin dito. “Kakaturo mo mamaya manuno ka, napansin ka tuloy. Hamak naman na mas gwapo si ToV sa savior mo.”ani ni Therice na uminom ng kape nito na kunot noong ikinalingon ni Karina sa kaniya. “Niligtas niya ako pero hindi ko naman kino-consider na savior ko siya, tsaka huwag mong ikumpara si yabang sa ibang