Chapter 1

3093 Words
"DANIIIII!" Someone shouted downstairs of our house. I automatically rolled my eyes at tulad ng inaasahan ay marahas na bumukas ang pintuan ng silid ko at niluwa niyon ang pinsan kong si Austrid.   Tumagilid ako sa paghiga, patalikod sa kanya pagkatapos ay inayos ang pagkakahawak sa librong hawak-hawak ko. Sobrang ganda na nung takbo ng kuwento para putulin at makipag-usap lang sa kanya na for sure ay wala na namang kwenta ang mga sasabihin.   I don't want to waste my time with that kind of stuffs. Talking about her lovelife na alam kong sa simula lang ang kilig-kilig and after how many days ay kukupas rin at kalaunan ay maghihiwalay din. Mas gugustohin ko pang mabagot magbasa sa isang hindi nakakatakot na horror story kesa makinig sa pabalik-balik niyang mga kwento tungkol sa mga bagong gwapong lalaki na nakilala niya.   "Huy, tama na nga yang reading-reading mo!" paninimula niya sa pamb-bwesit sa akin. Hindi ko siya pinansin.   I didn't even gave her a single glance. My eyes were just only glued on the book’s 258th page.   I am in the c****x of the story where the thrilling part is starting kaya kung maaare ay ayaw ko munang magpaistorbo! Ayaw ko munang magpadala sa nakakainis kong pinsan for now.   "Huuuy!" pangi-istorbo niya ulit. Again, I didn't bother to gave her a single glance.   "DANIELLA ZIEL MEDUYA!" sigaw nito malapit sa tenga   “Ano ba?!” Napaupo ako. Ng sakit ng tenga ko!   I groaned. Nakakairita, kakasabi ko lang na hindi ako magpapadala sa pamb-bwisit niya.   My cousin smiled evilly.   "Ugh! Alam mo kahit minsan talaga, istorbo ka sa buhay ko!" I blurted.    Nagpapasalamat nga ako kasi mag-isa ako ngayon sa bahay and has the chance to be alone with my books pero siya naman itong susulpot nalang bigla para mangistorbo sa akin. Minsan ko na nga lang masolo itong bahay may engkanto pang nakakapasok! Dapat kasi ni lock ko yung pintuan eh, bat ko ba nakalimutan yun? Ugh!   "Yeah, whatever yow zay couzyy" she said rolling her eyes. Maduling ka sana!   I moved my butt patungo sa gilid ng kama at hinarap siya na ngayon ay nakasandal na sa doorjamb ng pintuan.   "Bakit kaba nandito?" naiinis ang tonong tanong ko sa kanya.   She sighed and lazily walked towards me. "Naghahanap ng mapagtitripan" TIGNAN NIYO! Pinutol niya ang pagbabasa ko kasi gusto niya lang ng may mapagtitripan! Pigilan niyo ako't masasapak ko na talaga tong engkantong to!   Patalon itong humiga sa kama ko kung kaya'y bahagyang napalundag naman ang katawan ko sa pagkakaupo.   "Tss. Look kung wala ka naman palang seryosong pakay... makakaalis kana." I said pointing my finger on the wide opened door.   She placed her hand on her chest acting hurt. "Ouch! you're so mean!"   Ewan ko ba kung bakit siya ganito sa akin? She always make fun of me. Tapos kung mga kaibigan niya naman ang mga kasama niya eh pormal naman itong nakakausap nila pero pag ako na ang kaharap niya eh palagi nalang akong ginagago, kaya palagi akong na b-bbwisit sa kanya eh!   I rolled my eyes again for the nth time. "Ako pa ang mean ngayon? Sino ba ang pumasok dito upang mangistorbo? Ako ba?" I asked while giving her a deadly glare.   Alam mo yung moment na ang ganda-ganda na ng binabasa mong storya tapos nasa gitnang bahagi ka na kung nasaan yung may thrill tapos may biglang umistorbo sayo! Ugh! May masisipa talaga akong engkanto ngayon!   "Pero seryoso!" umupo siya sa kama ko.   "Sama ka mamaya? Punta kaming Yowlo" aya nito sa isang Night Club. My brow furrowed. Hindi pa ako nakakapasok sa isang club, wala din naman akong plano. Hindi din ako interesado sa mga lugar na ganyan, maingay. Mas gusto kong tumambay sa loob ng isang library o sa isang cafe, walang maingay, walang istorbo.   "Nah, I'm busy." I said as I stood up. I went to my study table to leave there the book I am currently reading.   I have a research paper to deal with, though matagal pa ang deadline n’yon ay gusto ko na siyang trabahuin para matapos ko na siya ng maaga.   Pinagsingkitan niya ako ng mga mata. "Nakalimutan mo na ba kung anong meron ngayon?"   "Except sa reading day ko sana ngayon ay wala na? Ano bang letcheng special sa day ngayon? At pumunta ka pa talaga dito?" Inis kong sabi sa kanya. Austrid is used to it tho.   Tumayo ako ng matuwid. Its already nine in the morning kaya kailangan ko nang maglinis. Inayos ko ang pagkakatali sa buhok ko and left her without saying something, kahit kailan naman ay feel at home siya at sure naman akong hindi siya magnanakaw sa mga gamit ko kasi mas mayaman pa iyon sa amin, atsaka kadalasan din sa mga gamit ko ay mula sa kanya no.   Kinuha ko ang walis tambo namin at nagsimula nang maglinis. Lumabas ng kwarto ko si Austrid at umupo sa sofa ng sala namin para simulan na naman ang pangungulit sa akin. Hindi ko talaga alam kung bakit nandito siya! Wala akong ibang maisip na dahilan maliban sa trip niya lang talagang pumunta rito sa bahay at bwisitin ako.   "Grabe ka, wala kaba talagang nare-remember ngayon?" she asked again.   Nag-isip ako kunyare kung ano bang espesyal sa araw na 'to pagkatapos ay umiling ako sa kanya at nagpatuloy sa pagwawalis.   "Gagang ‘to! Birthday ko ngayon!" Sabi niya sa akin na nasa tabi ko na. Iniiwasan ang mga duming winawalis ko.   Ah, tama nga pala. September 26 nga pala ngayon. "Edi, Happy birthday" humarap ako sa kanya. Tapos na akong magwalis kaya binalik ko na ito sa lagayan.   "Ganun lang? Wala man lang ba akong gift d’yan?" She said na nakapameywang. Ako pa talaga yung tinatanong niya? Na kahit twenyy-five centavo eh wala nga ako eh. Kakabili ko lang nang bagong libro!   "Anong akala mo sa akin mayaman? Atsaka na sayo na lahat, ano pa ba ang gusto mo? Kung gusto mo ng libro... feel free to choose" I said and pointed my both hands on the direction of my bookshelves na makikita rito sa sala namin. Punong-puno ang mga iyon and if she's really into books ay paniguradong malilito siya kung anong kukunin kasi I made sure that all my favorite books ay naroon ko inilagay. I have read a lot and all of them are awesome kaya nasisiguro kong lahat ng librong naroon ay magaganda ang mga storya.   "No thanks, baka masunog ko lang yan" walang pusong ani niya. "Magka-club kami mamaya, sasama ka o sasama ka?" She changed the topic.   I rolled my eyes as if I have any other choice. Kasi pag sinabi kong hindi ako sasama eh hindi niya rin naman ako tatantanan. Kaya pumayag nalang ako para matahimik at umalis na siya.   "Basta ba ikaw bahala sa transpo ko" I guess its going to be my first time to enter a club. Though, I'm on my legal age so wala naman sigurong masama d’on?   "Ako yung may birthday tapos... " umismid siya nang pagtaasan ko ng kilay.   "Sige na nga" pagmamaktol niya pero kumagat din naman. Tumayo na siya at nagbabadya nang aalis.   "Alis na ako, 7pm ha" she reminded.   Pagkatapos kong makapaglinis sa buong bahay ay hinanda ko na yung susuotin ko mamaya. Nilabas ko sa closet ko yung mini cargo skirt ko na hapit na hapit sa akin at isang black colored v-neck with sphagetti strap. Pagkatapos ay nilinis ko yung boots na nasa ilalim lang ng higaan ko. Ngayon ko lang ulit yata masusuot ‘to ulit.   