“T-teka Ye-yeshua, kailangan ba talaga na ganito ang suot kong dress? M-masyadong revealing naman yata ‘to tsaka hindi ako komportable.” Nasa isang mamahalin na boutique sina Karina at Yeshua upang maghanda sa gaganaping kaarawan ng ama nito na gaganapin sa malawak na tahanan nito, naka suot na ng itim na suit, slacs at leather shoes si Yeshua at hindi maipagkaka-ila ang angking kagwapuhan nito na kanina pa lihim na sinusulyapan ng mga staff sa boutique na kinalalagyan nila. Naiilang naman si Karina sa suot niyang si Yeshua ang pumili na hindi niya na nagawang ikaangal dahil ito na ang binigay sa kaniya at hindi siya binigyan ng oras na pumili ng susuotin niya. Sanay naman siyang magsuot ng mga elegant dress pero ang dress na suot niya ay kita ang balat sa kaniyang likuran at sa bandang