Malakas na sinara ni Karina ang pintuan ng condo ni Paolo ng makauwi siya after niyang makauwi galing sa karindirya na pinagdalhan ni ToV sa kaniya, kitang-kita ang inis sa mukha ni Karina dahil sa nangyari sa karindirya sa pagitan nila ni ToV. Ang gulo na nangyari sa karindirya dahil sa dalawang lalaking nag-aaway roon ay pinalitan ng sagutan nilang dalawa ni ToV, nasipa pa ni Karina ang binti ni ToV sa inis niya kay dito bago niya ito iwan sa karindirya at nag commute nalang pauwi. Maisip niya lang ang nangyari sa karindirya ay kusang tumataas ang pagka bad mood ni Karina kay ToV, lalo na sa mga sinabi nito na lalong nagpatibay sa impression ni Karina sa pagkamayabang nito. “Ang kapal talaga ng mukha ng mayabang na ‘yun! Sa lagay na nangyaring halik na ‘yun siya pa ang lugi at nag-iina