Ngumisi ako. Thanks to my books and I learn how to pick the right clothes to wear for this kind of occassions. Nakakahiya naman sigurong magsuot ng floral dress na hanggang tuhod, baka pagtawanan lang ako don.   "Perfect!" I screamed nang makitang malinis na ang boots ko.   Napangiwi ako nang papasok na kami sa club at sumalubong agad sa amin ang malakas na tugtug at ang mabahong amoy nang pinaghalong baho ng sigarilyo at alak.   I even rolled my eyes automatically when I found a couple cuddling in a one corner, ugh. I have readed a lot of scenarios like this in a book... where couples are making out in a corner, kissing like there's no tomorrow, mga natural na gawaing makikita sa loob ng isang club.   Akala ko lang talaga na cool kung makakita ako ng ganoong scenario sa personal pero ngayong nakita ko na binabawi ko na iyon, nakakadiri! Para silang mga butiki sa isang tabi! Sinisira nilang mgandang imagination ko sa mga ganyang scenario sa isipan ko!   They're destroying my goddamn imagination. The girl doesn't even know how to kiss! I rolled my eyes.   Nalihis lang ang atensyon ko when Austrid holds my arm. Nagtataka pa siyang tiningnan kung ano ang tinitingnan ko sa bandang 'yun. She shook her head at binalik ang mga tingin sa akin.   "Doon tayo!" sigaw nito dahil hindi na kami halos magkarinigan dahil sa malakas na tugtog ng club. Tinuro niya ang isang table kung saan may tatlong babae at limang lalaki na kumakaway sa gawi namin, Austrid waved back her hand to them at hinila na ako papunta roon.   I was hesitant at first dahil hindi ko naman kilala ang mga yun mas bet ko pang sa bar counter nalang umupo at baka doon may tumabi sa aking gwapong lalaki at aayain akong uminom, tulad nang kung ano ang mga nababasa ko sa mga libro. Inikot ko ang tingin sa buong club, maraming ngang gwapo rito and I don't think na walang lalapit sa akin pag ganoon. Kadalasan din sa mga taong nandito ngayon ay mukhang mga mayayaman at kalevel ni Austrid sa pamumuhay.   I have the curves and matured body than Austrid. Mataas ang buhok at naturally straight ito. Pero hindi mapagkakailang mas baby face ako sa kanya kapag walang make up. But now, I put some make-up on my face to look more hot and sexy kaya sa tingin ko'y malabong walang lalapit sa akin. I looked nerd at school but I know how to jam and play around sometimes!   I sat beside Austrid when we reached her friend's couch. Gusto kong takpan ang ilong ko dahil sa mabahong usok na binubuga ng nagsisigarilyo sa katabi naming table. Nasa club kami kaya batural lang na may naninigarilyo kaya titiisin ko nalang, I'll get used to it pag tumagal.   Pinakilala ni Austrid ang mga kasama niya na mga kaklase niya. Actually, I know them but I don't have time to meet or know them at school. They are in different programand level kaya kung nasa school at nagkita kami ng pinsan ko habang kasama niya ang mga kaibigan niya ito ay nagkakawayan lamang kami sa isa’t isa.   They are also ahead with me kaya masyado na silang busy sa school, samantalang ako nama'y ngayon lang nararamdaman ang pressure sa school dahil second year student pa. Kaya sa aming dalawa ni Austrid siya ang unang magtatapos but I think 50/50 pa rin itong babaaeng ito kasi malakwatsa itong pinsan ko  eh at hindi mahilig mag-aral pero ang nakakamangha lang ay kumakapit pa rin yung mga grades niya at hindi bumabagsak. Palibhasa hindi natatakot kasi wala naman si Tito always sa kanila at wala nang oras to check her grades.   "By the way this is my cousin" pakilala ni Austrid sa akin.   "This is Edgar" pakilala nito sa baklang naka eye glasses. Pamilyar siya sa akin, I thin I saw him. Tama! He’s one of the Chorale member of our school. Group of singers who usually sung the doxologies and the national anthem kapag may events. Ngumiti siya sa akin kaya nginitian ko rin siya pabalik.   "Si Tj" she pointed the girl with long hair. She waved her hand to me and smile dahilan upang lumabas ang mga dimples niya sa pisngi. I smiled and nod on her. She's pretty and I like her innocent smiles.   "That's Clowie" turo niya sa babaeng may pagkaboyish kung umupo at may hawak na isang bote ng beer. Gusto ko yung buhok niya, yung tipong kulot pero malalaki yung alon, ang ganda pero halatang hindi siya mahilig magsuklay. Hehehe.   "Huy Dave, tama na ML shot na" tawag nito sa malaking lalaki na na busy sa pagkukulikot ng phone niya. May sariling party din yata siya.   "Si Dave yan" pakilala ni Austrid sa lalaki na halatang mas matanda pa sa amin lahat ng ilang taon.   Sunod naman ay yung magandang babae. "Ito naman si Airra" Kumaway ito sa akin na nginitian ako. She's so cute and innocent too like Tj.   Gusto ko sanang tumili nang makita ang katabi nito at kung hindi ko lang agad nakilala kung sino ito. Halata ang pagkakaroon ng dugong hapon sa kanya dahil sa mga singkit niyang mga mata. I'm into kpop kaya I love asian boys!   "Ito naman si Tadashi! Matagal na kami magkakilala nito. Remember mo pa yung kinwento ko sayo? Yung mga bata palang kami ng matulak niya ako ng hindi sinasadya tapos nahulog ako sa kanal? Siya yun" humalakhak ang pinsan ko.   Nakita kong natawa rin ng bahagya si Airra habang ako naman ay tila nawala ang kaunting pagka-crush sa kanya nang may maalala, siya yung matabang kaklase ni Austrid noon! Grabe ang laki ng pinayat niya. Kumaway ito sa akin at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Halata ang pagiging lamya sa galaw nito, hay sayang gwapo sana kaso dugong babae ang nananalaytay sa bawat ugat nito. Akala ko na talaga magkaka-Oppa na ako!   Pagkatapos ipakilala sa akin si Tadashi ay pinakilala naman ni Austrid ang katabi nito na si Kerwin. I know him. He's that handsome guy na palagi nilang kasama. Ngumiti ako sa kanya.   Tahimik lang ito pero sobrang gwapo! Siya yung palaging kumukuha nang atensyon ko kapag nakikita ko silang magbabarkada. Nakakaturn-on yung isang earring niya sa tenga tapos ikina-astig niya naman ngayon ang pagsuot niya ng itim na leather jacket. He looked like a handsome bad boy!   "Ito naman si Raffael! I'm sure you know him!" pakilala niya sa lalaking nakaupo sa tapat ko. My forehead creased nang tignan ang lalaki. Hindi ako pamilyar rito.   We're sitting in a U-shape style of couch. Ako ang nakaupo sa kabilang dulo habang siya naman ang nasa kabilang dulo kaya nasa tapat ko ito nakaupo.   I shooked my head. "I don't know him." I said but still gave him a smile. Nawala ang ngiti sa mukha nito when he heard what I just say. B-bakit? Kailangan bang kilala ko siya?   Kita ko ang pagngiwi ng pinsan ko sa tabi. "Seriously? You don't know my bestfriend Dani?" Hindi makapanewalang sabi niya. Her other friends were also laughing because of disbelief.   "He's saint Janus Raffael Monreal! Ano kaba!" Humalakhak siya, hindi makapaniwala.   “Stop making fun of my name, Austrid.” Sabi nito na parang wala lang naman sa kaniyang hindi ko siya kilala. Bakit ba?   Hindi ko siya kilala pero pamilyar ang pangalan niya sa akin, sa tingin ko ay parang narinig ko na ito sa kung saan noon.   "Iyon ba yung sa Monreal construction firm? Yung always number one?" Tanong ko sa kanya. Oh my god! Namilog ang mga mata ko dahil sa nalaman. Austrid's parents are also an owner of a construction firm but they only have their projects here inside the country while the Monreals are operating internationally.   I gasped.   "Stop that Austrid. She'll be intimidated." He said with soft laughters.   Uminom siya sa beer in can na hawak, kita ko ang paggalaw ng adams apple nito nang lunukin nito ang alak. Damn! Bat puro gwapo tong kaibigan ng pinsan ko? Samantalang ako wala ni isang kaibigang lalaki, kung meron man eh puro nerd naman. Thou, I'm thankfull to have them as my friends too kasi nagkakaintindihan kami when it comes to books.   Pagkatapos ng pagpapakilala ay inabutan ako ng isang note ng alak ni Clowie, hindi ko sana tatanggapin kaso nakakatakot siya grabe pinandilatan ako ng mga mata kaya inabot ko agad pagkatapos pinagtawanan lang ako. May sira yata ‘tong babaeng ‘to.   Maya-maya lang ay nag paalam naman si Austrid na mag c-CR. Nang makapasok na ito sa comfort room for the ladies ay nagmadaling tumayo si Tj sa may counter at kinuha ang isang box ng cake na pinataguan niya yata roon.   "Dave lighter mo, dali" pagmamadali ni Clowie sa lalaking busy parin sa paglalaro.   "s**t! Nasa pocket ko" tumayo ito at tumalikud upang ipakuha ang lighter sa back pocket niya. Kinuha naman ito ni Clowie at sinindihan ang kandila sa heart shape na cake.   "Nandyan na si Austrid! Dali na!" Sigaw ni Edgar para marinig namin lahat. Nagmadaling umupo pabalik sa pwesto nila ang lahat.   Nang makalapit na si Austrid the squad started to sing. "Happy birthday to you, Happy birthday to you, happy birthday happy birthday, happy birthday to you! Happy birthday Strid" kanta ng mga kaibigan niya kaya naki palakpak narin ako. Ilan sa mga customers ng club ay napatingin sa amin like duh we're in a club we are supposed to bang our heads and move our hips right now but then the other guest sing's with us as well.   Sobrang lakas ng mga bosses nila na halos mapantayan na yung music ng club kaya natawa nalang din ako ng makikanta na rin ang ibang tao at pinahinaan ng Dj ang music para mas marinig ng celebrant yung kanta namin para sa kanya. Kita ko naman kay Austrid ang saya sa mga mata nito, she's very blessed with her friends. I'm happy for her.   Pagkatapos ng birthday session nila ay pumunta sa dance floor sina Tj, Clowie, Edgar, Tadashi at Austrid na pilit pang  hinihila si Raffael. Habang sina Dave naman at Airra ay ngayo'y busy parin sa pag paglalaro ng ing mobile game.   Kerwin on the other side naman ay natatawa lang na nakatingin sa mga kaibigan niyang sumasayaw  kaya nakinuod nalang din ako at natawa na rin sa kabaliwan nilang magkakaibigan lalo na nang pinsan kong pinipilit pa ring pasayawin si Raffael na mukhang nainis na at hindi gusto ang ginagawa sa kanya ng mga ito.   "Do you smoke? May lighter ka?" Napatingin ako sa babaeng lumapit kay Kerwin. Maikli ang suot nitong damit at halatang sinasadya niyang yumuko para ipakita ang halos bumubulwak niya ng cleavage sa kaibigan ng pinsan ko.   Inilingan lang ito ni Kerwin and shifted his gaze back to the people on the dance floor.   Kita ko ang agarang pagbusangot sa mukha ng babae dahilan upang mapatawa ako. Lumingon sa direksyon ko ang babae, at nakita ang pagpipigil ko ng tawa kaya inirapan ako nito pagkatapos tumalikod at umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD